Phil's POV
It's such a nice day. Well, it is since I had more than a week of Vacation from work. I was able to spend holidays with the special people in my life. Sobrang na enjoy ko nga eh, at eto ako ngayon, balik sa normal na buhay. Balik trabaho.
Pagka pasok ko palang ng opisina ay nakita ko na agad through my peripheral eye view na napapa tingin sa akin ang mga taong nadadaanan ko.
"Syeyms. Gwapo nya talaga!" rinig kong bulong- bulungan nung isang grupo habang nag lalakad ako. Oo, bulong daw pero rinig ko naman.
"Oo na girl! Wala naman nagbago dun! At suplado parin naman." Sagot naman nung isa. Grabe, bat ganito? Habang nag lalakad ako pakiramdam ko ang tagal bago ako maka layo sakanila. Parang sinasadya pa talaga na marinig ko ang bulong-bulungan nila.
"Deadma drama King. Kung mag lakad, tuloy-tuloy lang at diretso lang ang tingin. Ang hot padin. Asar!" Sagot naman nung isa na sinundan pa ng mahinang tawa.
"Aiyt. Di naman gaano, namamansin at ngumingiti rin naman yan nu. Madalang nga lang, tipong pag naka mood siguro?" yan naman narinig ko ng saktong maka lampas ako.. sagot sakanila ng isang lalaki. Wait lalaki? Parang hindi, tama! Nabobosesan ko yun. Isa yun sa mga staff na bading na nakaka sama ata naming sa mga photo shoots namin.
"Direk! Long time no see." Bati sa akin ng lokong si Chad na sinabayan pa talaga ng tapik sa likod. Napatingin ako san aka ngising si Chad at tinagusan sya ng tingin at napa lingon sa mga taong nadaanan ko.. namin..
Napa buntong hininga nalang ako at ipinag patuloy na ang pag lalakad. So, tama nga si Kayla? Marahil hindoi ko na napapansin pero unti-unti ko nanaman naisara ang mundo ko sa mga taong naka paligid sa akin? Di nakakapag taka dahil suplado at masungit nanaman ang tingin sa akin ng mga tao. Tulad lang ng dati, nung mga panahong wala pa si Leanne.
"Oh? Para san yun Direk? Bakit may buntong hininga ka pang nalalaman dyan?" pag uusisa ni Chad.
"Wala, may iniisip lang." simpleng sagot ko. "Anong oras ang meeting?" dagdag ko pa.
"Okay. Hm, Mamayang 1pm pa Direk." Sagot nya.
Ipinaalala lang ni Chad sa akin ang lahat ng dapat pa namin ayusin at pag handaan at nag tungo narin kami sa mga sari-sarili naming trabaho. Pero habang nag ta-trabaho ako ay di parin mawala sa isip ko yung mga usapan ng mga tao kanina.
Ang totoo, di ko alam kung paano mag re-react sa mga tingin ng mga tao. Kung noon siguro, wala lang naman akong magiging pakealam eh. Ngunit, di maaari! Matagal ng naalis sa akin ito, diba? Ano nalang magiging reaksyon ni Leanne kung datnan nya akong ganito.
Ayaw kong maramdaman o makita nyang naging miserable ako. Dahil hindi, hindi naman eh! Wala akong dahilan ng magka ganon. I have her. And that's more than enough reason to be okay.
Haaayy. I can't stay like this! Pero ewan, ni hindi ko man nga lang napansin na ganto na ako. I mean, ulit.. Di ko lang naman kase pinapansin ang mga puna ni Chad. Akala ko, okay lang na tina-tanguan ko lang ang mga tao dito. Haaayy, ewan. Bahala na!
"Oh Direk! Lunch muna! Masyado ka naman ata nag enjoy mag trabaho?" bungad agad sa askin ng naka ngiting si Chad pag katok sa pinto ko. Oo, ang loko, di pa nga lumilitaw ang mukha sa binubuksang pinto eh nag sasalita na nga agad.
"Ts. Ge, di ko lang namalayan ang oras. Susunod na." sagot ko ng sa computer ko padin naka tingin. Iniligpit ko lang ang dapat iligpit at lumabas narin ako para maka kain. At tama nga sya, mukhang nawili nga ako sa pag ta-trabaho dahil wala ang mga ibang tao sa paligid. Mukhang nag alisan na ang lahat para makapag tanghalian.
BINABASA MO ANG
How Much I Love Her
RomancePinaka mahirap sa lahat ay yung ipag laban ang isang bagay na hindi mo alam paano at sino ba kakalabanin mo. Magawa mo kayang ipag laban ang babaeng pinaka mamahal mo kung sarili nya mismo ang inyong pinaka matinding kalaban? Magawa mo kaya syang tu...
