Shaina Aragon
I made my way to Greenwich, dyan kami laging kumakain tuwing free time namin, may special memory kasi kami dito.. dito kami unang nagkakilala, sa isang business meeting ni papa.
Magre-reminisce nga muna ako! ^o^
11 years ago..
“Paaa!!! I want Greenwich” sabi ko nang naka-pout, “Alright, princess. Sumama ka sa’kin mamaya, may meeting ako ‘dun” sabi ni dad, I ran in circles, my hands up high.
Yaaayy!! I love my dad!! ^o^
‘Nung 1 pm na, nag-drive na si papa papunta sa Greenwich malapit sa isang university, “Oh, Theodore, is she your daughter?” tanong ng gwapong lalaki, matanda na siya pero gwapo pa rin.
“Yeah, she’s Shaina, Shaina, say hi to Tito Matthew” sabi ni papa, kinuha ko ‘yung kamay ni Tito Matthew sabay bless, “Hello po” sabi ko, he patted my head softly, “Mabait na bata” sabi niya habang nakangiti, he carried me, ‘yung kapag may buhat na bata ang magulang.
He pinched my nose, “Arraayy!! ‘Wag niyo po do that, it hurtsh” sabi ko, tumawa nanaman si Tito Matthew, tapos may batang biglang pumasok sa loob ng Greenwich.
“Daadd!! Bakit may ibang anak na kayo?! Ang bilis naman!!” sabi ng batang lalaki, ang cute niya, sobra.
Tito Matthew laughed, tapos inilapag na niya ako uli sa sahig, tapos pi-nat niya ‘yung bata sa ulo, “She’s not my kid, anak. By the way, Rage, this is Seven, Shaina, meet Seven, my son” nakangiting pagpapakilala ni Tito Matthew ‘dun kay Seven.
“Hi Seven! ^o^” sabi ko with my brightest smile, he looked at me and then he glared, “Hmph. Ugly duckling!” sabi niya, “Seven! That’s bad, you don’t say that to a girl!” saway naman ni Tito Matthew, umiling lang si papa, “Don’t worry about it Mat, it’s fine” sabi niya.
Magkaharap si papa at si Tito Matthew, tapos ewan ko sa kanila kung bakit pinagtabi nila kami ni Seven, dahil wala naman akong maintindihan kina papa, minabuti ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa kanya.
I poked his cheeks, “Ang lambot ng balat mo! Hihi. Ang cute mo pa, will you marry me?” tanong ko.
“Wait.. that’s a boy’s job! ‘Di ka dapat nagp-propose sa’kin!” sabi niya habang namumula ang pisngi, I just smiled sheepishly. “Basta, marry me?” tanong ko uli sabay lahad ng kamay ko, he took my hand, “Ugly duckling” he said with a pout.
Present..
Hayy bwiset! Sayang ‘yung proposal ko ha! Hindi rin pala kami ang magkakatuluyan! >__<
Pumasok na ako ng Greenwich tapos lumapit ako kay Seven, may in-order na siya, baked mac, lasagna, bread sticks, fries, spaghetti and pineapple juices.
Akin ‘yung baked mac, lasagna at bread sticks, matakaw talaga ako eh, hehe. Swertihan lang kasi ‘di ako tumataba kahit sobrang takaw ko.
Maya-maya ay dumating ‘yung order namin, sandali lang kasi nauna na siyang mag-order bago pa ako dumating.
“So anong nangyari ‘nung first class at kinailangan ni Andrew na sabihin sa professor na ibagsak ka?” tanong ni Seven, “Eh kasi.. meron kaming team assignment, tapos kami ang magka-partner.. eh hindi ako nakatulong sa kanya kasi nga, na-late ako.. kaya binantaan niya ako na ipapabagsak ako sa prof” pagpapaliwanag ko.
“Haay nako babywife, baka bumagsak ka niyan! Next year pa naman graduating ka na!” sabi niya, nag-peace sign ako, “’Wag ka mag-alala babylove! Hindi ‘yan. Hehe. ^o^” sabi ko naman, ngumisi siya tapos pinisil niya ‘yung pisngi ko.
“Sige na, kumain na tayo” nakangiting sabi niya, so ‘yon nga, kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng Greenwich, “Seriously babylove, bakit imbes na umupo na lang sa Greenwich hanggang sa matapos ang free time natin eh naglalakad pa tayo?” tanong ko sa kanya, he smiled brightly sabay taas ng mga kamay naming naka-intertwine sa isa’t isa.
“Kasi gusto kong maglakad kasama ka at hawakan ang kamay mo at ipakita sa iba na ako lang ang boyfriend mo at walang iba” sabi naman niya, I felt my cheeks heat up dahil sa sinabi niya.
But then.. boyfriend mo at walang iba..? Is that even possible? Hindi maari.. lalo na sa estado namin ngayon.. Ang pathetic namin no? Ayaw naming lumaban.. mahal namin ang isa’t isa pero.. syempre, inisip rin namin, kapag tinanggihan namin ang gusto nilang mangyari, kapalit naman ‘nun ay ang kapakanan ng pamilya namin..
At bigla siyang tumigil sa harap ko, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi gamit ang dalawa niyang kamay, “Alam ko ang iniisip mo babywife.. pero.. let’s not dwell on that, okay? Kalimutan na muna natin..” nakangiting sabi niya, pero alam ko namang deep inside eh nasasaktan din siya katulad ko.
Pinilit kong ngumiti sabay yakap sa kanya, “Let’s enjoy our last year..” bulong niya sa tenga ko, ah pucha pie! Biglang kumirot ang puso ko. Last year na namin ngayon bilang lovers.. Tsk. Soon.. magiging Mrs. (Insert my fiancee’s surname here) na ako. Haayy. Sana naman hindi mukhang kapre ang ipapakasal sa’kin. =___=
“Right..” sabi ko, tapos kumalas na siya sa yakap at hinawakan na niyang muli ang kamay ko, “Tara na, o, malapit nang mag-start ang klase mo.. baka ma-late ka pa babywife. Pagalitan pa ako ni Tito” nakangising sabi niya tapos nagsimula na kaming maglakad papunta sa susunod kong klase.
Nang nasa harapan na kami ng room, I kissed him on the cheeks, “Bye babylove! Ingat ka ha, I love you” nakangiting sabi ko sa kanya, he kissed me on the forehead, “I love you more” sabi niya tapos naglakad na siya palayo, tapos lumingon ulit siya sa’kin, “Pasok na! Shoo! Hahaha” sabi niya sabay kindat.
I sighed, I’ll miss him.. once we’re over. Pumasok na ako sa room, sakto lang ako, wala pang professor pero puno na ang room. Oo. Seryoso ako, puno na ang room. ‘Di ko nga alam kung may bakante pa ba eh.
Naghanap ako ng upuan... ‘AYUN!! Agad kong nilapitan ang upuan tapos inilagay ko ang mga gamit ko sabay upo, tinignan ko ‘yung dalawa kong katabi, ‘yung isa ay maingay at nakikipagdaldalan sa katabi niya.. ‘yung isa naman ay natutulog lang at may nakasalpak na earphones sa tenga.
Pero I must admit, he is freaking hot. Kahit pa nakayuko siya at nakatago ang kalahati ng mukha niya ay alam ko ng gwapo ito.
Nagulat ako kasi bigla na lang siyang dumilat, kaya naman ibinaling ko ang tingin ko sa harapan, pero from my peripheral vision, nakita ko talagang ngumiti siya.
Hindi ko napigilang lumingon sa kanya, at lalo lang siyang ngumiti, umupo na siya nang maayos, kinukusot-kusot niya ang mata niya.. and I found it really cute.
“Hi, ako nga pala si Nash. You?” nakangiting tanong niya, what the ef? ANG GWAPO NIYA!
“I-I’m... S-Shaina” nautal-utal pa ako kasi grabe lang talaga ang pagka-gwapo niya! Nakaka-freeze!
So ‘yon, ewan ko kung anong kaguluhan ang nangyari at hindi dumating ang professor namin.. kaya si Nash na lang ang naging kausap ko. Ang sarap niya lang kausap, parang, added bonus na lang ang itsura niya. He’s really nice, mataas ang sense of humor niya at masarap siyang kausap. Marami siyang topics at syempre, nagbibigay rin naman ako ng topic. Parang.. walang time for awkward silence.
I found an instant friend! :)
‘Dun ko nalaman na PAREHAS kami ng schedule ni Nash, as in parehas talaga. Subjects, time, at days! MTWTS din siya!
“Grabe! May instant seatmate na ko!” I cheered, natawa naman siya tapos ginulo niya ang buhok ko, nga pala. Free cut namin ngayon. Pero hindi pa tapos ‘yung class, pagkatapos nito ay pupuntahan ko na si Seven sa Greenwich.
At sa wakas, free time ko na uli, kaya naglakad na ako papuntang Greenwich, sinama ko si Nash, ipapakilala ko lang siya kay Seven. <3
Pagkadating namin, ‘andun na agad si Seven, sa usual table namin.. pero.. iba ang scene. May kasama siyang babae.
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?