Chapter Six

62 3 0
                                    

Phil's POV
( Flashback's continuation..... )

Kung minsan ang sarap lang titigan ng mga students na nag lalakad sa baba.. Papunta dito.. Papunta doon..

Yup..nandito kase ako sa 4th floor. Sa tapat ng room namin.. Kakatapos lang ng isang klase ko at break namin..

Nakatayo lang ako dito sa may corridor at naka salumbaba lang akong pinapa nuod ang mga tao sa baba..

May mga nag lalakad papunta dito, meron din doon..

Mag iisang buwan palang ang 1st sem,three weeks palang to be exact pero nag uumpisa ng dumami ang ginagawa ko.. Namen..

Biglang nag vibrate ang cellphone ko at ng tignan ko ay nag text pala si Gelo..

Dude we're here at Vicente's Cafe. Sunod kana. Order na kami..

Then I just replied that I'm on my way na at demetso na sa pag lalakad papunta sa tambayan ng barkada..

Pag dating doon ay agad ko silang nakitang naka upo doon sa paborito maming pwesto ng cafe.

Papalapit palang ako ay dinig na dinig ko na ang pag aasaran nila.

"Anak ng tokwa Kayla,Trish. Malakas pa kayo kumain sakin" tawang tawa na asar ni Gelo.

"Che! Tumigil ka! Pakelam ko?! Sexy padin ako" sagot ni Kayla sabay irap.

"Oo nga! 'tong lokong to kung ano ano napapansin.. San na si Phil?" tanong naman ni Trish.

"Papunta na daw ok? Ayan oh" sabay harap sa dalawa ng cellphone nya.

"Oh dre..dyan kana pala" sabay hila ng isang upuan na sabi ni Ron "dito kana" dugtong pa nya.

"Nag kakatuwaan na kayo dyan ah. Doon palang ako sa may pinto rinig na rinig ko na kayo" nangingiti at naiiling na sabi ko.

" 'tong mga lokong to.. Pinag ti-tripan kami!" duro pa ni Kayla sa dalawang lalaki.

Nag tawanan lang kaming tatlo at sabay nag kibit balikat ang dalawa lalaki.

Nakita kong nag pout si Kayla habang si Trish naman ay inirapan kami.

Well, ganyan lang talaga namin lambingin ang dalawang 'to! Dinadaan sa asar.

---

"Guys may kilala kayong Leanne De Jesus?" tanong ko sakanila habang naka tambay padin sa VC..

Nagkatinginan lang ang mga girls at nag kibit balikat.

"Sino yung sa Pep Squad?" simpleng tanong ni Gelo.. "AB Communication din course nun" dagdag pa nya.

"Oo un nga! Kilala mo dre?"

"Malamang alam ko nga na na member ng Pep Squad diba?" nang aasar na balik tanong sakin ng mokong.

"Araay!" sagot nya habang hinihimas himas pa ang ulo na binatukan ko.

"Haha. Inaasar ka lang e!" sagot nya.. "Oo pero di kami close. Classmate ko sa Theology last sem. Bakit?" dagdag pa nya..

"Ah oo dre!" sabi ni Ron na tinapik pa 'ko sa balikat."Yun yung cute na babae nung minsan dinaanan kita pagka tapos ng klase mo" biglang harap nya kay Gelo.

"Yeah that girl! Oo nga pala naka Pep uniform nga pala sya nun no! Tapik nya at sabay duro na sabi nya kay Ron..

"ah okay! Ano itchura nun?"

Nag meeting kase kami at binigay na assignment sakin yun ng Editor-in-Chief namin. Kailangan kong kumuha ng mangilan ngilan picture nya.

Ipi-feature kase sya sa paper dahil nga naka kuha ng atensyon nung lumaban sila nung february.. That is nung 1st yr. 2nd sem..

Na-interview na daw sya kaya pictures nalang kulang..

Ipinaliwanag ko yon sa tropa at inulit ang tanong ko..

"So.. Ano nga itchura nun para makunan ko na? Describe mo"

"Maganda, makinis, sexy.. And very cute mag smile.. Di rin gaano katangkaran.. Cute..pede keychain" sagot ni Gelo na tawa ng tawa.

"Ang laking tulong ng description mo ah! Eh ganon halos lahat ng cheer leaders uy!" sagot ni Trish na nag cross arms pa..

Nagtawanan kaming lahat. Oo nga naman loko kaibigan ko e. At pasensya na.. Ganyan talaga sya pag na cute-an agad idudugtong na parang keychain.. Kasi nga daw cute!

"Kelan mo ba kukunan? Samahan ka nalang namin" tanong ni Ron pag katapos nag tawanan ..

"Sa monday" sagot ko..

★★★

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon