Phil's POV
Di ko parin maiwasan mamangha sa mga pictures na nakunan kay Cath. Nandito lang ako ngayon sa office at nire-review ang mga nakuhanan last photoshoot.
Hindi maikakaila ng lahat na ang katotohanan na cameras do really love Cath. Noon pa man ay alam at naging saksi ako dahil ako nga rin ang nag silbing photographer ni Cath kahit nung mga bata pa kami at nagsisimula pa lamang siya sa modeling.
Alam talaga niya ang gagawin sa bawat anggulo na kukunan sakanya and she does it effortless. Walang picture ang hindi nagpapakita ng ganda at connection niya sa camera. Ako mismo ay hindi makapili kung ano ang ipapasa ko for approval.
Natuon pa naman na extra hands-on si Miss Dianne sa project na ito at kinukulit narin ako for the last few days. Excited na siyang makita ang mga pictures at gusto din niyang pumili ng mga na isasali sa magazine.
Hanggang ngayon ay wala kaming mapili dahil magaganda naman talaga ang lahat ng nakunan. Kaya lang, ewan ko ba.. parang may kulang.
Magaganda ang lahat na ultimong si Chad na medyo mapili din pagdating sa mga pictures na ipapasa for presentation ay gusto nalang ipasa ang lahat at iwan nalang kay Miss Dianne ang pagpili ang ife-feature sa mismong issue.
Tulad din nang nasabi ko ay ako man ay gandang ganda sa mga kuha ni Cath, ngunit habang bina-browse ko ang mga pictures ay mas lalo ko lang napansin na parang may kung anong bagay akong hindi makita para masabi ko na yun na nga ang perfect pictures for the issue.
Dalawang oras ko ng paulit-ulit na nire-review ang mga ito pero wala padin akong matinong sagot na makuha.
"Is everything okay there, buddy?" biglang tanong ni Miss Dianne.
"I dunno, Miss Dianne. I can't choose myself, actually." pag amin ko sa kanina ko pa pino-problema.
"Ganun ba talaga siya kaganda na wala ng maitapon?" sabi pa nito na nakangiti at naka taas ang kilay. Halata sa mukha ni Miss Dianne kung gasno niya na eenjoy ang bagong issue ng magazine.
Noon pa man ay naririnig ko na siya minsan na gusto daw niyang maka trabaho si Cath kung magkakaroon ng pagkskataon. I guess di ko lang inexpect na ganito pala niya ito kagusto.
Lumapit siya para tingnan ang mga pictures sa desktop ng opisina at isa-isa natin inaral ang mga ito.
"My goodness Philip! I did not expext them to be these gorgeous!" sabi niya at bakas sa mukha niya kung gaano siya humahanga sa halos isang daang pictures na nakaharap sa kanya.
"Yeah. The camera loves her. As usual." Nawala sa isip ko at napa komento pala ng malakas.
"You're right. I knew you'd do great with her." sagot niya. Hindi ko inakala na mapapalakas ang kumemto ko at maririnig niya.
"Yeah. But dunno. I think there is something missing in her acts. Can't pinpoint it though." pag amin ko naman dahil alam kong kanina pa talaga niya hinihintay ang last photos na isu-submit ko.
"They look good to me, though." sabi naman ni Miss Dianne na napa tingin muli sa mga pictures na tila ba hinahanap yung mali na tinutukoy ko.
"Anyway, you know her better than any photographer in the world, Phil." sabi ni Miss Dianne in a serous tone. "Baka nga may hindi kami nakikita sa mga pictures that have hundreds of reasons and stories behind smiles and all, but they are gorgeous and perfect for us." dagdag pa nito.
Tumsyo siya ng ayos at bahagyang lumayo at umupo sa upuan sa harap ng mesa ko.
"Anyway we need to come up with the final pictures on the paper. I like any pictures you'd choose Phil. Finish it up, okay?" sabi ni Miss Dianne at tumayo na.

BINABASA MO ANG
How Much I Love Her
RomansPinaka mahirap sa lahat ay yung ipag laban ang isang bagay na hindi mo alam paano at sino ba kakalabanin mo. Magawa mo kayang ipag laban ang babaeng pinaka mamahal mo kung sarili nya mismo ang inyong pinaka matinding kalaban? Magawa mo kaya syang tu...