Chapter Eight

51 3 0
                                        

Phil's POV
(Flashback's continuation.....)

( Another 2 Weeks passed )

"Hi Phil!" napa lingon ako sa tumawag na kahit hindi ko pa nakikita ay kilala ko na.

Bumungad sa harapan ko ang naka tshirt lang at leggings na pinatungan ng short atsaka naka rubber shoes na super gandang nilalang!

Si Leanne yun! Pagka harap ko ay ngumiti ako at "Oh hi. Bat andito kapa? 9pm na ah?" tanong ko..

"Practice e" maikling sagot nya.

Sabay kuha ko din sa bag nyang mabigat.. Malamang gamit sa school at yung uniform na suot nya kanina ang laman. At ni hindi nga ito tumanggi. Tanda na pagod na nga talaga ito.

Actually alam ko naman tinanong ko lang pang umpisa lang ba.. Nabigla ako sa presensya nya e.

Lagi naman kase ginagabi mag practice ang Pep Squad..

"Buti ikaw andito pa?" Dagdag nya bigla.

"May tinapos lang ako sa office" sabi ko habang nag lakad lakad kami.

Kakalabas ko lang kase ng building ng bigla nya akong tinawag. Malamang galing to ng gym.. Mukhang pagod pero sobrang cute pa din .

Ewan ko ba pero habang lumilipas ang mga araw ay tila lalo pang gumagaan ang loob ko sa kanya.

Mas madalas na kami nag kaka kwentuhan ngayon ng kami lang dalawa.

Hindi tulad ng mga nakaraan na laging buo ang barkada lang kami nagkasama at nag kaka kwentuhan..

Madalas kami nag kakawentuhan tungkol sa pamilya.

Kung minsan kasi ay nagkaka sabay kami sa library.. Kaya madalas tuloy kami pagalitan dahil sa tawanan namin sa kaka kwento ng mga kalokohan ng barkada..

Ang sama nga din ng tingin sa amin ng ibang students na nag aaral sa Library eh!

At kung minsan namay ay kami lang dalawa ang sabay kumain. Pano kung minsan ay may ibang lakad ang barkada at kami lang ang naiiwan kung wala syang practice.

Dahilan para lalo kaming mag kakilala pa ng husto..

Silang dalawa nalang ng ate nya ang mag kasama. Namatay ang mga magulang nila nung 13 palang sya.

Isa yun kung bakit lalo akong napahanga sakanya. Dahil kung titignan sya ay mukhang perpekto na ang buhay pero sa kabila pa ng lahat ng ito ay malaking lungkot sa puso nya..

Alam kong namimiss nya ng husto mga magulang nya. Ni minsan di naman nya itinanggi yun at lagi pa ngang nababanggit.

"Salamat sa pag tanggap sakin sa grupo nyo huh" di ko man lang napansin na malapit na pala kami sa parking lot ng school.

"huh?e wala yun at bakit bigla mo nabanggit?" takang tanong ko..

O my! Ayan na naman sya sa ngiti nya!! Nginitian na naman ako ng babaeng 'to..

"Naisip ko lang nakapag thank you nako sakanilang lahat. Sayo nalang hindi!" natawa pa nyang sagot sabay peace sign..

"Tara hatid na kita" pag iiba ko.. Ewan ba.. Nawawala ako minsan sa wisyo pag ngumingiti na tong babaeng to. Nasa may harap na kami ng kotse ko at ipinasok ko na ang gamit ko sa loob. Habang ang bag nya ay nakasabit padin sa balikat ko..

"Nope una kana" sabi nya.. "Susunduin ako ni Ate eh!"

Hindi ko na susubukan pang pigilan sya. Ate nya yun eh!!

"O hintayin nalang nat---"

"Oww! Ayun na car nya. Sige Phil una nako.. Sabi ko sa may gate ko sya hintayin eh! Bye! Bukas nalang!!" sabi nya na tinuro pa yung dumaan na kotse. Sabay kuha nya dun sa bag nya na nakasabit sa balikat ko..

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon