Chapter 27: Moon

106 7 0
                                    

Katherine Delarma

“Balita ko si Seven na daw ‘yung boss ng lahat ng companies ng mga Madrigal ah” sabi ni mama sa’kin, I just nodded. I’m scared of that guy, he’s a mad man.

“Buti na lang siya ang napili naming fiancee mo, mas yayaman pa tayo ‘pag naikasal na kayo” I inwardly winced.

Ayoko. Ayoko nang maikasal sa isang tulad niya na demonyo, unang tingin ko sa kanya dati akala ko anghel. ‘Yun pala, demonyo.

“No mom! Ikasal niyo na ako kahit kanino ‘wag lang sa lalaking ‘yon!” sigaw ko, napasinghap naman si mama, “What are you talking about?! Dati lang sobrang gusto mo siyang maging asawa tapos ngayon aayaw ka? Don’t you know the pain I went through maiayos lang ang pagiging mag-fiancee niyo?!” sigaw ni mama.

“Ma! Kaya siya naging boss sa lahat ng companies nila ay para sa iisang babae, para makuha ang ex-girlfriend niya na may iba ng fiancee!” sigaw ko na halatang ikinagulat ni mama.

“Is he crazy?” mahinang tanong nito, I couldn’t help but nod. Kahit sino namang makakarinig sa mga pinagsasabi ni Seven ay maco-conclude na baliw na nga ito.

The fact that he hurt Nash is enough proof na sobrang baliw na baliw na ito kay Shaina, which I cannot understand.

Ano bang meron sa babaeng ‘yon at ang daming nahuhumaling sa kanya? What did she have para may mag-exert ng ganitong klaseng effort makuha lang siya?

But I pity her.

Dahil sa kung anumang meron siya.. siya at ang mga mahal niya sa buhay ay nasa peligro.

Nash Marquez

Nagising na lang ako kinabukasan dahil sa alarm ng cellphone ko, “Gising na! Susunduin mo pa ako!” ang nakalagay sa screen na may picture pa ni Shaina, nabubuo talaga ang araw ko lagi makita ko lang ang mukha niya. Ang lakas na talaga ng tama ko!

Bumangon na agad ako kahit na sa totoo lang eh antok na antok pa rin ako, naligo na ako at nagbihis at bumaba na para magluto.

Marami akong kaibigang lalaki na hindi maatim isipin na magaling akong magluto at ako ang laging nagluluto para sa pamilya namin, wala eh! Mabait akong anak eh. Hahaha!

May mga maids kami dito sa bahay pero sabi ko kapag umaga ako na lang magluluto tutal naman eh maaga ako magising.

Pagkatapos kong kumain ay tinawagan ko na si Shaina, ganito lagi ang routine ko tuwing umaga.

Matagal din bago siya nakasagot, siguro kakagising lang din niya.

“Goodmorning beautiful!” masayang sabi ko sabay kiss sa cellphone ko, takte. Ang corny ko na talaga.

“Goodmorning Cupcake, ang aga pa ahh..” sabi niya na parang wala sa sarili, “Sakto lang kaya ang oras ko, gising na Sprinkle! Sige ka, matagal ka pa namang maligo” pang-aasar ko sa kanya and I could just imagine her pouting.

“Sige na, sige na, babangon na ako para hindi na pumutok ‘yang buchi mo” sabi niya, “Hey, are you mad?” nag-aalalang tanong ko.

“No I’m not, sorry, kakagising ko lang kasi kaya para akong mataray, hehe. Peace! Sige na Cupcake, ligo na muna ako, call me after 30-45 minutes” sabi niya, kitam? Ang tagal maligo tapos ayaw pa bumangon agad. P’ano na lang pala kung wala ako dito e’di lagi na ‘tong late?

Humiga na muna ako sa kama ko at nagmuni-muni.

Nagising na lang ako sa pagtawag sa’kin ni mama, wait. Nagising?!

Holy sh*t! Napaupo ako bigla at tinignan ko ‘yung cellphone ko, ssshh**ttt! I slept for an hour! Lagot ako kay Shaina nito!!

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan, and true enough, nakita ko si Shaina sa sofa namin at ang sama ng tingin niya sa’kin nang makita ako.

Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya ay umupo ako sa tabi niya at ipinulupot ang braso ko sa may bewang niya at hinalikan ko siya sa pisngi.

“Sorry na Sprinkle, hindi ko inakalang makakatulog ako eh” sabi ko habang nakatingin sa kanya, naka-side view siya sa’kin at hindi pa rin niya ako tinitignan nang deretso.

“Bwiset ka, akala ko kung ano na nangyari sa’yo, I kept calling you pero ‘di ka naman nasagot” naiinis na sabi niya at tinignan ko ang cellphone ko, nakita ko ang 27 missed calls niya, niyakap ko siya nang mahigpit.

“I’m really sorry, ‘di ko talaga sinasadya, inaantok pa kasi ako kanina eh tapos ‘nung paghiga ko dapat magmumuni-muni lang ako pero nakatulog na pala ako, sorry talaga” sabi ko pa sa kanya at napabuntong-hininga na lang siya bago niya isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

“You’re forgiven, nag-alala lang talaga ako kasi baka mamaya kung napano ka na” sabi niya, napangiti ako sa sinabi niya at pinisil ko ang ilong niya.

“Hep! Sige na at magsi-pasok na nga kayo sa school niyo, mamaya isang oras na kayong maglambingan dyan” napatigil kami nang biglang magsalita si mama at namula ang pisngi ko.

“S-Sorry po ma, sige po, alis na kami” sabi ko tapos tumayo na ako, syempre hinintay kong makatayo na rin si Shaina bago ako lumapit kay mama at hinalikan siya sa pisngi.

Ganun din naman ang ginawa ni Shaina tapos hinawakan ko na ang kamay niya at sabay kaming naglakad palabas ng bahay, nang nasa labas na kami ay kumaway kami kay mama na nasa may pinto lang.

“Ingat kayo mga anak” nakangiting sabi ni mama habang kumakaway rin, nginitian lang namin siya tapos pinagbuksan ko na si Shaina ng pinto at pumasok na siya sa loob ng kotse ko.

Sumakay na rin ako at ini-start ko na ang kotse at nagsimula nang mag-drive, binuksan naman ni Shaina ‘yung radyo.

Maganda ang naging tugtog, it’s an upbeat song kaya talagang mapapasayaw ka kahit nakaupo ka, nang mapalingon ako kay Shaina ay napapigil ako ng tawa kasi ang cute niyang sumayaw, sobra!

She glared at me when she realized I was looking and stopped dancing, “Ano ba ‘yan! Ang cute cute mo eh tapos titigil ka” nagtatampo na saad ko.

Napairap naman siya, aba! Talagang may gana pa siyang irapan pa ako, masama na pala panuorin ang girlfriend ko na sumasayaw :(

“Nakakahiya kasi eh.. when you look at me, I feel very concious about myself, feeling ko one wrong move and you’ll turn away” biglang sabi niya na ikinagulat ko, ngayon pa talaga siya nawalan ng tiwala sa sarili niya?

“Sprinkle naman, gusto mo bang ibigay ko pa sa’yo ang buwan para lang mapatunayan ko na kahit anong mangyari eh mahal kita at hinding-hindi kita iiwan?” tanong ko sa kanya na ikinatawa niya.

“Bring me the moon? That’s impossible” sabi niya, ngumisi ako at may kinuha ako sa bag ko tapos binigay ko sa kanya, “Woow!” sabi niya nang makita niya ang binigay ko sa kanya.

It’s a prototype of the moon, sobrang ganda nito tignan at hindi nakakasawa sa mata, “O ‘ayan, buwan ‘yan diba?” nakangising sabi ko sabay kindat.

“Technically, yes, scientifically, no” nakangiting sabi niya at natawa na lang ako, “You have a point, but it still counts as a moon” nakangising balik ko naman.

I held her hand, “’Wag mo lang isipin na I will turn my back from you from one mistake you’ll do, because I’ll never do that, never” sabi ko sa kanya.

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon