Chapter 34: Frustrated

92 7 0
                                    

Nash Marquez

Matapos naming maligo sa dagat ay naghanap kami ng hotel na pwedeng tulugan, tinamad na kasi kaming umuwi, sobrang gabi na rin kasi. Tapos basa pa kami, kailangan naming magpalit ng damit.

“Cupcake!” I heard her yell from behind me, nilingon ko naman siya and I saw her running towards me, her eyes literally sparkling. Pfft, she looks so cute.

“What is it babe?” I asked her, smiling. She was panting when she was near me and then she showed me something in her hands, “Seashells!” tuwang-tuwa na sabi niya at hindi ko na napigilan ang tawa ko.

“Para kang bata Sprinkle!” sabi ko, nag-pout naman ang prinsesa, “Eh first time ko kasi makahanap ng ganto eh” sabi niya na parang nahihiya, I chuckled softly as I went to her and hugged her.

“You deserve pearls, Sprinkle” nakangising sabi ko tapos hinalikan ko siya sa pisngi, “Don’t tell me hahanapan mo ako?” natatawa niyang tanong.

“I would if only it’s not cold out here and you need to change” I said simply, kahit na madilim ay napansin ko pa rin ang pamumula ng mga pisngi niya, “T-Tara na nga! Banat ka pa eh” sabi niya at nauna nang pumasok sa loob ng sasakyan at natawa na lang ako bago ako sumakay sa side ng driver.

Naghanap ako ng hotel at meron naman kaagad, “Dalawang room po” sabi ko sa babae.

“Sorry po sir, isa na lang po kasi ang vacant” sagot naman nito, nagulat ako nang biglang yakapin ni Shaina ‘yung braso ko, “We’ll take that, thanks” sabi niya sabay hatak sa’kin palayo.

“Uhhh.. you okay, Sprinkle?” ‘di ko na napigilang itanong, I saw ehr face all scrunched up.

“Anong problema ng mahal ko?” tanong ko sa kanya.

I saw how her expression grew softer but went back to a frown, “Kasi eh! ‘Yung babae, halatang nilalandi ka” parang bata siyang nagsumbong at natawa naman ako.

“Ano ka ba naman, babe? Sa tingin mo may makakaagaw pa sa akin eh kita mong obsessed kung obsessed na ako sa’yo?” sabi ko sa kanya, she crossed her arms over her chest.

“Tss. Sinasabi mo lang ‘yan tapos biglang mamaya may iba ka na pala” sabi niya at sakto namang bumukas na ang elevator at sumakay siya, nagulat naman ako sa sinabi niya kaya ‘di agad na-process ng utak ko na sasakay na dapat ako ng elevator, pero too late, sinara na niya.

Anong problema ‘nun? Weird, hindi ko na hinintay ‘yung elevator at umakyat na lang ako sa hagdan, nakarating din ako sa floor kung nasaan ang room namin, I saw the door was closed.

“Sprinkle? Bakit ka ba galit?” nagtatakang tanong ko nang makapasok ako sa loob, “I hate you!” biglang sigaw niya at feeling ko kakalas ‘yung puso ko sa sinabi niya. Ano ba talagang ginawa ko at nagkaganito ‘to?

I walked closer to her and she kept moving backwards till she was cornered and lied down on the bed.

“Babe.. ano bang gusto mong gawin ko para patunayan kong iyo lang ako?” I asked her huskily as I was on top of her and staring into her eyes, I saw her gulp and look away, “Don’t look at any other girl” she said before biting her lip.

Hindi ko naiwasang mapatingin sa labi niya, pero bago pa lumipad ang utak at huwisyo ko ay tumingin na lang ako sa mata niya, “Don’t look at any other girl.. imposible naman ‘ata ‘yan, babe” sabi ko at bigla siyang bumusangot.

“At bakit? Tignan mo! Sinasabi ko na nga ba—” I didn’t let her finish, “P’ano na ‘yung anak nating babae? Hindi ko siya pwedeng tignan? Ano ka ba naman Sprinkle, kahit pa sampu mata ko, ikaw lang naman ang pinagtutuunan ko ng pansin eh” sabi ko sa kanya at nagblush siya.

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon