Leanne's POV
Unti-unting nababalot ng pinag halong tuwa at kaba ang nararamdaman ko habang papalapit na ng papalapit sa site ng aming project. Ang nasabing bunkhouse kase ay nasa loob ng isang mahirap ng barangay.
Makikita sa tanawin sa barangay na talaga nga namang medyo kalunos lunos at kulang sa pansin ang mga mamamayan. May mangilan ngilang mga mumunting paslit ang makikitang naglalaro ng walang mga salawal sa putikan.
"Ganito din ba dito noon.Ate?" taking tanong ni Bettina habang naka tingin padin sa labas. Bubuksan n asana ni Bettina ang bintana ng van na sinakasakyan naming ng bigla syang hawakan sa may braso ni Carl para suwayin.
"Wag na, Tina. We're already getting much attention." Sabi pa nito na tiningnan ang mga batang takang-taka sa mga dumadaan na sasakyan.
"Kuya, paki bilisan po." Sabi ko sa driver. Naka tanggap na kase ako ng text mula sa Barangsy Captain na nanduon na sya at ang iba pang mga namamahala sa may covered court.
Pagdating sa court ay makikita ang mga maraming babae na nag tipon tipon sa mga mesa na nasa nasabing lugar na tila ba abalang-abala sa kani-kanilang mga ginagawa.
"Kumusta kana, Iha?" salubong sa akin ng Barangay Captain pagkababa ko ng van. Sumunod narin isa-isa ang mga members namin na bumaba at isa-isang bumati sa mga tauhan ng barangay.
"Maayos naman po, Cap. Busy po yata ang lahat?" tanong ko sa mga nangyayari sa paligid.
"Ah, Oo Iha. Tuwing umaga kase isinasagawa ang mga livelihood program para sa mga kababaihan at ang mga nakikita nyo ngayon ay nag aaral ng tailoring." Paliwanag nito.
"Napansin ho naming na may mga bata po na naglalaro doon sa daan ng mga walang mga tsinelas at salawal." Sabi ni Art.
"Kung tutuusin Iho, mas Malala pa nga noong unang gumawa ng project dito itong sina Leanne. Marami ng pinagbago, ngunit hindi ko rin maitatanggi na marami pa nga talagang kailangang matutunan ang mga mamamayan natin dito." Paliwanag naman ng Barangay Captain.
Totoong mas marumi nga ang lugar na ito noon at sa pagmamasid ko kanina ay masasabi kong Malaki narin naman talaga ang ipinagbago nito. Wala na ngayon ang halos gabundok ng basura na makikita sa isang bakanteng lote malapit sa isang lumang parke kung saan madalas maglaro ang mga bata.
Napandin ko rin kakaunti nalang ang mga batang naglalaro sa daan kung ikukumpara noon. Nakakabahala nga lang isipin na yung mga nakita naming mga bata kanina ay tila wala pang mga limang taon at naeexpose na sa ganong dumi.
"Napansin ko din po na kaunti nalang ang mga batang naglalaro sa daan." Pagbibigay ko naman ng positive comment.
"Ang totoo nyan, Iha.. mula ng pinag payuhan at pinangaralan nyo ang mga bata dito, eh nakita at napansin namin na mas nagsumikap na silang mag-aral." Naka ngiting sagot naman ng barangay captain na di matago tago ang pagmamalaki sa boses sa mga mumunting pagbabago sa nasasakupan.
"Mabuti naman ho kung ganon. Huwag nyo po kaming intindihin. Magiging tahimik lang po pagkuha naming ng videos sa actual programs na nangyayari dito sa barangay. Pati narin po ng mangilang ngilang lugar na nagkaroon ng pagbabago tulad nalang po nung bakanteng lote malapit sa park." Paliwanag ko.
"Ah, oo naman, Iha. Pero tulad ng dati ay pasasamahan ko parin kayo sa mga tanod habang kayo ay naglilibot at kumukuha ng mga letrato't videos." Sabi nito at nagpaalam na.
"This is it!" masaya at puno ng excitement na sabi ni Art. Di na maalis alis ang ngiti sa mukha nya nakuha pang maki-isyoso kanina sa mga ginagawa at tinatahi ng mga kumukuha ng program.
BINABASA MO ANG
How Much I Love Her
RomancePinaka mahirap sa lahat ay yung ipag laban ang isang bagay na hindi mo alam paano at sino ba kakalabanin mo. Magawa mo kayang ipag laban ang babaeng pinaka mamahal mo kung sarili nya mismo ang inyong pinaka matinding kalaban? Magawa mo kaya syang tu...