Chapter Thirteen

109 4 0
                                    

Phil's POV

Ang ganda ng araw ngayon! Sobra.. It's Sunny Saturday and Im just so excited to see my girlfriend!

But hindi pa pwede. Maaga pa eh. Di pa daw pede sabi ni Ate Cess. Bonding daw muna nila yun. So after lunch palang ako pwede pumunta doon.

Pababa na sana ako sa baba para kumuha ng coffee ng makita kong medyo bukas ang kwarto ni Kuya ng daanan ko.

Bakit bukas to? Kaya napag pasyahan kong sumilip na muna..

Pag silip ko ay nakita ko ng nag lalaro pala si kuya ng Golf sa kwarto nya.

Yes! Naglalaro sya ng golf sa Wii nya.. Dito pala sya? Di ko sya napansin kagabi eh, o baka nauna pa ako dumating kagabi.

"Good Morning Bro! Tara laro?" nabigla ako sa pagbati nya.

Ayun, nakita pala ako dun sa may salamin na nasa side ng flat screen tv nya.

"Morning!!Sige! Wala ka rin dala e!" sabi ko at tuluyan na nga akong pumasok sa loob at kinuha ang isa pang remote na naka patong sa lamesita sa harap nya.

"Anong walang dala huh Phil?" biglang baling nya sakin. Haha! Sarap talaga asarin neto.

"Di kana kase nadala, lagi ka naman talo sa'kin pag dating sa laro!" nag smirk pa ako bago sabihin yan.. Alam kong maasar na to eh!

Iilan lang kaming nakakapag palabas ng side nyang yan. Haha..

"Langya! Yabang ah! Oy! Nung huli tayo naglaro talo kita nu!" sabi nya na naasar na.

"Tyamba bro! Alam mo yung salitang tyamba? Yun yon Bro!! Hhhha" sabi ko na sinundan pa ng tawa..

"Asus! May mga panahon na talo talaga kita ulol! Tara na nga! NBA oh.." sabi nya na pinalitan na nga yung laro .

Ay ayun na nga.. Nag umpisa na nga kaming maglaro.

-------------------------------------------------------------

Christopher Sandoval's POV (Dad of Phil and Gene)

Haayy! Ang ganda ng araw ngayon.

Nandito lang ako ngayon sa garden ng mansion. Nag papa hangin habang nag kakape..

Noon pa man alam ko na naman na may kalakihan to. Pero aaminin ko, mas lumaki na ito ngayon sa paningin ko. Magsimula ng mag binata na ang dalawa kong anak.

Paano, di na gaanong naglalagi dito ang mga anak ko. Yung panganay kong si Gene, sa condo na nya nakatira. At yung bunso ko, dito nga pero napapansin ko, medyo dumadalas narin syang naglalagi doon sa Studio na iniregalo ko.

Haaayy.. Naka tuon lang sa ganyan ang pag iisip ko ng makarinig ako ng malalakas na asaran at tawanan.

Napa tunhay ako nanggagaling nga talaga sa taas. Naka bukas pala kasi ang pinto sa terrace ng kwarto ng panganay ko.

Mukhang nag aasaran na naman ang mag kuya. At bago ko pa mapansin ay naglalakad na pala ako paakyat ng hagdan para puntahan sila.

Habang pa akyat ako ay palakas pa nga ng palakas ang asaran ng dalawa.

"Tsk! Ang weak mo Bro!! Haha" -Phil

"Langya! Naka lamang ka lang ng Four Points! Tsk!" - Gene

"Sabi na eh! Wala ka parin binat-aray! Mambatok daw?!" -Phil na hinihimas himas pa ang batok na binatukan ng kuya nya.

Sakto kasing nasa tapat na ng kwarto na ni Gene ako ng batukan ni Gene ang kapatid nya.

Naka bukas naman kasi ng bahagya ang pinto kung kaya't kitang kita ko sila.

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon