Chapter Forty- Five

47 1 0
                                    

Leanne's POV

Mabilis dumaan ang mga araw at heto na nga at tatlong araw nalang ay gagawin na ang symposium na gagawin bilang parte narin ng nalalapit na pagtatapos ng pag co-cover namin sa BUNKHOUSE.

Karamihan sa mga members  namin ay naiwan sa sites for more videos to get and interviews to do. Samantalang ako, si Art, Tina at Carl naman ay nasa 2nd floor ng THO para tapusin yung ginagawa naming profiles na mag s-speak sa symposium.

"Okay na tong mga ginagawa ko sa power point, Te Leanne. Check mo nalang kung may ipapa-dagdag kapa." Sabi ni Carl at iniharap sa akin ang laptop na gamit niya.

Isa-isa kong chineck ang lahat ng profiles lalung-lalo na sa mga kaibigan ko. Ang lokong si Gelo ay siya pa mismo ang pumili ng pictures na gagamitin for their profiles.

"Tapos na yung sakin?" umalingawngaw bigla ang boses ni Gelo just in time na yung kanya na ang ichi-check ko.

Natawa naman ako ng makitang nakapamewang pa siya sa tapat ko at nag hihintay ng sagot. Halos mag laway naman si Art at Tina sa tabi ko na pinag sasawa ang kanilang mga mata kakatitig sa nakatayo parin sa tapat namin na si Gelo.

"Tapos na po Boss Ge. You can check naman din baka may gusto ka pang ipadagdag." sagot ni Carl at pasimple pang sinuway yung dalawa sa pagpapak sa naka blue long sleeves na gwapong gwapo na may ari ng restau-bar na ito.

"Talaga? Sure patingin ako." Sabi ni Gelo flashing his best smile especially to Art and Tina. Lokong to! Alam talaga asarin ang dalawa porke alam niyang crush na crush siya nung dalawa. Silang dalawa ni Ron, actually. Haha

"Excuse me Leanne." sabi niya saka siya sumingit sa tabi ko nang matabi at mapagitna kami nina Tina at Art.

"Ikaw talaga!" Natatawang siko ko naman sa kanya. At isang nakaka lolong kindat lang sinukli sa akin.

Alam talaga ng isang to kung paano pakiligin ang dalawang bata sa tabi namin.

Habang ang dalawa naman ay kitang -kita kung gaano na sila halos mangisay sa kilig. Namumula na nga ang tenga ni Art sa kilig habang pinag papawisan na si Tina at di na matigil ang pagpaypay niya sa kanyang mukha gamit ang kanyang kaliwang kamay habang walang humpay ang pagpapa-cute kay Gelo.

Nahuli ko namang napapailing si Carl sa kinikilos ng dalawa.

"This is perfect, guys! Thank you!" sabi ni Gelo pagkatapos i-review ang mga info and pictures niya sa profile.

"Aba syempre. Ikaw pumili ng mga yan e." pabulong ko namang sinabi kay Gelo. Nung isang araw pa niya kase sinend sa akin amg mga gagamitin for this one.

Isang wag-ka-nalang-sumagot look naman ang ibinato niya sa akin na halos ikatawa ko naman.

"Anything for you po." Pagpapa-cute naman na sagot bi Tina na isinabit pa ang buhok sa kanyang tenga. Grabe talaga magpa cute ang isang to.

"Thanks Miss Beautiful." sagot naman ni Gelo at nginitian ng husto si Tina. "Anyway. I have to go. Things to do downstairs." dagdag pa niya saka na tumayo.

Bumeso sa akin si Gelo sa akin at nag star naman ang mga mata nung dalawa, perhaps thinking na bebeso din sakanila si Gelo. Pero hunti-hunti namang nawala ang ningning ng kanilang mga mata ng umayos ng tayo si Gelo atsaka sila tinapik sa balikat isa-isa ang tatlo.

Napuno naman ang buong 2nd floor ng malulutong na tawa ni Carl pagka-baba ni Gelo. Bahagya ko naman siniko ang kanyang tagiliran ng makitang napapa lingon na sa amin ang mangilang ngilang taong nasa 2nd floor.

"Wag masyado maingay. Hapon palang uy! Wala pa gaanong tao dito kaya rinig na rinig ka hanggang baba." sabi ko pa habang ang dalawa naman ay halos patayin na siya sa kanilang mga tingin na ibinabato kay Carl na hanggang ngayon ay di maawat sa pagtawa.

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon