Chapter Four

80 3 0
                                        

Phil's POV

Maagang natapos ang trabaho ko at kung tutuusin ay maaari naman akong lumabas kasama ang mga tropa o ang mga bago kong kaibigan sa katauhan ng mga ka trabaho ko.

Pero parang bang wala lang talaga ako sa mood makihalubilo ngayon sa maraming tao.

Kung kaya't pagka tapos sa set ay naisipan ko nalang dumiretso sa studio ko. Studio na ibinili ni Dad para sa akin.

Pag dating sa car park ay dumeretso agad ako sa kotse ko at agad ng umalis patungo sa studio.

Pagbaba ko ng sasakyan ay kinuha ko lang ang gamit ko at dmiretso na sa loob.

Pagka pasok ko ay inilapag ko lang sa table ko ang bag ko na laman ang camera at mga lenses ko.

Pagka tapos noon ay nakapa mulsa pa akong naglakad papunta doon sa may ref ko para kumuha ng beer.

Yes. Halos kumpleto narin ang kagamitan ko dito sa studio. Medyo may kalakihan din naman kase ito kaya't nag lagay ako ng couch at table, kung saan kami parang nag me- meeting ng mga barkada pag naka upo sila doon.

At meron nga ding ref para sa mga nakahanda kong mga inumin at mangilan ngilang pag kain.

Maliban kase na dito nako nag dedelop ng mga pansarili kong pictures ay naging tambayan narin ito ng tropa.

Kung kaya't minsan ay bigla nalang silang sumusulpot dito pag nalaman nilang nandito ako.

Marahan akong nag lakad lakad paikot ng studio habang umiinom ng beer.

Bawat sulok ng studio nito ay may kwento. Dahil sa kahit na anong side mo igawi ang mata mo ay puro malalaking note board ang makikita mo.

Malalaking board na punong puno ng mga pinned pictures! Yes. Ang isang side ay para sa pamilya, ang isa para sa buong tropa, sa isang side naman ay sa mga kahit na anong bagay lang na makita ko at maisipang kunan ng letrato at syempre ang huling side naman ay mga pictures namin ni Leanne through the years.

Napapangiti pa nga ako dahil naaalala ko kung ano man ang kwento sa likod ng bawat pictures na matignan ko.

Yup.. Pinag mamasdan ko lang ang daang daang pictures na nandito sa studio habang hawak ang iniinom kong beer, at ang isa ko namang kamay ay naka bulsa parin sa bulsa ng pants ko.

Nag patuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang makarating ako sa side kung saan ang mga pinned pictures namin ni Leanne..

Napa buntong hininga ako at ngingiti ngiti pang pinag mamasdan ang napaka sayang mukha ng girlfriend ko.

Sa bawat pictures na titigan ko ay biglang nag kakaroon ng ibang sigla sa aking puso.

Everything in this section of my studio is wonderful. Mga pictures ni Leanne habang nag kukulitan kami..

Pictures kung saan kun-todo smile pa sya. Meron din nung nag mamake face sya ng makitang pini-picturan ko..

At meron din mga pictures na nakakalusot at di napapansin na kumukuha na pala ako ng mga stolen shots..

Hanggang sa nahagip ng paningin ko yung picture na pinaka paborito ko sa lahat.

Yung picture naming dalawa na naka upo pa kami sa hood ng kotse ko..

Nangingiti ako dahil ang cute lang namin tingnan. Pareho ang suot namin mula ulo hanggang paa.

Yes.. Mula sa bonnet, salamin, damit, pantalon hanggang sa sapatos ay pareho kami.

Ang lakas lang maka korean ng outfit namin. Wala.. Naisipan lang namin at nagpa picture. Kumbaga madagdag lang sa mga sang katutak na pictures na pino-post namin..

Nakangiti parin akong nakatingin doon ng itaas ko ang beer na hawak ko para uminom ng namalayan ko na naubos ko na pala.

Napa buntong hininga pa ako at tumalikod na muna para pumunta doon sa ref at kumuha pa ng isa.

Maliit lang naman yung ref ko na nasa may left side ng kaharapang dingding na kinatatayuan ko kanina.

Napa upo nalang ako sa tabi ng ref at binuksan iyon para kumuha ng isa pang beer ng hindi man lang inaalis ang tingin sa mga pictures ni Leanne na tila ba ako ang tinitignan at masayang nakangiti na nasa harapan ko.

At sa ganon posisyon ay hindi ko na talaga nakayang hindi sariwain ang lahat....

★★★

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon