Chapter 8: Midnight

182 11 0
                                    

Shaina Aragon

Hinatid din ako pauwi ni Nash, pero dahil nga nag-commute lang kami kanina, nag-commute lang din kami pauwi. Nang marating na namin ang gate ng bahay namin, nagpaalam na siya.

“Bye Nash! Salamat sa time ha, I appreciate it” nakangiting sabi ko sa kanya habang kumakaway, kumaway din siya, “Bye Shaina, goodnight” nakangiting sabi niya at sumakay na siya sa kotse niya.

Hinintay kong makalayo na siya nang husto bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin, nang makapasok ako, ‘ayon nanaman, awkward silence nanaman.

Pero dahil.. alam ko namang may kasalanan din ako, lumapit na ako kay papa, “Uh... papa?” nahihiyang sabi ko, tumingin naman sa’kin si papa, “Um.. s-sorry po s-sa.. i-inasal.. ko po.. kahapon.. um.. pasensya na po..” sincere kong sabi, tinititigan ko lang ‘yung sapatos ko.

Nagulat ako kasi biglang tumayo si papa at niyakap ako, “Sorry princess.. you know I love you, right? I just want what’s best for you.. I’m so sorry for hurting you...” sabi ni papa habang dahan-dahang hinahaplos ang buhok ko, tapos pinakawalan niya ako, tapos ngumiti siya.

“Sorry po uli pa..” sabi ko, “You’re forgiven.. sige na, pumasok ka na sa kwarto mo.. magpahinga ka na muna” nakangiting sabi sa’kin ni papa, ngumiti rin ako sa kanya at tumango, tapos naglakad na ako papunta sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay humiga agad ako sa kama, kailangan ko paring makausap si Seven.. kailangan ko ng matinong dahilan.. kailangan kong malaman kung dapat ko ba siyang hintayin o dapat na akong sumuko sa laban.

I dialed his number, matapos ang pitong ring, sa wakas, sinagot din niya, “Shaina” sabi niya nang wala man lang ka-emosyon emosyon.

“Seven.. we need to talk” sabi ko, “We’re already talking aren’t we?” masungit na sabi niya, sus. Kalokohan mo Seven Madrigal.

“Shut up, I need to talk to you in person and not in call, meet me at the park” sabi ko sa kanya, “How can you be so sure I’m gonna go there?” tanong niya.

“Hmm.. siguro kasi.. mahal kita at pinagkakatiwalaan kita.. at alam kong may malalim na dahilan kung bakit ka nagkakaganito, kaya sana, deretsahin mo ako, hindi ‘yung pinagmumukha mo akong tanga, sabihin mo lang kung umaasa ba ako sa wala o may dapat pa akong asahan.. sabihin mo lang, maghihintay ako” sabi ko tapos binaba ko na ‘yung tawag.

Nagsuot ako ng sweater at jogging pants, bumaba na ako at nagpaalam kina mama at papa na lalabas muna sandali, buti at pinayagan nila ako, kaya dumeretso na ako sa park na sinasabi ko, alam na alam na ‘yon ni Seven kasi ‘dun kami madalas tumatambay noon.

Dumating na ako doon at umupo sa isang swing, swerte at wala masyadong tao, kasi madalas, dinadagsa ng tao ang park na ito.

I checked the watch on my phone, 6:30 pm.. I’m going to have to wait for him. Hanggang 12 am.. kung hindi pa siya darating.. then I guess, I’m gonna have to let go of him.

Naghintay lang ako ‘dun.. 7:00 pm.. 8:00 pm.. 9:00 pm.. at bigla akong nakaramdam ng patak ng tubig, tumingala ako at nakita kong umuulan na, pero ‘di ako nagpatinag, nanatili lang akong nakaupo sa swing.

10:00 pm.. wala pa rin.. darating pa kaya siya? Haay. Sana naman dumating siya.. gusto kong pakinggan ang side niya.. baka naman.. baka naman pwede ko pang ipaglaban ang aking nararamdaman..

11:00 pm.. wala ng tao sa park, totally ako na lang talaga ang mukhang tanga na nakaupo sa swing at nagpapaulan.

11:30 pm.. lumingon-lingon ako, baka sakaling ‘di ko lang pala napapansin pero nandyan na pala siya.. pero wala pa rin talaga..

11:59.. one more minute left.. darating pa ba siya?

12:00 am.. hep. Time’s up.

‘Dun ako nakarinig ng mga yabag na parang tumatakbo, nakita ko ang mukha ni Seven, pinayungan niya ako.

“Hi Seven.. but it’s too late.. I’m already soaked” nakangiting sabi ko sa kanya, truth is, umiiyak ako ngayon.

Naglakad na ako palayo, pero hinigit niya ako sa kamay at hinatak pabalik sa kanya at pinaloob ako sa mga bisig niya.

Lalo akong naiyak, “S-Sorry Shaina.. p-pero..” naputol ko ang sasabihin niya nang pinatong ko ang hintuturo ko sa labi niya.

“Sshh.. I gave you time to come here and your time is up, it’s too late Seven.. you had your chance.. 5 and a half hours.. that’s the time I gave.. but you came up 5 seconds short, time is gold.. yet you wasted it” sabi ko sa kanya.

“No.. Shaina.. please.. l-let me explain!” sabi niya, hinigpitan niya ang yakap niya sa’kin, para bang ayaw niya akong pakawalan.

“You had your chance Seven.. kilala kita, kung talagang gusto mong mag-explain, pumatak palang ang unang minuto, pupunta ka agad dito, but what the hell, it took you 5 freaking hours, what? Are you going to tell me that Katherine kept you occupied? Ha, are you actually going to give me that sh*t?! IF I REALLY MATTERED TO YOU, YOU WOULD’VE FREAKING WENT HERE EVEN IF THERE WAS A FREAKING HURRICANE!” sigaw ko sa kanya.

“Tapos na ang oras.. and I’ve decided to let you go, Seven Charles Carillo Madrigal.. from this day forth.. wala nang Shaina Crystal Angeles Aragon sa buhay mo..” sabi ko, umiiyak pa rin. It hurts to end everything between you and the one you love the most.. ang sakit sakit..

“S-Shaina.. please..” humihikbi na si Seven, it broke my heart even more to see him so fragile.. kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, ako na ang nagkusang lumapit sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit...

This is the last.. Seven.

Lumayo ako nang konti, tapos hinalikan ko siya sa labi, “Goodbye Seven..” sabi ko sa kanya.

Tinapos ko kaagad at mabilis akong tumakbo pabalik sa bahay namin, leaving him standing there.. in the rain.

Seven Madrigal

Natulala ako, ang sakit sakit.. sa lahat ng sugat na nakuha ko.. ito na ‘yung pinaka masakit. Ito na ‘yung pinaka malalim. Ito na ‘yung pinaka critical.

Pero tama siya.. I wasted my chance. Ako mismo ang nagdesisyon na ‘wag munang pumunta.. dahil natatakot ako.. hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag.. ano ba ang dapat kong ipaliwanag?

Na sa tingin ko, mas makakabuti sa’min kung maglayo na muna kami? Mas makakabuti para sa’min kung bibigyan namin ng pagkakataon ang mga fiancee namin? Na kaya ‘di ko siya pinapansin dahil pakiramdam ko, dapat bigyan ko naman ng panahon si Kath?

Anong ipapaliwanag ko gayong ako mismo ang nagkamali? Ang tanga tanga ko.. ako mismo ang nagpakawala kay Shaina.. ako mismo ang unang bumitaw sa’ming dalawa.

Ako mismo ang nag-aksaya ng limang taon naming relasyon.. ako lang at wala ng iba.

Umupo ako sa swing, nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa luha.. tss. Ang baklang pakinggan pero.. ang tunay na lalaki.. kung tunay na nagmamahal.. umiiyak.

Talaga bang ‘yun na ang katapusan ng relasyon namin? Wala na bang.. second chance?

“Seven..” narinig kong may tumawag sa’kin kaya napa-tingala ako, “K-Kath?” gulat na tanong ko.

“Shaina called Nash, Nash called me.. Shaina wanted me to go to you..” sabi niya.

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon