Nash Marquez
Napatitig ako kay Shaina, napangiti ako sa sinabi niya, I could just feel how much she loves me from her words.
Tumingin ako kay papa, nginitian ko siya, in a way na nagsasabi na siguradong-sigurado ako sa babaeng nasa harapan ko at ipinagtatanggol ang nararamdaman niya sa’kin, how wonderful I think she is.
My father just let out a sigh, “Sorry, Shaina. I’m just being careful” sabi ni papa, “Sorry to say, tito but a simple sorry will not undo your doubt on me” sabi ni Shaina kaya napatingin kami nila mama sa kanya.
Bigla siyang ngumisi, “You have to give us your blessing for our wedding first” sabi niya nang seryoso kaya natawa kaming apat.
Biglang lumapit sa kanya si papa at tinapik siya sa balikat, “I completely give my blessing, no, our blessing, dear, you will be a perfect wife for my son” nakangiting sabi nito.
Nakita ko namang umaliwalas ang mukha ni Shaina na lalo kong ikinangiti, “Thanks dad” nakangiting sabi ko.
“Now I really regret everything I’ve said to you, Shaina, kung alam ko lang na you’re such a brilliant woman, I would’ve not even doubt you an inch” sabi ni dad, natawa naman si Shaina.
“I understand, tito, simula po nang ma-engage kami ni Nash, we never have met before, and I do have history with Seven.. so it’s understandable” nakangiting sabi ni Shaina.
“Don’t call me tito, call me dad, tsaka your mommy Nadine na rin” nakangiting sabi ni dad tapos tumango naman si Shaina.
“Salamat po” sabi ni Shaina at niyakap si dad at si mama.
Pagkatapos ‘nun ay nagpa-deliver ng pagkain sina dad, Shaina’s favorite ChicBoy.
“Waahh! Salamat po daddy!! *o*” tuwang-tuwang sabi ni Shaina na ikinatawa ko, “Ang cute mo talaga Sprinkle” pang-aasar ko sa kanya, umirap lang siya sa’kin at kumain na, natawa na lang din si dad, si mama at si Andrew.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Andrew, “Uwi na muna ako, I’ll talk about this with my parents at titignan ko kung anong magagawa ko” sabi nito.
Nginitian ko siya, “Salamat bro” sabi ko at tumango lamang siya at lumabas na ng kwarto.
“Shaina, dear, you can also go home if you want” sabi ni mama kay Shaina, “If I want, but I don’t want to, mom, I want to take care of Cupcake” sabi niya.
Mom patted her on the head, “Alright then, papatawag na lang kami ng bodyguards para bantayan ang room niyo sa labas, okay? We have to go back kasi may mga paperworks pa kaming tatapusin, I trust my son to you, dear” she said smiling.
“Opo, I will take care of him” sabi naman ni Shaina, ngumiti si dad at niyakap si Shaina, “Maraming salamat hija, don’t worry, we will make that Madrigal pay” sabi ni dad.
Tumango naman si Shaina, “I will help as much as I can, dad” sabi niya, tumango si dad at tumingin sa’kin, “We’re going home, anak, sabi ng doctor baka bukas daw ay makalabas ka na ng ospital, depending on your condition, kapag may naramdaman ka daw na kakaiba, sabihin mo lang at ite-test ka nila” sabi ni dad.
Aminado akong masakit pa rin ang buong katawan ko, naaalala ko pa rin kung paano akong pinagtatadyakan ng mga tauhan ni Seven, kung paanong pinalo nila ako ng metal na hindi ko alam.
Hindi ako lumaban kasi..
Kasi..
“Buti naman pumunta ka” nakangising sabi sa’kin ni Seven, tinignan ko siya nang masama, “Bakit mo ‘to ginagawa?” galit na tanong ko.
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?