Chapter 24: Corny

129 7 0
                                    

Shaina Aragon

Mga dalawang araw ding nanatili si Nash sa hospital, ang inakala kasi ng doctor na fast recovery ay hindi nangyari, mukhang napuruhan daw talaga si Nash at dahil daw sa pag-iisip ay lalo pang lumala ang mga injury niya.

Pero ngayon, sabay na kaming papasok uli ng uni, syempre, ako ‘yung nagbantay sa kanya sa dalawang araw na ‘yon, pinilit niya ako actually na ‘wag na siyang bantayan at pumasok na lang but I reasoned with him. Syempre, ako ang girlfriend! Dapat kasama ko ang boyfriend ko!

“What are you thinking?” nakangising tanong sa’kin ni Nash habang nagd-drive, “Wala” sabi ko sa kanya habang tumatawa.

“’Oy! Baka mamaya ibang lalaki iniisip mo ah!” sabi niya sa’kin at lalong lumakas ang pagtawa ko, “Baliw! Sa lakas ng tama ko sa’yo sa tingin mo may maiisip pa akong ibang lalaki?” sagot ko naman.

“Pero babae iniisip ko eh” pagbibiro ko sabay halakhak, tinignan niya ako gamit ang mga nanunuring mata, “TIBO KA?!” ma-eskandalong sigaw niya, “Shungak! Kung tibo ako e’di hindi kita sinagot!” tumatawang sagot ko.

“Joke lang Sprinkle! Hahaha, chill” sabi niya, “Chill naman ako ah, gusto mo ba akong magpaka-hot?” I teased as I winked, bigla siyang nagpreno kaya kamuntik na akong mauntog. =__=

“Bwiset! ‘Wag ka namang biglang pume-preno dyan at hindi ako ready!” sigaw ko sa kanya, “Uh.. eh.. surrreh!” sabi niya tapos nag-drive na siya uli, weird, problema ‘nun?

Nang makapag-park siya ay bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pintuan, tapos bumaba ako at kinuha naman niya ang bag ko sa kabila niyang kamay ay pinang-akbay sa aking ang isang braso niya.

Sana ‘di ko makita si Seven. Leche siya, baka makalbo ko siya. =__=

“Hey! ‘Wag kang sumimangot, papangit ang araw ko nyan, sige ka” sabi bigla ni Nash habang pinipisil ang ilong ko, “Oppoo!! ‘Wag mo lang pisilin ‘yang cute kong ilong” sabi ko matapos tampalin ang kamay niya at tumawa lang siya at inakbayan ako uli.

“Tara na, pasok na tayo” sabi niya at tumango lang ako habang naglalakad kami papunta sa first class namin.

At hindi effective ang wish ko, nakasalubong namin si Seven, speaking of Seven.. nasaan na si Kath? Bakit ‘di ko na sila nakikitang magkasama?

Bago pa makalagpas sa amin si Seven ay may sinabi siya, “Pasalamat ka dumating ‘yang girlfriend mo.. kundi.. baka tinuluyan na kita” nakangising sabi niya, sisipain ko na sana ‘yung tweetie bird niya kaso pinigilan ako ni Nash at pinasama na lang ako sa kanya.

Bumuntong-hininga ako, “Bakit mo ako pinigilan, Cupcake? Gusto ko na siyang ipalapa sa pating!” sabi ko sa kanya, umiling si Nash.

“I don’t want you hurt, princess” sabi niya, I pouted, “I don’t want you hurt either.. and since he hurt you, I will hurt him too!” sabi ko.

Ngumiti naman si Nash at niyakap ako, “I love you” sabi niya at hinalikan ang noo ko, “I love you too” sabi ko sa kanya.

“Did you calm down?” nakangiting tanong niya at tumango ako bilang sagot, “Good, tara na” sabi niya tapos dumeretso na kami papuntang room.

Pagkarating namin ay umupo na kami sa usual na pwesto namin, maya-maya lang ay dumating na din ang professor at nagturo, tapos 4 hours later at free time na namin ni Nash.

“Crrraaabbb! May assignment nga pala ‘dun sa next subject natin mamaya Cupcake!” sabi ko.

Tumawa naman nang mahina si Nash sabay yakap sa’kin, “Ang cute talaga ng Sprinkle ko, wait, kunin ko notebook ko t’as turuan kita” nakangiting sabi niya sabay bitaw sa’kin at baling sa bag niya.

Alam niyo ‘yung nakakatuwa kay Nash? Hindi ka niya papakopyahin sa assignment niya, gusto niya, tuturuan ka lang niya kung paano ‘yung gagawin mo, sabi niya kasi, dapat own efforts mo ‘yung gagawin mo para kung tama ka, masaya ka.

‘Yun nga ang ginawa niya, kinuha niya ‘yung notebook niya tapos tinuro niya sa’kin ‘yung lesson namin uli, at dahil sa ginawa niya, sobrang naintindihan ko na ‘yung topic namin!

Grabe Nash! Masyado kang perfect para sa’kin! Ano ba ang ‘di mo kayang gawin? ‘Pag may nakadiscover ‘nun bibigyan ko ng 1 billion!

“Gusto mong malaman kung ano ‘yung ‘di ko kayang gawin?” biglang tanong niya kaya nagulat ako at napatingin sa kanya, “Yup, you just said it out loud” natatawang sabi niya sa’kin sabay pisil sa ilong ko.

“Dahil sa alam mo naman na ang gusto kong malaman.. sagutin mo na, pleeeassseee?” sabi ko sa kanya with matching puppy eyes pa.

“Ang isang bagay na hindi ko kayang gawin ay.. ang saktan at iwan si Shaina Crystal Aragon” nakangiting sabi niya.

“Nakabanat ka nanaman Cupcake ha!” tumatawang sabi ko at agad siyang ngumuso, “Hindi ako bumabanat Sprinkle! Totoo ‘yon, you’re my only weakness, parang kryptonite ni Superman.. but in this case.. hindi lang kita weakness, you’re my strength and my everything.. kaya kahit ano man ang mangyari.. kung masaktan man kita.. isipin mo lang na para ‘yun sa kapakanan mo kaya ko ‘yon nagawa” sabi niya.

“Bakit, Cupcake? Iiwanan mo ba ako?” tanong ko sa kanya, “If I have to” sagot naman niya at agad akong umiling, “Never, never leave me” madiin kong sabi sa kanya.

“I can’t promise you that” sabi naman niya, “No, you won’t leave me and I won’t leave you, that’s a promise” sabi ko tapos inangat ko ‘yung pinky ko, “Promise?”

He entwined our little fingers, “Alright, I promise”

“Good.. kasi.. hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwan mo ako Cupcake” I said to him honestly, “Hindi ko rin naman alam gagawin ko kapag iniwan kita o iniwan mo ako eh.. pero kung—” pinutol ko na ang sasabihin niya dahil alam kong sasabihin nanaman niya na kung kailangan ko siyang iwanan o vice versa ay ayos lang sa kanya basta ba para sa kapakanan ko.

“Gusto mo bang sapakin kita? Ang kulit netong lalaking ‘to! ‘Di mo ba ma-gets sinasabi ko, ha? It’s simple! I don’t want to leave you, ever. And I don’t want to live without you, that’s all” sabi ko sa kanya na medyo naiinis na.

Ang kulit kasi, ang point ko lang naman kasi, we’re supposed to get through things like these together, not on opposing sides, we’re supposed to talk this out and think of a solution than trying to solving it ourselves. That’s how a relationship is supposed to be.

He softly laughed and hugged me tightly, “’Wag ka na mainis okay? Ako kasi ‘yung lalaki eh at dapat ako ‘yung prumoprotekta sa’yo” sabi niya.

I breathed out an exasperated sigh, “It doesn’t matter who protects who, I’m not a damsel in distress, Cupcake. Yes, sometimes, I might not be able to protect myself, but that doesn’t mean that I can’t. I am a girl and I know my limits so I know where my boundaries are, so you must too. You know well where your boundaries are, and you’re way behind where my boundaries are set, Cupcake, so I think it’s just right that we do the protecting here” I said.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya, “Okay, fine, I surrender. Mano-nosebleed na ako sa kaka-english natin eh” sabi niya sabay tawa.

“Really, Cupcake? Are you serious?” seryosong tanong ko sa kanya at ngumiti siya bago tumango.

Kinuha niya ang kamay ko at matamang pinisil iyon, “What did I do in my past life that God gave me such a wonderful treasure such as yourself?” nakangiting tanong niya habang tinititigan ako sa mga mata. Leche. Feeling ko naman naliligaw ako sa mga mata niya.

“Corny mo” panira kong sabi na tinawanan lang niya.

----

Author's Note

Pacorny ng pacorny mga dialogue no? HAHAHA XD Pagpasensyahan si Author! HAHAHA XD Gusto ko lang imaginine na si TOOOOT yung nagsasabi sakin ng mga linyang yan hahahaha. XD Parang timang lang eh no?

"Wag mo nang pigilan kung 'yun talaga ang iyong nararamdaman, kung saan ka sasaya, dun ka. Siguraduhin mo lang na gusto mo talaga yan kasi baka kapag may nasagasaan ka, umiyak iyak ka"

- SH ♥ 

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon