Shaina Aragon
What the hell? Lumapit kaming dalawa ni Nash sa kanya, well, sinusubuan lang naman ni pugita ang boyfriend ko.
“Excuse me? May kailangan ka ba sa boyfriend ko?” tanong ko sa kanya, with matching taas kilay na abot hanggang Mars.
I looked at Seven in the eyes, you-are-so-explaining-to-me-mister ang message ng mga mata ko sa kanya.
“Ay.. sorry, ako nga pala si Katherine Delarma, fiancee ni Seven” nakangiting sabi ni MAKATHI! Tss.
“So you also met Nash Marquez? He’s your fiancee” nakangiti pa ring sabi niya, napatingin naman ako kay Nash, WHAT?!
“YOU’RE MY FIANCEE?!” gulat kong tanong sa kanya, “Yeah” sagot naman niya, WHAT THE ACTUAL F?
“Katherine.. pwedeng ‘wag ka munang umeksena? Last year na namin o.. sige na? Give us a chance naman.. last na namin ‘to” sabi ko sa kanya, eh kasi diba? Bwisit eh. Clingy niya kaya! Tsk. Makapulupot ng kamay sa braso ni Seven wagas! NANDIDILIM LANG TALAGA ANG PANINGIN KO.
“That’s the point. You were given lots of years, Shaina. I think it’s time for us naman diba?” sabi niya, napatahimik naman ako. PUCHAPIE! ANO ‘YANG HIMAS HIMAS SA BRASO NA ‘YAN?!!
Nagulat na lang ako kasi bigla ko na lang hinatak patayo si Makathi tapos ako naman ang umupo sa tabi ni Seven.
“B-Babywife?” nagtatakang sabi ni Seven, AGH! I don’t freaking care anymore!
“Ooohhh... so you want it rough, Shaina?” she asked with an evil smile, what the ef?
“Katherine.. don’t” pigil naman sa kanya ni Seven, pero too late, binuhusan ako ni Makathi ng coke. =___=
Bakit ba kasi ako nagputi? Tsk. Dapat nag-itim ako para ilamay na ‘tong si Makathi. =___=
Tinignan ko ‘yung dress ko na color white, nakabakat na ang coke sa damit ko. HAYSH. Bwisit na pugita ‘to!
“Oops, sorry.. it slipped from my hand” sabi niya sabay tawa, lumapit naman sa’kin si Nash, pupunasan sana niya kaso pinigilan ko siya, heler naman diba? Nasa dibdib all the way sa tiyan ko lang naman ‘yung nabasa.
Hinubad naman ni Seven ‘yung t-shirt niya, showing his perfectly sculpted abs.. woohoo. Pinunasan ko ‘yung gilid ng bunganga ko, tumawa naman si Seven sabay suot sa’kin ng t-shirt niya. Shucks!! PERVERT BA AKO AT ANG BANGO LANG TALAGA NG AMOY NI SEVEN?!
“Let’s go” sabi ni Seven nang nakatayo na kami, hinawakan niya ang kamay ko, maglalakad na sana ako nang biglang may humigit naman sa isa kong kamay, “Wait, she’s my responsibility.. pare, ako ang fiancee” sabi naman ni Nash.
“Fiancee ka, boyfriend ako, wala akong pake kung mukhang mas mataas ang responsibility mo kesa sa’kin.. but just remember this, akin siya at walang makakaangkin sa kanya, you got that? Kaya sa akin siya sasama” sabi niya sabay hila uli sa’kin.
Nang makalabas kami ng Greenwich ay agad kong binawi ang kamay ko, ang sakit kaya! Ang higpit lang ng pagkakahawak niya!
“Sorry.. nainis lang ako.. that.. girl shouldn’t have done that to you” sabi niya, dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya, “Calm down, alright? For now, kailangan natin ng damit. Hahaha! Alangan namang papasok tayo ng ganito?” sabi ko sa kanya.
Nagulat ako kasi bigla na lang niya akong hinalikan sa lips, “We’re cutting” sabi niya, WHAT?!
“Wait! Seven! Seryoso ka?! Weh?! ‘Di nga?! Kil—”
Pinutol na niya ang sasabihin ko with a kiss, tsk. Quota siya ngayon? Pero sige na nga, pagbigyan!
Pero bago pa ako makaimik uli, binuhat na niya ako, ‘yung parang bagong kasal kami, tapos sinakay na niya ako sa kotse niya, nag-drive siya palabas ng university, oo, hindi siya pinalabas ng guard.. ‘nung una, napilit din niya.
Pumunta kami sa isa sa mga mall nila, syempre, special privileges, madali lang kaming nakapasok at nakapunta sa boutique na kami ang may ari.
Sabi niya, ako daw pipili ng isusuot niya at siya ang pipili ng isusuot ko, pumayag naman ako. Knowing Seven, magaling siya pumorma kaya alam kong magandang damit ang pipiliin niya para sa’kin.
Pumunta ko sa isang part ng boutique na may mga long-sleeved polos, may nakita akong checkered na green na polo, tapos naghanap din ako ng bagay sa kanyang tight faded jeans. Tapos pumili na rin ako ng matching shoes tsaka ng isang bonette na color black. Yiie! Nai-imagine ko ang itsura niya! >///< Ang hot niya dito for sure!
Maya-maya ay tinawag na ko ni Seven, lumapit naman ako sa kanya, tapos inabot ko sa kanya ‘yung mga damit na napili ko para sa kanya, siya naman ay nag-abot sa’kin ng isang simpleng dress. Checkered sa taas, kulay green din, tapos ‘yung skirt ay color blue na may mga bead designs.
I smiled at him and he smiled at me, “You really know me well” sabay na sabi namin na ikinatawa naming dalawa, hinalikan niya ako sa noo tapos iginiya na niya ako sa fitting room.
“Bilis na, suotin mo na ‘yan. Gusto kong makita na suot mo ‘yan” nakangiting sabi niya, I nodded tapos pumasok na ako ng fitting room, nagulat ako kasi pumasok rin siya, I just stared at him.
“Wahahahahaha! Cat’s got your tongue? Hehe. Joke lang” sabi niya tapos bigla niya akong hinalikan sa labi, it was quick but it was sweet. Ang hirap din palang i-explain.
He left with a smirk, and I just found myself staring at the mirror.
My face was colored ketchup. Seriously, my face was red all over, parang nag-blush on ako pero hindi lang sa cheeks inilagay.
That freaking Seven Madrigal! Ugh. Sinimulan ko nang hubarin ang damit ko, este ni Seven tapos ‘yung white na dress ko, tapos sinuot ko na ‘yung binigay niya sa’king dress.
Wooow! Ang cute kong tignan! Bagay na bagay sa’kin ‘yung dress na pinili ni Seven! Hehe. Ang galing talaga ng boyfriend ko!
Pagkalabas ko ay nakita ko si Seven, looking hot as usual but hotter this time. Suot-suot niya ‘yung pinili kong damit para sa kanya, at tama nga ang pagpapantasya ko. Bagay na bagay nga sa kanya ang mga pinili ko, he smiled.
“We’re a match made in heaven” nakangising sabi niya sabay kindat, tinawanan ko lang siya, ang cute niya kasi eh. >u<
Inilahad niya ang kamay niya sa’kin, his eyes were.. how do I say this? Sparkling? I took his hand, he intertwined our fingers and he kissed the back of my hand softly, and then he looked at me, his eyes always made me feel like I was the most beautiful woman in the world. And seeing them always completed me.
And then he smiled, that smile that always tell me I’m the one and only one who can make him fall in love, I smiled back, expressing all my feelings through that smile and through my eyes as well.
“I love you” he softly whispered, “I love you too” I replied, and with that, we walked to the cashier. Oo, ‘di pa namin binabayaran pero suot na namin.
“E’to pong mga suot namin ‘yung bibilhin namin” sabi ni Seven sa kahera, the moment she saw my boyfriend, her eyes lit up. “3,758” sabi ng kahera na may malanding ngiti sa labi.
Bwiset. “Alright” sabi ni Seven sabay abot ng 4,000, hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko, I found it sweet, kahit pa nahirapan siyang kumuha ng 4,000 sa wallet niya.
I smirked at the girl tapos naglakad na kami palabas.
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?