Chapter Fourteen

134 4 0
                                    

Phil's POV

"Ang busy natin dyan ah?" biglang sabi ni Mom sa may likuran ko. Na yinakap pa ako mula sa likod.

"hmmmmm .. Ang bango naman nyang niluluto mo nak! Mukang masarap ah? Pag-ibig nga naman.. Nagagawa kang gawin ang mga bagay na hindi mo naman talaga ginagawa. Haha. But, I really like seeing you like this son. I mean, you look so peaceful and contented. Pakiramdam ko, when you're like this nawawala ang lahat ng mga bagay na gumugulo sayo." masayang dagdag pa ni Mom.

Well, she's right.. Nagagawa ko nga talaga ang lahat ng mga bagay na hindi ko naman talaga ginagawa dahil sa pag-ibig. Just like this, nagluluto ako.. Na hindi ko naman talaga ginagawa, not because I think hindi ito gawaing panlalaki, but because.. Dahil nga sa hilig ko sa photography kung kaya't noon pa man ay iniiwasan ko na ang lahat ng mga bagay na pwedeng maka sira sa kamay ko tulad nalang ng sobrang pagka expose sa mainit at biglaang lamig na pwedeng maging sanhi ng pagka pasma ng mga kamay ko.

"Sana nga lang kumalahati man lang sa sarap ng luto mo Mom." sabi ko na sinulyapan pa sya sa sa likod ko.

"Asus, nambola pa. Pero, masarap ka naman talaga magluto son. Walang mag aakala na once in a blue moon ka lang na magluto." natatawang sabi ni Mom at naramdaman ko pang ipinatong nya ng patagilid sa likod ko ang kanyang mukha.

Ang sarap sa pakiramdam ng yakap ni Mom.. Parang ang gaan lang ng lahat. Ramdam ko ang init ng pagmamahal na walang katumbas.

"Sino kaya sa atin ang nambobola nyan Mom?Haha.. Pero, pwedeng stay ka muna ng ganyan Mom?Kahit sandali lang." sabi ko ng hindi man lang inaalis ang tingin ko sa niluluto ko.

Nagpa tuloy lang ako sa paglalagay ng mga ingredients ng niluluto ko.

"Huh?ah..ahh eh.. Oo naman son. Ang tagal ko ngang hinintay na mayakap ka ulit ng ganto. Akala ko kase, hindi na si Mommy ang gusto mo magpaka sweet sayo. Nagtatampo na nga ako sa totoo nyan.." sabi nya na halatang nagulat pa pero agad naman naka bawi..

"Asus,ikaw talaga Mommy! Tampo pa, aba! Kayo lang ni Leanne may karapatan gawin sakin ang ganyan kaya dapat lubos lubusin mo na. Kahit araw araw pa..pwedeng pwede.aha!" natatawang sagot ko naman.

"Sige, walang bawian ah?" sabi ni Mom na ikina ngiti ko naman..

Pagka tapos ng ilang sandali..

"Sige na son. Tapusin mo na muna yan, may tatapusin pa muna ako." paalam ni Mom saka inalis ang pagkaka yakap sa akin.

"Okay Mom, thanks for the hug. I really missed that a lot." naka ngiting sagot ko ng bumaling ako ng tingin sakanya.

"Ako din son!Sige maya nalang." sagot nya saka narin lumabas ng kusina.

Ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa niluluto ko.

At matapos lang ang ilang minuto ay natapos ko narin ang kalderetang niluto ko.

Okay! Ayan at ready narin sa wakas ang paboritong ulam ni Leanne na dadalhin ko sakanya.

Sunday na ngayon, kaya doon na sakanila ang punta ng barkada. Napag kasunduan na kasing doon na kami mag lu- lunch at mag sstay na doon until afternoon para narin makapag bonding ng husto.

Ang kailangan ko nalang gawin ay magpa hinga sandali at mag ready na sa pag punta kina Leanne.

.

.

Matapos ang ilang minutong pag papahinga ay umakyat narin ako sa kwarto para maka ligo na.

Pagka tapos kong maligo ay dali dali narin akong nagbihis at ngayon nga ay inaayos ko nalang ang buhok ko sa harap ng salamin.

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon