Shaina Aragon
"Are you okay?" Seven asked me while holding my shoulders, "Medyo masakit pa ang ulo ko pero okay naman na ako, ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Shai, nahimatay ka daw habang nasa meeting ka sabi 'nung Nash" sabi sa'kin ni Ahri, "Ah.. ganun ba? Wala akong masyadong maalala eh" sabi ko habang hinihimas-himas ang noo ko, Seven gently patted my head.
"Okay lang 'yan baby, get yourself some more rest at home, you need it" sabi ni Seven, ngumiti naman ako sa kanya at tumango, "Tara Ahri, sama ka na sa'min para maihatid ka na" alok ko kay Ahri.
"Sige Shai" sagot niya tapos naglakad na kami papunta sa may parking ng hospital at sumakay sa kotse ni Seven, hinatid muna namin si Ahri sa bahay nito at dumeretso na kami papunta sa bahay namin ni Seven.
Nasa kwarto na kami ni Seven nang bigla siyang magsalita, "Sabi 'nung doctor may na-trigger daw sa utak mo, grief daw. He asked me if nawalan ka ba, ang sabi ko may nagbalik, are you that terrified of him, baby?"
"I don't understand, Seven.. what do you mean I'm terrified?" balik-tanong ko sa kanya, "Dumating lang siya bigla ka nang nahimatay, siya lang naman ang sudden change sa buhay mo, is he something bad for you, baby?" tanong niya ulit.
"Y-Yes.." I answered, "Masama siya para sa'kin.. I am scared of facing him again.. specially now that he's one of my stockholders.." I said truthfully.
Seven held my hand in his, his warmth slowly calming me down, "Then should I still let you go? Do you still want him?" tanong niya pa.
"I don't know" 'yan ang naging sagot ko, kasi totoo, hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung gusto ko pa bang makuha si Nash, hindi ko alam kung gusto ko bang i-risk ang dignidad ko, I'm the one who left him and now I'm going to ask him to go back to me? That's crazy!
He hugged me tight, "Then I'll keep you all to myself baby, I won't let him get near you again" sabi niya while softly caressing my hair.
I don't know why but that moved me to tears, to think that Seven loves me this deeply, I feel comfortable with him, pero 'yung dati ko kasing love na nararamdaman para sa kanya, ibang love na. Hindi na 'yung kasing lalim 'nung dati.
"Seven, why are you doing this?" I asked him, looking at him straight in the eyes, "Because I love you and I don't want to see you suffering" he answered.
"Ayoko ring makitang nagsa-suffer ka, hindi ka ba nasasaktan? Alam mong hindi ganun ang nararamdaman ko para sa'yo, I don't even know if I feel love anymore" sabi ko sa kanya.
He smiled sweetly, "Ayos lang sa'kin ang masaktan, ayos lang sa'kin kahit iwanan mo ako, ayos lang sa'kin kahit paghintayin mo pa ako ng ilang taon. Okay lang ang kahit ano basta para sa'yo, mahal kita eh kaya ako ganito" sabi niya.
Lalo akong naiyak sa sinabi niya, how could he love me this much when I don't have anything to offer him in return? P'ano niya nagagawang sabihin sa'kin ang mga ganitong bagay gayong alam naman niya na hindi ganun ang nararamdaman ko para sa kanya?
He wiped my tears with his hand, "'Wag ka nang umiyak" he said in the sweetest voice, "I love you, baby" ngiti niya sa'kin.
I wish I could just love him back as much, sana kaya ko ring sabihin sa kanya ang mga katagang 'yon na totoo talaga. Kasi deserved na deserved niya ang pinaghihirapan niya pero hindi ko mabigay sa kanya.. I feel guilty. I am wasting his time and efforts.. but I don't know what I'll do if I lose Seven.. Siguro ganun talaga once nasanay ka sa presence ng isang tao.
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?