Chapter 6: Give me a chance..

230 11 0
                                    

Shaina Aragon

>////<! What the actual shiz! ‘Di ko akalaing magagawa ko ‘yun!! I mean.. hindi ko kasi normally ginagawa ‘yon eh!! >///<

I blushed hard, I was looking in another direction, pero nate-tempt akong tignan si Seven.. at ‘nung tinignan ko siya, he had on a goofy smile.. and he was blushing.. hanggang leeg ‘yung pagka-pula niya.

He cleared his throat, “Tara? Last ride na natin, uuwi na tayo pagkatapos” sabi niya, aww.. parang gusto ko pang mag-stay eh..

“Alright..” sabi ko, sumakay kami sa ferris wheel, I feel safe, hindi na ako natatakot, kasi kasama ko si Seven.

Hanggang sa nasa pinaka-tuktok na kami, huminto ‘dun ‘yung ferris wheel, “Shaina..” sabi ni Seven, staring into my eyes. I stared back.

I didn’t speak, I waited for him to continue, he sighed, “Pagkatapos ng araw na ‘to.. everything will change..” sabi niya.

“H-Ha?” naguguluhang tanong ko, “I love you.. alright?” nakangiting sabi niya, tapos dahan-dahan niyang inilapit ang katawan niya sa’kin.. and then he kissed me on the forehead.

“I love you too..” mahinang sabi ko.. anong ibig niyang sabihin? Dahil ba nandyan na ‘yung mga fiancees namin? ‘Yun ba ‘yun?

Hinatid na ako pauwi ni Seven, bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto, “Bye babywife” sabi niya sabay halik sa’kin sa labi, “I love you, goodnight” nakangiting sabi niya, 7 pm na kasi eh.

“I love you too, goodnight” nakangiting sabi ko sabay kiss sa kanya sa cheeks, bumaba na ako at pumasok sa gate.

“Ingat ka..” sabi ko, ngumisi lang siya tapos pumasok na siya uli sa kotse niya.

Nang makaalis na siya ay pumasok na ako sa bahay, “Shaina! Where have you been?” tanong sa’kin ni mama.

Oh shiet! Nag-cutting nga pala ako! >__<

“U-Uhm..” wala akong masabi! “Alright, Nash have been waiting for you..” sabi ni mama, nanlaki naman ‘yung mga mata ko.

“What?!” gulat na saad ko, “Go on, you have to talk with him. He’s your fiancee” sabi niya pa, nagbuntong hininga na lang ako at pumunta na sa sala at umupo sa tabi ni Nash.

Kaharap namin sila mama at papa, “He’s Nash Emmanuel Marquez, your fiancee” sabi ni papa.

“Yeah.. I met him at school” matabang na sabi ko, I didn’t dare look at the guy.

“Well, Nash did tell me that, he said you two were already friends, right?” nakangiting tanong ni papa.

“No” sabi ko naman, “Shaina.. umayos ka nga” sabi ni papa, talagang pinigilan ko ang sarili kong mapa-irap. This is why I hated my father, he manipulated my life. I couldn’t do anything I wanted.

“What the hell do you want?! Can’t me and Seven just end our last year in peace?! WHY DID YOU HAVE TO APPEAR NOW?!” sigaw ko kay Nash, “SHAINA!” sigaw ni papa, nagulat ako dahil sinampal niya ako.

I glared at my dad, then I smirked, “Thanks.. dad” mapait na sabi ko sabay lakad papunta sa kwarto ko.

Bigla ay tumunog ang cellphone ko, “Hello?” tanong ko sa kabilang linya, “Hi babywife.. ayos ka lang?” tanong ni Seven.

“Yes.. b’at mo naitanong?” tanong ko sa kanya, he chuckled, “Kasi ano.. nandito si.. Katherine ba ‘yun? Eh.. medyo sumagot-sagot ako.. nasuntok tuloy ako ni papa” natatawang sabi niya.

Natawa din ako.

