Phil's POV
Dalawang araw matapos kong masabi kay Leanne ang naka-abang kong project kay Cath ay bigla namang magyaya ng dinner together ang barkada.
Sayang nga lang dahil mag o-overnight ang ilan sa mga classmates ni Leanne ngayon sakanila para narin sa written reports na sinusulat sa mga natatapos bila sa project.
Let everyone know that I miss them. Gonna be a long night for me and my team Love. Enjoy with the gang. I texted them too. Love you!
Yan ang huling text sa akin ni Leanne matapos ko siyang maka-usap dahil nga nakikipagkita sina Gelo. Medyo nalungkot pa siya dahil gusto sana niyang sumama ang kaso natambak na ang mga ginagawa.
Dinatnan ko na si Ron, Trish at Kayla sa veranda ng 2nd floor ng VC na naka reserve na para sa amin. Nasa malayo palang ako ay maririnig na ang pag-aasaran nilang tatlo at halatang si Trish nanaman ang napipikon.
Sarado na ang glass door sa veranda pero rinig na rinig padin ang boses ni Trish.
"Walangya ka Ron!" - naiinis na sabi ni Trish. Buti nalang ay di naiinis ang mga tao dito sa loob at naka dine in din sa 2nd floor ng Cafe.
"Talaga naman diba? Dinededma ka. Ibig sabihin.. Ayaw sayo!"- mapang asar na sabi nanaman ni Ron. Matapos yun ay doon ko nalang napansin na nakalapit pala sa tenga ni Trish ang cellphone niya na tila ba may tinatawagan.
Mabilis kong binuksan ang pintuan at sinabing.. "Kapatid ko nanaman ba yan?" Mapang asar ko ding tanong.
"Hindi!" sagot niya na padabog naman ding inilapag ang phone sa mesa.
"Di nga. Pero halos mahati sa lima ang kawawang cellphone na wala namang kinalaman." pahanging sabi naman ni Ron na bahagyang tumayo para i-man hug ako.
Tumayo naman din si Kayla para bumeso sa akin. Pero nanatili namang naka upo lang si Trish dahil bwisit na bwisit na sa amin ni Ron. Natatawa ko naman syang inabot sa kabila at ginulo ang kanyang buhok saka na umupo.
"Si Gelo?" tanong ko.
"Lapit na. Nag bilin lang sa staff niya." Simpleng sagot naman ni Kayla pinagmamasdan lang ang kanyang phone na parang nagbabasa.
"Busy mo?" tanong ko dahil di parin niya tinatanggal ang tingin sa cellphone.
"Ilang beses na kasi akong nakaka-tanggap ng tawag at mga texts sa isang publishing company. Ino-offer ako ng contract exclusive lang kanila ang pag-publish ng mga isusulat ko." sagot naman niya na ibinaba na ang cellphone.
"Isn't that a good offer?" tanong naman ni Trish na parang nag iba ang ihip ng hangin at bigla nalang naalis ang bwisit sa katawan.
"Dunno. Kinda strange, I think. Kulit e. Considering na ang daming mas magaling at mas kilala kaysa sakin." nag-tataka naman na sagot ni Kayla.
"They see your potential at ayaw pang maunahan ng iba." simpleng sagot naman ni Ron in-a-matter-of-fact way na ikina-tango naman namin ni Trish.
"That's right. Check the offer first, then decide." sabi pa ni Trish.
Napa tango naman kami ni Ron bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Trish dahilan para makita ko kung gaano kaganda ang kulay ng langit dahil sa sunset sa likuran ni Kayla na kasalukuyan namang tumayo sa at napa tingin sa malayo na tila ba napapa- isip.
Mabilis kong kinuha ang camera at kinunan siya ng shots! Ang ganda ng effect kahit na di na mahahalata na si Kayla ang nasa picture. Dahil kasi sa liwanag ng araw ay nag mistulang itim na image nalang siya. Ang ganda parin ng pagkaka-kuha nito na tingin ko ay nabagay sa napaka simpleng ayos ni Kayla. Naka messy bun lang ang kanyang buhok.
BINABASA MO ANG
How Much I Love Her
RomansaPinaka mahirap sa lahat ay yung ipag laban ang isang bagay na hindi mo alam paano at sino ba kakalabanin mo. Magawa mo kayang ipag laban ang babaeng pinaka mamahal mo kung sarili nya mismo ang inyong pinaka matinding kalaban? Magawa mo kaya syang tu...
