Chapter Two

124 5 0
                                        

Cess' POV

Masakit para sakin na nagkaka ganito ang nag iisa kong kapatid.

Masakit dahil gustuhin ko man hindi ko magawang akuin ang lahat ng sakit na bumabalot sa buong pagka tao nya.

Noon pa man ay kaming dalawa nalang ang magkasama. Apat na taon lang naman ang tanda ko sakanya kaya super close kami ng Little sister ko.

At mas lalo pa ngang tumindi ang kapit namin sa isa't isa ng mawala ang aming mga magulang.

Namatay sa isang car accident ang mga magulang namin.

Kaya magsimula nung mag 17 ako ay ako na ang tumayong mommy-daddy ng sister ko.

Kaya nga it's really painful for me seeing my sister like this.

Leanne is suffering from depression. They call it Catatonic Schizophernia.

The Doctor said di na daw matanggap ng sistema ng kapatid ko ang lahat ng sakit at lungkot na dala dala nya kung kaya't mas pinili nyang isarado ang utak sa kung ano man ang nangyayari sa paligid nya.

Yeah. Ganyan nga ang sakit ng kapatid ko.

Because... Because my sister is a rape victim. At sobrang nababalot ng sakit ang puso ko sa tuwing nakikita sya sa ganitong kalagayan.

My sister is too kind para pagdaanan ang lahat ng ito.

Sya na yata ang isa sa mga pinaka mababait na taong nakilala ko. At isa yun sa pinag mamalaki ko. Hindi lang basta maganda, matalino at talented si Leanne dahil ng nagsabog ata si God ng kabaitan sa mundo ay present sya.

Sya yung tipo ng babae na unang iniintindi ang mga taong nakapaligid sakanya bago ang sarili nyang kaligayahan.

Kung minsan nga noon ay napag sasabihan ko sya na paminsan minsan ay hindi naman masama kung unahin nya muna ang mga bagay na mag papasaya sakanya.

*Diiiing Dooonnngg*

Nakita kong nag lakad patungo sa labas ang kasambahay namin kaya bago pa sya makarating sa pinto ay..

"Ako na manang tapusin mo na niluluto mo"

"Sige po Ma'am" sagot nya.

Lumabas ako para tignan kung sino ang nasa labas. At si Leanne naman ay naiwan sa kwarto habang nakikinig sya ng radyo.

"Ma'am delivery po for Ms. Leanne De Jesus" magalang na sabi ng delivery boy.

"Ah yeah she's my sister"sagot ko.

"Sige po pa pirma nalang dito"

Ipinasok ko yung boquet of roses para kay Leanne. Galing to sa mga kaibigan nila ni Phil. Sina Ron, Trish, Kayla at Gelo.

"May flowes ka from your barkada sis"sabi ko ng makarating ako sa kwarto ni Leanne. At binasa ko ng malakas yung card.

" Leanne alis kami later.. tara sama ka.. Aiyt mali. Sorry naman punta nalang kami dyan sa susunod. PROMISE. Pakisabi kay ate pagluto kami ah? Hahaha.. See you soon. Muah! Muah! Muah!♥♥♥ "

- Ron, Trish, Kayla and Gelo

"Mga kaibigan mo talaga" sabi ko.

At tulad ng dati wala padin. Tulala padin at tila nakatingin sa malayo.. Pero hindi. Kahit kailan ay hindi kami susuko sa kalagayan ng kapatid ko.

Alam ko isang araw ay babalik din kaming lahat sa normal.

*Tok! Tok! Tok!*

Napatingin ako sa kasambahay namin na kumatok sa bukas na pintuan ng kwarto ni Leanne.

"Ma'am andyan na nurse ni Ma'am Leanne" sabi nya pag kaharap sakin.

"Sige labas nako"

"Good morning po Ma'am" bati sakin ni Angel.

Siya ang private nurse ni Leanne. Sakanya ko sya iniiwan pag pumapasok ako sa trabaho. Well, yeah. Ako na kase ang namamahala sa company naiwan ng parents namin.

Noon ay mga kasosyo nina Dad ang pansamantalang namahala doon dahil pareho pa kaming bata ni Leanne ng mamatay sila. Pero dahil nakatapos nako at nasa tamang edad na ay nag take over nako.

"Angel ikaw na bahala ah. Basta wag mo kakalimutan. Buksan mo yung radio kung may kailangan kang gawin" bilin ko sakanya.

"Opo Ma'am" nakangiti nitong sagot.

Mas gusto ko yon. Hilig kasi talagang makinig sa radyo noon ni Leanne kaya yun ang ginagawa ko ngayon. Ayaw ko rin naman kasing walang naririnig sa paligid nya si Leanne. Lalo na kung pwedeng yun ang makatulog sa pag galing nya.

Muli ko pa muna sinilip saglit si Leanne na nakadungaw sa bintana nya at ako'y umalis na para asikasuhin ang tambak kong trabaho sa opisina.

★★★

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon