Phil's POV
( Flashback's continuation... )
"Okay .. Chin up.. And give your best smile girls!! Yan.. Walk like you're the most beautiful woman in in the world.. Feel it.. Feel it girls!! Ganyan. Verry Good.. Ohh your spacing girls... Make sure maayos para kita lahat.."
Masiglang litanya ng organizer ng pageant .. Na may kasama pang mga hand gestures para matiyak kung kelan titigil at iikot ang mga candidates.. Nalalapit na kase ang Mr. And Ms. University..
Kaya eto.. Bilang photo journalist ay sinusubaybayan ko na lahat ng mga contestants kahit rehearsal palang..
Naka tayo lang ako malapit sa stage kung saan sila nag re rehearse. Marami din iba pang nanunuod tulad ko..
Sinasabayan ko din ng pag kuha ng mga pictures ang panunuod ko. Dahil ang assignment namin ngayon ay ang maibalandra ang mga magaganda at gwapong mga mukha ng mga contestants sa School Paper.
"Okay .. Stay na sa pwesto girls! Now your turn boys! Okay.. Give us your manly smile.. Okay I like that.. Okay Good! Now.. Pwesto sa tabi ng partners nyo" sabi ng organizer na may kasama pang hand gestures sa pagturo kung kelan iikot ang mga candidates at pina tabi na sa mga partners nila..
"Pre ang gaganda nila"
"Oo nga pare! Look .. They're all sexy and ohh!! Ang kikinis"
"Panalo!"
Rinig kong sabi ng grupo ng mga lalaki na nakatayo at nakiki usyoso sa di kalayuan..
"Wow!Girl! Ang gaganda ng mga lalaban for Ms. U.."
" Yup! Keri! And the boys. Wow.. They're handsome ah!! Basta dun ako kay Mr. CEA"
"Tsk! Mas bagay pako sa mga papabels sa taas kesa sa mga girlalu there!! Wew"
Sabi naman ng grupo ng mga babae at kaibigan nilang isang bading ..
Palihim nalang akong natatawa sa mga comments ng mga nasa paligid ko habang ako ay kumukuha ng mga pictures.
Kung sabagay, hindi ko sila masisisi.. Ang gaganda nga naman kasi ng mga candidates. Parang mga prinsesa sa ganda. At ang se sexy at kikinis nga naman .....
..Pero wala..taob parin sila sa my loves ko. Hihi ..
Ang mga lalaki! Okay naman.. May mga itchura. Pwede na rin pagtyagaan.. Ayaw namin sumali nina Ron at Gelo eh.. Sashhhh..
"Okay .. That's all for today. Make sure maayos na mga dapat ayusin guys ah? Like your costumes and everything. Are we clear?" rinig kong sabi ng organizer..
"Yes Mother!" sagot ng mga girls.
At pawang mga tango naman ang ibinigay ng mga kalalakihan bilang sagot.
At pagka tapos noon ay isa isa narin nag sipag alisan sa stage. Kasabay ng pag alis din ng mga taong kanina'y nanunuod..
At dahil doon ay naglakad ako papunta dun sa bench malapit kung saan ako nakatayo para tignan ang mga nakuhanan ko.
Naka pako lang ang mata ko sa DSLR na hawak ko ng nakuha ang atensyon ko ng isang tawag..
"Hello Phil" rinig kong sabi ng isang babae ..
Mabilis naman akong napalingon sa tumawag sa akin.
Isang magandang babae na abot tenga ang ngiti ang papalapit sa akin..
"Oh Hello. Kumusta ang Ms. CAS?" nakangiti ko rin sabi ng umupo sya sa tabi ko.
"Ayy. It's Bianca.. Okay? Bianca.. Ms. CAS ka dyan!" sabi nya kasunod ng mahinang pagtawa nya.
BINABASA MO ANG
How Much I Love Her
RomancePinaka mahirap sa lahat ay yung ipag laban ang isang bagay na hindi mo alam paano at sino ba kakalabanin mo. Magawa mo kayang ipag laban ang babaeng pinaka mamahal mo kung sarili nya mismo ang inyong pinaka matinding kalaban? Magawa mo kaya syang tu...