Chapter Seven

80 3 0
                                    

Phil's POV

( Flashback's continuation..... )

"There!"sabay turo ni Gelo dun sa babaeng buhat buhat ng mga lalaki."ayun sya yung sa gitna" dagdag pa nya.

"Araay!" sabi nya na hawak hawak pa ang batok nya.

Binatok lang naman sya ni Ron.. "Maka duro ka wagas! Agaw atensyon ka..daming tao oh.." sabi ni Ron na napa lingon lingon pa sa mga taong nakapa ligid sa amin na pinag titignan kami.

Nasa open court kase kami ng school na tapat naman ng isa sa mga canteen ng school. Dito daw nag practice ang Pep Squad ngayon dahil nasa loob ng gym ang mga basketball players ng school at nag pa-practice din..

At tila natigilan na kami sa sumunod na pang nangyari.. Na pako kase ang atensyon namin sa mga nag pa-practice..

"Okay! One-two .. Three-Four... Five-Six.. Seven-Eight .."

Bilang nung isang lalaki dun sa harapan nila.. Wait..lalaki?? Baka bakla .. Oo mukhang sya ang Choreographer..

Sa bawat bilang nya ay tinuturo nya isa isa ang kung sino ang ihahagis sa ere.. And yes.. Ang gandang tingnan.

May mangilan ngilan pang mga babae ang napapa tili sa panunuod.

At ang finale ay.. May binuhat ang mga lalaki na dalawang babae. Binuhat sila ng over head at dahan dahang pinag harap ang dalawang babae..

At ayun. Ipinuwesto yung isa pang babae sa gitna ng dalawang magka harap na babae.. Ay maya maya hinawakan nung dalawang babae ang magka bilang kamay ni... Wait si Leanne. Yeah yun yung babaeng tinuro sakin ni Gelo na si Leanne daw.

At ng hawak na sya sa kamay ay bahagya syang hinagis at nag split na ere.. Mabilis naman sinalo ng dalawang babae ang mga hita nya sa pamamagitan ng libre nilang mga kamay at ipinatong sa balikat nila.

Bumitaw si Leanne sa pagkaka hawak sa mga kamay nya at buong ngiting kumaway at nag flying kiss pa sa mga nanunuod.

At pagka tapos noon hinawakan ulit ng mga babae ang magka bilang kamay nya at sa isang iglap ay hinila nila si Leanne pa tumbling sa mga lalaking nasa harapan nila at nakahanda ng sumalo kay Leanne. At pagka tapos nga noon ay ibinaba narin ang dalawang babae.

"Okay Very Good! Water break guys!!" masiglang sabi nung Choreographer..

"Okay kausapin ko para mapa kilala na kita" sabi ni Gelo at tinapik pa 'ko sa balikat..

Nakita ko syang nag lakad papalapit kay Leanne habang naiwan naman kami sa di kalayuan ni Ron.. Nagmamasid..

"Bili lang ako sandali sa canteen.."paalam bigla ni Ron." text nalang kayo pag tapos na" dagdag pa nya.

Ni hindi na nga ako hinintay sumagot ng loko at naglakad na palayo sa akin na naka pamulsa pa ang dalawang kamay.

Habang ako ay nakatingin lang kina Gelo.. Nakangiting nakikinig si Leanne kay Gelo na tila ba may pinapaliwanag sakanya.

Tatango tango lang si Leanne habang nag pupunas ng pawis sa mukha gamit ang isang face towel.

Maya maya ay nakita ko ng sumenyas si Gelo na nag sasabing lumapit na daw ako..

"Hello.. Im Philip.. Philip Sandoval" sabi ko sabay lahad pa ng kamay ko para makipag shake hands.

Nakangiti nyang inabot ang kamay nya sabay sabing.. "Hi.. I'm Leanne De Jesus"

"Ah yeah.. So pede kita kunan ng mga pictures para sa School Paper? Sabi ko na itinaas pa ng kaunti ang DSLR na nakasabit sa leeg ko.

"Ah yeah .. Nabanggit nga ni Angelo.. At pati din nung nag interview na kailangan nyo rin daw ng pictures habang sumasayaw kami. Don't worry alam naman na ng mga kasama ko" mahabang sabi nya.

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon