Chapter Nine

54 3 0
                                    

Phil's POV
( Flahback's continuation.... )

Ilang araw na rin ang lumipas mula nung araw na kinausap ako ng tropa para sa pag tulong nila sakin para sa pag tatapat ko kay Leanne..

At eto ako, parang ewan sa kaba! Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang kalalabasan nito.

Pilit padin sumisiksik sa isipan ko kung tama ba ito? Na hindi ba kaya mabilis? Anim na buwan palang mula ng maging mag kaibigan kami ni Leanne.. Na pano kung umayaw sya? Pano kung.....

Pano kung kasabay ng pag tanggi nya ay ang pag kasira ng pag kakaibigan namin?

Pero ganun pa man ay naisip ko na tama rin naman sina Gelo.. Na hindi masasagot ang lahat ng mga katanungan sa isipan ko kung hindi ko ito gagawin.. At kung ano man ang kalabasan nito ay buong loob kong tatanggapin.. Kahit ano pa..

At isa lang sinisigurado ko.. Hinding hindi ko hahayaang masira ang pag kakaibigan namin kahit ano pang maging desisyon nya.

Ahh basta! Bahala na..

---

Hinanda na namin ang isang makapal na tela at inayos na ang mga pagkain at inumin..

Picnic lang! Nag sipag ayos na kami ng upo nina Ron at Gelo sa linatag na tela habang dala dala ang mga gitara.. Habang sina Trish at Kayla naman ay nandoon din nakaupo at sinisiguradong maayos at perfect ang picnic set up! At ng maayos na lahat ay pumuwesto na kami ng paikot at nasa harapan ang chichirya at sandwiches .. Pati narin ang drinks..

Maya maya pa ay nagka tinginan kami ni Gelo at inumpisahan ng mag gitara at sumunod na kami ni Ron.. Habang sina Trish at Kayla ay sinasabayan ng mabagal na palakpak ang tugtog ng mga gitara.

Marunong din kami ni Ron.. Di nga lang kasing galing ni Gelo.. Kaya eto, magkakantahan lang kami habang nag pipicnic.

" You're a falling star, you're the get away car.

You're the line in the sand when I go too far.

You're the swimming pool, on a August day.

And you're the perfect thing to say"

At ayun sya.. Nag tatakang tumingin sa amin.. Pilit isinisiksik ang balingkinitan nitong katawan sa maraming tao.. Kita ang pagka lito sa mga nangyayari sa paligid.

" And you play it coy, But it's kinda cute.

Ah, When you smile at me you know exactly what you do.

Baby don't pretend, that you don't know it's true.

Cause you can see it when I look at you. "

Gulat ang makikita sa mga nangungusap nyang mata ng makita at masiguro kung sino ang mga nasa harapan nya.

" And in this crazy life, and through these crazy times

It's you, it's you, You make me sing.

You're every line, you're every word, you're everything. "

Dahan dahan ng humarap sakanya sina Kayla at Trish. At tulad ko ay naka pako lang ang kanyang tingin sa amin.

Pero ako.. Sya lang.. Sya lang at wala na akong iba pang nakikita kundi sya lang.. Na tila ba bigla nalang naglaho ang mga taong nakapaligid sa amin..

" You're the carousel, you're a wishing well,

And you light me up, when you ring my bell.

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon