Leanne's POV
"Victory!"
"Successful at last!"
"Worth it lahat ng sleepless nights!"
Punong-puno ng hiyawan at masasayang tawanan at opinyon ng bawat isa ang THO. Katatapos lang ng project at napag kasunduan ng dito gagawin ang victory party.
At dahil special ang gabing ito ay tiniyak ni Gelo na reserved ang THO at mismong si Kuya Jeric pa ang nagluto ng lahat ng pagkain.
Ang saya lang isipin, na eto at parang kailan lang ay hindi kami magkanda-ugaga kung paano uumpisahan pero heto't malapit ng matapos ang project ng BUNKHOUSE. That also means we're two steps forward sa graduation.
"So, kailangan nalang natin tapusin ang mga written reports tapos okay na, Ate?" tanong bigla sa akin ni Carl na may dala-dala ng plato ng pagkain. Itinaas niya pa ito ng kaunti bilang pag anyaya.
"Yes, then OD nalang for our thesis." Nangingiting sagot ko. "Do not think about that yet. Enjoy this first,okay?" sabi ko at iginiya siya sa party na halos kakaumpisa palang.
"Enjoy it as well. You earned it." sabi ng isang napaka familiar na boses sa aking pandinig at naramdaman ang pagdausdos ng kanyang kamay sa aking bewang.
"Thanks Love. You did a great job earlier."sagot ko naman na inihilig ang aking ulo sa kanyang balikat.
"If there is someone who deserve credits here, is that you. I am very proud of you." sabi naman niya at dinampian ng isang mabilis na halik ang aking noo.
"Hello good evening guys!" Bati ng nakangiting si Gelo na nasa maliit na stage kung saan nag pe-perform ang mga banda at solo artists dito sa THO.
"I just want to congatulate the whole team for a job well done. And of course, thank you for letting us be part of the project. Thanks for the nostalgia. I guess I haven't really realized how much I miss this kind of thing until I set my feet on the that stage this afternoon. I congratulate your leader, my dear friend for an outstanding work." pagpapatuloy na pag sasalita ni Gelo atsaka ako hinanap sa kumpol ng tao at bahagyang natawa na halos ng dulot naman ng kilig sa mga babae sa audience. Still really flirting with everyone every time he gets.
"Nagtaka pa ko 'no? Syempre pag di mahanap si Leanne dahil sa kanyang cute height sa kumpol ng tao.. Look for Phil instead, she'll definitely in his side. Haha. Leanne. Good job. Nice way of directing everything, I say. Team... Your team efforts were ridiculously impressive. Thought you'll just be playful and silly. But what you did back there was very professional." sabi ni Gelo in a serious tone. At nagpatuloy ng magsalita.
"Know you're all tired. So it's time to do my job. Enjoy all the food and each others' company as we serenade you in your dinner. These songs are for you." Pagtatapos ni Gelo sa kanyang speech at nagsimula ng tumugtog kasama ang blue eagles sa kantang Kahit Kailan ng South Boarders.
Unti-unti niyang nilalasing ang lahat sa kanyang boses habang kumakain. Ang iba ay hindi maialis ang kanilang mga mata sa banda habang ang iba naman ay ineenjoy lang ang pagkain sa ilalim ng panghaharana ng banda.
"Panghaharana habang kumakain, so ganito pala ginagawa ng isang to pag regular days niya dito?" tanong pero pasabi ang paraan na sabi ni Ron habang hawak ang plato na tumabi sa amin ni Phil. Napapa tango pa siya ng kaunti habang nginunguya ang pagkain sa bibig.
"Cool. A good way to relax the tired team of yours, Leanne" nangingiti naman na sabi ni Kayla.
"It's a surprise for me too, though. Wala sa usapan namin ni Gelo ang pagtugtog nila. In the house nila yan." sagot ko naman.

BINABASA MO ANG
How Much I Love Her
RomancePinaka mahirap sa lahat ay yung ipag laban ang isang bagay na hindi mo alam paano at sino ba kakalabanin mo. Magawa mo kayang ipag laban ang babaeng pinaka mamahal mo kung sarili nya mismo ang inyong pinaka matinding kalaban? Magawa mo kaya syang tu...