Chapter Five

77 4 0
                                        

Phil's POV

Flashback......

"Anak ng pusang kinalbo. Kanina pa kita inahanap nandito ka lang pala" salubong sakin ni Ron na bigla nalang sumulpot sa harapan ko at tinapik pa 'ko sa balikat.

Nandito kami ngayon sa office ng mga staff ng School Paper namin.

Photo journalist kase ako para sa School Paper.

"Oh e bakit ba kase andito ka? May klase ka sa department nyo diba? Sabi ko at tinaasan ko pa sya ng kilay.

Nag patuloy lang ito palapit sa mesa ko at sabing "di pwedeng mamaya?excited ka?ikaw nalang kung gusto mo" sabi nya habang kinakalkal ang mga papel sa mesa ko.

"Ano ba? Bigla ka nalang pumasok dito, kung ano ano pa pinapa kelaman mo!" sabi ko sabay tapik sa kamay nya.

"K. Fine!" maikling sagot nya sabay hugot sa kabilang silya at umupo malapit sa akin.

Yan si Ron. Si Aaron Liwanag.. Ang nag iisang Engineering student sa grupo.. Mga 2nd yr. students na kami ngayon..

Well, ang alam ko nasaraduhan lang sya ng mga minor subjects nya nung 1st yr. pa kami sa department nya kaya napilitan mag cross-enroll sa department namin, which is the CAS Department.

At ayan, masyado atang nawili at di na umalis.. I mean, sa Department na namin nya kinukuha ang lahat ng mga General Subjects sa college.

Mas madalas pa sya dito kaysa sa building ng department nila.

"Hello there mga tao!" nandito na ang mga magagandang dilag sa harap nyo." Masigla at medyo sigaw na bati ni Trish.

"Hello Guys!" naka ngiting sabi naman ni Kayla.

"Kailangan talaga sumigaw pag dumating?! Di pwede mainahon lang?" asar na sabi ni Ron.

Naiiling nalang ako sakanila. Ganyan kami lagi sa grupo asaran dito, bangayan doon.

"Che! E bat andito ka ba ah?" taas kilay na sabi ni Trish na naka pamewang pa.

Natatawa nalang kami ni Kayla sakanila habang sya naman ay naghila pa ng mga upuan at hinila nalang si Trish para umupo narin.

"Ikaw talaga Trish! Alam mo ng bawal tayo dito e. Nag iingay kapa." sabi ni Ron na mainahon habang nag de-kwatro pa sa pag kaka upo.

"Aiyt. Oo nga pala. Sorry naman.. Patawarin" pangiti ngiting sabi ni Trish na nag peace sign pa.

Ayan si Trish. Si Patricia Caseres.. Tulad ko ay kumukuha din ng AB Communication Arts.. Mabait, maganda at matalino.

Yun nga lang, may pagka bungangera nga lang. At, hindi nauubusan ng sasabihin.

At syempre si Kayla.. Mkayla Dizon.. AB English kinukuha nyan.. Maganda, mabait, matalino, madaldal din yan di nga lang kasing ingay ni Trish.. Shhhh.. At hindi daw nya kailangan ng love life. Well, yun ang sabi nya..

Sila ang dalawang prinsesa sa grupo namin. Certified one of the boys pero mga super kikay parin in a cute way..

"Asan si Gelo?" nagtatakang tanong ni Kayla ng mapansin na kulang kami.

Biglang bumukas ang pinto ng ng office "Nandito na ang gwapong hanap nyo" sabi ni Gelo at pa cute pang sumandal sa pinto at naka pamulsa ang mga kamay na para bang kukunan ng picture.

"Alis ka nga dyan" Sabi ni Ron sabay bato ng isang linukot na papel "hindi bagay dre" dugtong pa nito.

Nasalo ni Gelo ang papel at tumuloy sabay sabing "Mas gwapo naman ako sayong unggoy ka" sabi nito kay Ron.

"Wew. Nanlait ang unggoy ng kapwa unggoy" pairap na sabi ni Trish.

Nagkatawanan nalang kaming lahat.

At, ayan kumpleto na ang barkada. Yung huling dumating ay Si Bryan Angelo Nucum. Tulad ni Kayla ay AB English din ang kinukuha.

Ang kaibahan nga lang ay si Kayla ay mahilig talaga mag sulat kaya kumuha ng AB English samantalang ang mokong na ito ay kumuha lang daw nun para makapag college lang.

Magaling syang tumugtog ng gitara, keyboard at drums at magaling kumanta. Kaya nag aaral lang para masabing naka tapos lang pero balak talagang bumuo ng banda at ayaw lang payagan ng mga magulang na kumuha ng course na Bachelor of Arts in Music.

Dahil ang katwiran ng mga magulang nya ay hindi na dapat pang pag aralan ang mga bagay kung saan kana magaling.

At bago pa lumabas ng office na 'to ang ingay namin ay inaya ko na silang lumabas at any moment ay pwedeng dumating ang Editor-in-Chief namin at siguradong papagalitan na naman kami..

★★★

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon