Chapter 37: Stupid

102 5 0
                                    

Shaina Aragon

“Tara babyprincess, iuuwi na kita” sabi niya, “Ihahatid pauwi, diba?” pagtatama ko sa kanya, tumawa naman siya nang mahina, “Alright, alright. Chill, get in” sabi niya tapos sumakay na siya sa kotse niya.

I was about to get it when I saw how the doors locked and I couldn’t help but arch my brow, you are so not helping right now, Seven. Pakshet. I wish I was with Nash rather than with you!

He unlocked his door and got off the car, “Sorry, sorry. I was supposed to open the door for you” nakangiti niyang sabi bago niya ako pinagbuksan ng pintuan, hindi ko na lang siya sinagot at pumasok na sa loob ng kotse niya.

Nang makasakay na rin siya ay tinanong niya ako, “May problema ba baby? Bakit ka nakasimangot?” nag-aalalang tanong niya, I forced a smile at him, “Okay lang ako, sige na, umuwi na tayo, pagod lang ako” sabi ko na lang.

“You sure?” tanong niya, “Yes I am, sige na, just drive” sabi ko, ngumiti naman siya at tumango, “I love you!” sabi niya.

I gulped, “I-I.. I love you too..” Takte! Ang hirap sabihin sa kanya, ang hirap kasi hindi ko naman talaga siya mahal, pakshet talaga! Ayoko nang ganto eh! Shemay talaga! Pero.. para ‘to sa kanila kaya titiisin ko..

He smiled even wider and crossed the distance between us, sigurado akong dapat ay hahalikan niya ako sa labi pero I turned away para sa pisngi niya ako sa mahalikan, “Si Android?” kunwari’y tanong ko.

“Ha? Ah, eh.. ahm.. ‘di ko alam eh” simpleng sagot niya tapos in-start na niya ‘yung sasakyan at nag-drive na siya papalayo ng university.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa may gate ng mansyon ko, hindi kami pinagbubuksan kasi tinted ang sasakyan ni Seven kaya for sure ay ang alam nila ay hindi ako kasama.

I rolled open my window, “Kuya Guard! Okay lang po, buksan niyo na, kasama niya ako” malakas kong sabi, natigilan man si kuya guard ay sumunod naman siya sa sinabi ko at binukas na ang gate.

Nag-drive na uli si Seven papasok ng mansyon, “Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapasok dito, mga 2 months na rin no? Ang habang panahon, parang ilang taon” natatawa niyang sabi.

Dahil ayoko na nagre-reminisce siya ay agad na akong bumaba ng sasakyan, bumaba rin naman siya, “Ano ba ‘yan baby, nagk-kwento ako eh. Gutom ka na ba kaya ka nagmamadali?” tanong niya sa’kin.

“Yeah” I simply said without smiling, bigla niyang kinuha ‘yung kamay ko, “E’di tara! Ihahatid na kita sa loob” nakangiti niyang sabi at hinatak na ako, sumunod na lang din ako sa kanya kasi wala na rin naman akong magagawa.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay natigilan ang lahat, sila mama at papa ay nakatitig lang sa’min na parang nakakita ng multo. Pero sana nga nakakita na lang sila ng multo, multo ni Seven na minumulto ako.. para hindi ko na kailangan pang gawin ‘to. Shiz.

“Shaina! Anong ibig sabihin nito?!” agad na sigaw ni papa, ngumiti naman ako sa kanila, “It’s okay pa, I reconciled with him, okay na kami, we just had some misunderstanding” I said, trying to fight back the tears in the verge of falling.

Natahimik si papa, mahirap naman talaga kasing ma-sink in sa utak ‘yung ganito, ‘yung tipong kahapon lang eh si Nash kasama ko tapos ngayon e’tong gagong ex ko.

“Sweetie..” mahina namang sabi ni mama, I smiled at her even when it hurts inside, I did this for you. For all of you..

“Sorry po, ma at pa.. I just want you to know that I love your daughter so much that I had to go through those means just to get her, I would like to humbly apologize for my manners these past days, I hope you would forgive me” nakayukong sabi ni Seven sa kanila.

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon