Phil's POV
Napa balikwas ako ng tayo ng bigla kong narinig ang alarm ng phone ko.
Ng napa hawak nalang ako sa ulo ko ng subukan kong tumayo. Ang sakit kase ng ulo ko.
Kung kaya't bumalik nalang muna ako sa pagkaka higa. Ipapahinga ko muna sandali ito.
Paghiga ko eh minasahe ko lang ang noo ko, at napa isip sa lahat ng bagay na nag flashback sa akin kagabi.
Ewan ko ba, nung una naman kasi, ang balak ko lang naman ay alalahanin ang masasayang ala ala ko with Leanne. Pero siguro nga ay masyado na akong natangay, ilan beses ko pang sinubukan pigilan.. Pero masyado na siguro akong nalunod sa nakaraan kung kaya't nag tuloy tuloy lang yun hanggang sa pati na sa mga masasakit na bagay na.
Pero, sa kabila noon.. Ewan ko ba, parang may iba kasi ako ngayong nararamdaman.. Ang tagal na panahon ko ring iniwasan ang mga ala alang yun eh! Alam ko, nandito lagi sila sa utak at puso ko, pero noon hanggang sa makakaya ko ay pilit ko lang iniiwasan.. Pero kagabi, hinayaan ko lang na maalala ko lang lahat.. At eto na yung kakaiba...
Oo, kagabi, sobrang nabalot ako ulit ng matinding kalungkutan.. Kalungkutan na nadala ko nalang hanggang sa nakatulog na ako dahil narin siguro sa nainom ko.. Pero ngayon, Oo nandito parin yun.. Dito sa puso ko, pero ngayon parang may panibagong lakas akong nakuha dahil sa mga bagay na matagal kong iniwasan..
Oo! Lakas!! Kasi ngayon, mas lalong nadagdagan ang lakas ko para lumaban. Lumaban para kay Leanne. Para sa amin.
Napa buntong hininga ako, dahan dahan ulit tumayo. Masakit parin ang ulo ko, pero mas kaya ko na. Dumiretso lang ako sa ref at kumuha ng tubig para inumin iyon. At doon ko nga nakita ang mga bote ng beer, nakakalat lang sa paligid ng ref! Tsk! Ni hindi ko na nagawang linisin kagabi!! Dali dali ko lang iyon niligpit at tumungo narin palabas para maka uwi na. Medyo maaga pa naman kaya uuwi na muna ako para makaka kain at maka paligo para maka pasok na sa trabaho.
.
.
.
Pagka dating sa bahay .. Nakita ko ng nasa dining area si Mom..
Doon na ako dumiretso since alam kong doon ko makikita si Mom. Batiin ko muna baka magtampo.
"Morning Mom!" bati ko sakanya sabay halik sa noo nya.
"Morning son!Nag inom ka nanaman kagabi!Ang baho! Ligo na dali! Magpapa hain nako mamayang konti!" pantataboy sakin ni mom pagka sip ng kape nya.
Mom talaga oh! Naiiling nalang ako! Kaya sabi ko nalang eh..
"Sige Mom.. Mabilis lang to!" sabi ko sakanya ng naka ngiti at dali dali narin akong umakyat sa kwarto para maka ligo.
Pagka tapos kong maligo ay nagbihis ako saglit at bumaba na para mag almusal.
Pagbaba ko sa dining ay laking gulat ko nalang ng datnan ko si kuya.. At nandoon narin si Dad ..
"Morning Dad, Bro!" bati ko sakanila na tinapik pa sila sa balikat.
"Good Morning!" sabay pa nilang sagot.
Umupo na ako sa upuan at uminom ng kape habang pinag hahain ako ng pagkain ni Mom.. So, dito pala umuwi kagabi si kuya? Umuuwi naman kase dito yan pag trip nya lang.. Pero sa condo na nya talaga sya tumutuloy.
Ansarap ng kape! At ang init. Tamang tama at ito ang kailangan ko..
"Kain kana.. Tsaka ka uminom ng gamot para sa hang over mo" sabi ni Mom na ikinatingin ni Kuya and Dad.

BINABASA MO ANG
How Much I Love Her
Любовные романыPinaka mahirap sa lahat ay yung ipag laban ang isang bagay na hindi mo alam paano at sino ba kakalabanin mo. Magawa mo kayang ipag laban ang babaeng pinaka mamahal mo kung sarili nya mismo ang inyong pinaka matinding kalaban? Magawa mo kaya syang tu...