Shaina Aragon
Nakalipas na ang dalawang buwan, syempre, kami pa rin ni Cupcake. Masaya kami, sobrang masaya.
Pero.. tulad nga ng sabi nila.. natatapos ang masayang parte ng storya, hindi pwedeng lagi kang masaya.. at kung sobrang sumaya ka.. sobrang lulungkot ka uli.. parang.. give and take lang.
“S-Shaina! Si Nash!” nagulat ako sa biglang sumigaw na si Android na kakapasok lang ng classroom, agad akong napatayo mula sa upuan ko.
“Anong nangyari?!” tanong ko, “S-Sundan mo ‘ko” sabi niya kaya agad naman akong sumunod sa kanya, pumunta kami sa isang liblib na bahagi ng university.
Nakita ko si Nash na nandoon at nakahandusay sa sahig, agad akong lumuhod sa tabi niya at iniharap ang mukha niya sa’kin.
“C-Cupcake! Gumising ka, please” naiiyak na sabi ko sa kanya habang marahan ko siyang niyuyugyog.
Nakita ko kung paanong namantyahan ng dugo ang uniporme ko, sinong demonyo ang gumawa kay Nash nito? Sino?!
Bahagyang dumilat si Nash kasabay ang ungol na kumawala sa mga labi niya, “N-Nash! Kamusta ang pakiramdam mo?” naga-alalang tanong ko sa kanya.
“S-Shaina.. S..prinkle..” mahinang mahina na ang boses niya, kusa nang tumulo ang mga luha ko at pumapatak sa pisngi niyang may bahid din ng dugo.
“S-Sino ang gumawa sa’yo nito.. Nash? Sabihin mo sa’kin.. magbabayad sila..” nagagalit na sabi ko, umiling siya at napangiwi, “’W-wag.. ayokong madamay ka pa dito S-Sprinkle.. kahit ako na lang ang masaktan.. ‘wag lang ikaw”
Umiling ako at kinuha ang kamay niya at dinikit sa pisngi ko.
“’Wag mong sabihin ‘yan Cupcake.. partners tayo diba? Hindi mo pwedeng sarilinin ang problema..” sabi ko sa kanya.
“K-Kailangan..” sabi niya, “Shaina! Tumawag na ako ng ambulansya, dadalhin na daw siya” sabi ni Android sa may likod ko, tumango na lang ako sa kanya.
Dumating na nga ang mga medic at inilagay si Nash sa stretcher, binuhat nila siya at ako naman ay sumusunod sa kanila, kasama ko si Android.
Dinala nila kami sa malapit na ospital, agad namang chi-neck ng doctor si Nash at nabigyan din siya agad ng room.
“Android..” mahinang sabi ko tapos umiyak ako, hinihimas naman ni Android ‘yung buhok ko.
“Tawagan ko na ‘yung mga magulang ni Nash.. para malaman nila” sabi ni Android, tumango na lang ako.
Nakatitig lang ako kay Nash.. baka sakaling magising na siya uli.. gusto kong malaman kung sino ang gumawa sa kanya ng lahat nang ‘to..
At bakit.. bakit nila gagawin ‘to sa kanya? Dahil ba sa inasal ko kay Seven? ‘Yun ba ‘yun? That’s not a practical reason kung ganun. Kung sino man sila, humanda talaga sila because I will not let this just pass by and I will not act like nothing happened.
“Papunta na daw sila dito, Shaina, ‘wag ka na umiyak, gagaling din si Nash” sabi ni Android sa’kin, I sniffed. Nakakainis! Bakit kasi wala ako sa tabi niya ‘nung nangyari ‘to?! Kung nandun sana ako.. baka sakaling naipagtanggol ko siya.. baka.. baka wala siya sa ganitong sitwasyon ngayon..
“A-Android...” mahinang sabi ko sabay hikbi, “Kasalanan ko ‘to eh! Dapat nandun ako! Dapat sumama ako sa kanya! Dapat hindi ko siya hinayaang mag-isa!” umiiyak na sigaw ko.
“’Wag mong sisihin ang sarili mo Shaina.. wala kang kasalanan sa nangyari” sabi sa’kin ni Android.
Umiling ako.
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?