Shaina Aragon
“Aawww, tampo na ba si Sprinkle ko? Sorry na babe, I love you” ‘ayun. Naglambing ang bruho. Walanghiya, effective naman! Wala na, Shaina. Bigay na bigay ka dyan sa lalaking ‘yan. Wala eh, mahal ko. I said simply in my head.
“Oo na, ano pa nga bang magagawa ko? Kaysa naman kukulitin mo pa ako” pakipot kong sabi, kunwari nagsusungit, kunwari galit. Normally, kung si Seven ‘to? ‘Di ko na ‘to kinakausap.
Ibang iba ‘yung epekto sa’kin nitong si Nash eh.. siguro mas malalim ‘yung nararamdaman ko para sa kanya? Kasi.. since day one, ‘di ko na talaga ma-explain ‘yung nararamdaman ko para sa kanya.
“Sure ka ba talagang napapatawad mo na ako?” tanong niya, “Oo” I said simply.
“Sure ka talaga? Parang hindi eh, tignan mo ‘yung sagot mo, oo lang. Magtatampo ako nyan sa’yo, Sprinkle eh” sabi niya na parang malungkot ang boses. Na-guilty naman daw ako.
“Okay, I’m sorry too, Cupcake. Sige na, okay na talaga tayo, pakipot lang ako” I gave up. Wala eh, baka mamaya magka-away pa kami ‘di ako naman naiyak? Sino ang tanga?
“Sus, ang Sprinkle ko talaga! Ang cute cute! Hehe, antok ka na ba babe?” tanong niya, bakit niya ako tinatawag na babe? Anong meron sa babe? PERO KINIKILIG AKO! ANG HOT KASI NG BOSES NIYA ‘PAG TINATAWAG NIYA AKONG BABE!
“Hindi pa, Cupcake. And, tanong ko lang, b’at mo ‘ko tinatawag na babe?” sabi ko sa kanya, “Hm.. ‘di ko rin alam eh, ang sarap mo kasing tawaging babe, parang, akin ka lang. ‘Yung ganun? Hehe. Sorry Sprinkle, ayaw mo ba?” alanganin niyang tanong.
Agad akong napailing bilang sagot, tapos naalala kong tawag nga lang pala ‘to.
“Gusto ko! Sobra!” parang ang OA naman yata ‘nung sagot ko? Pero wala na akong pake, basta bahala na.
Natawa naman ang kausap ko sa kabilang linya, “How about you call me babe whenever you want too? Tanda ‘yon na.. akin ka at iyo lang ako” biglang sabi niya at naramdaman kong magwala ang mga halimaw sa tiyan ko. Naging mutant freaks na ang mga butterflies, halimaw na ngayon. Kuntodo kilig na ang dulot.
“Eh paano na ‘yung Cupcake and Sprinkle tandem?” tanong ko naman, tumawa siya uli. Dami na nitong tawa ah!
“Syempre ‘yun pa rin ang tawagan natin, Sprinkle! Just say babe whenever you feel like it, okay babe?” feeling ko nakangiti siya nang sabihin ito. Or actually, lagi naman ‘yang nakangiti eh!
“Okay, Cupcake. Whatever you say” sabi ko naman, “By the way, Cupcake.. about Andrew” dagdag ko. Wait, did I just call Android by his real name?
“Call him Android, Sprinkle. I know you’re very worried, but don’t let it affect you too much, ‘kay? He’ll be alright, gagawin ko ang makakaya ko” sabi niya at parang nawala na ang kaba ko at ang pag-aalala ko.
“I’ll help you, babe” sabi ko naman, bigla siyang natahimik, problema ‘nun? “Uh.. hello? Cupcake? You still there?” tanong ko, tapos tinignan ko ‘yung phone ko pero ‘di naman naputol. Nagbibilang pa rin ‘yung timer.
“Hello? Wala bang signal?” mukha na akong ewan kasi ‘di nasagot ‘yung kausap ko, “Uh.. um.. sorry, Sprinkle. Uh..” utal-utal na sabi niya. Wait what? Ano bang nangyari?
“Bakit ka ba natahimik dyan?” nag-aalala kong tanong, baka kung ano nangyari sa kanya ‘dun.
“Hindi, wala. Kasi kinilig ako sa babe mo eh.. haha, ang sarap pakinggan” medyo nahihiya niyang sabi. Why is he so honest? Grabe, ako tuloy ‘yung nahihiya sa ginagawa niya eh!
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?