“My dad slapped me, solid on the face. But I’m fine” sabi ko sa kanya, “Haay.. kasalanan din naman ‘nung mga fiancee natin.. last year na nga natin eh.. willing naman tayong mag-break ‘pag June 30 na pero atat sila” sabi niya sabay buntong hininga.

“Tama ka diyan babylove.. haayy..” sabi ko, “Well.. I just called to check up on you, bye Shaina.. I love you so much” sabi niya, bakit.. iba ang pakiramdam ko?

“Bye.. I love you so much too” sabi ko tapos binaba na niya ang tawag.

B-Bakit.. parang.. kinakabahan ako?

Hindi ako nakatulog buong magdamag.. kaya ‘nung umaga na ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin.. haggard kung haggard ang itsura ko. May eyebags pa ako.

Napa-buntong hininga na lang ako at dumeretso na sa banyo para maligo, tapos nagbihis na rin ako.

Pagbaba ko, kumakain sina papa at mama, tahimik lang sila, “Anak, kumain ka na muna” nakangiting sabi sa’kin ni mama, “Hindi na po.. busog pa ‘ko” sabi ko tapos naglakad na ako palabas ng bahay.

Bakit wala si Seven? ‘Asan siya? Lumingon-lingon ako sa labas ng gate, imbes na si Seven ang makita ko.. si Nash.

“Shaina.. please.. give me a chance..” sabi niya, nakahawak siya sa kamay ko, “I’m sorry dahil sinigawan kita kagabi.. pero.. naiinis kasi ako sa inyo.. bakit ngayon pa kayo sumulpot?” tanong ko.

Hindi siya sumagot, “Tara na? Ako na ang maghahatid sa’yo from now on” nakangiting sabi niya, sumimangot naman ako, “..Mabuti pang maglakad na lang ako..” sabi ko at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya.

Nagulat naman ako dahil sumunod siya sa’kin, nasa tabi ko na siya ngayon at naglalakad din siya.

Tumigil ako at tumingin sa kanya, “Anong ginagawa mo? Bakit ka naglalakad?” tanong ko sa kanya.

“Ha? Eh.. ihahatid kita eh.. kaso ayaw mo namang sumakay sa kotse ko.. e’di sasabayan na lang kitang maglakad” nakangiting sabi niya.

Ano ba? Hindi ba siya nakaka-gets na AYAW KONG SUMABAY SA KANYA?

Napa-buntong hininga na lang ako, “Do what you want” sabi ko sa kanya at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa terminal ng jeep.

Sumakay ako at sumakay din siya, bahala siyang magka-panisan ang laway namin, ‘di ko talaga siya kakausapin.

Hanggang nakarating na kami sa university, bumaba ako at bumaba rin siya, pumasok na ako sa loob ng university.

At nasaktan ako sa nakita ko, nandoon ang kotse ni Seven at nandun si Seven sa may tabi ng passenger’s seat at pinagbuksan niya si.. Makathi.

Lumapit ako sa kanila, “Seven!” tawag ko sa kanya, “Tara na? Pasok na tayo?” tanong ko na para bang naiiyak na, “Kath.. tara?” nakangiting tanong ni Seven kay Makathi. Makathi looked at me for a second, a smirk on her face.

“Tara” nakangising sabi niya, tapos sabay silang naglakad ni Seven..

“O himala! ‘Di kayo magkasama ni Seven!” sabi ni Android, tumingin siya sa dalawang naglalakad sa hallway.

“Oohh.. sorry dre” sabi niya sabay tapik sa balikat ko, bigla na lang akong naiyak, niyakap naman ako ni Android, “A-Ang.. sakit eh.. ‘di man lang niya ako pinansin.. parang.. ‘di na ako nage-exist para sa kanya..” humihikbing sabi ko.

“At ikaw.. sino ka naman?” tanong ni Android kay Nash.. siguro?

“I’m her fiancee” sagot ni Nash, “Ah.. kung sino ka man, fvck off, ‘wag ka munang manggulo sa kanilang dalawa, aight? They have 6 months left” sabi niya.

‘Di na sumagot si Nash, at ako naman ay umiiyak pa rin habang nakayakap kay Android.

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon