Chapter 11: It's okay

191 9 2
                                    

Nash Marquez

Shit. Hindi ako nakapagpigil! Kanina ‘nung nilagyan ko siya ng kanin sa mukha? Sa totoo lang, ‘dun pa lang gusto ko na siyang halikan!

Shemay naman kasi eh, bakit kasi siya lumingon ‘nung hinipan ko ‘yung tenga niya? ‘Yan tuloy, ‘di ko na napigilan pa ang sarili ko.

Anong mukha ngayon ang ihaharap ko sa kanya? Nakakahiya.

Nagpahangin lang ako sa labas ng bahay nila, tsk. For sure galit siya sa’kin ngayon! Ugh. Kasalanan ko ‘to eh! =__=

Napa-facepalm ako, “Ang tanga tanga mo naman kasi eh.. bakit mo ginawa ‘yon?” bulong ko sa sarili.

“Don’t blame yourself” sabi ng isang boses na nagpabilis ng tibok ng puso ko, “W-Wha?” naibulalas ko.

Naramdaman kong dahan-dahan niya akong niyakap mula sa likod, “’Wag mong sisihin ang sarili mo.. wala kang ginawang masama.. besides, you’re my fiancee right?” sabi pa ni Shaina.

What? Is she telling me na okay lang sa kanya ‘yung nangyari?

“Shaina?” sabi ko nang humarap ako sa kanya, “Sigurado ka bang okay lang ‘yun sa’yo? Diba... iba ang mahal mo?” tanong ko sa kanya, aray. Kumirot puso ko sa sinabi ko.

Tumango siya, “I don’t know why either.. pero.. I didn’t feel any resistance within me” sabi niya.

Niyakap ko siya, “Is this good news?” nakangiting tanong ko sa kanya habang mahigpit siyang niyayakap, “I don’t know.. but.. I can feel my emotions changing..” sabi niya.

“Progress na ‘yon” nakangiting sabi ko tapos pinakawalan ko na siya, “Sige na, pasok na tayo, baka mamaya ma-late pa tayo” sabi ko tapos tumawa ako.

“Hahaha! Tama tama, tara” nakangiting sabi niya, pinindot ko ‘yung alarm ng kotse ko para mag-unlock ang mga pinto nito at pinagbuksan ko si Shaina.

“Thanks” nakangiting sabi niya tapos—

O__O Did she just kiss me on the cheeks?

“Y-You’re.. we-welcome” mahinang sabi ko tapos dahan-dahan kong isinara ang pinto niya.

Medyo lutang akong pumunta sa side ng driver at sumakay tapos pinaandar ko na ang makena at nag-drive na papunta sa university namin.

Nang makarating na kami ay pinagbuksan ko uli ng pinto si Shaina, tapos ni-lock ko na ang kotse ko at naglakad na kami papasok ng uni.

Nakasalubong namin sina Seven sa daan, nakita ko kung paanong magbago ang kanina’y masaya niyang mga mata.

“Hi Seven” nakangiting sabi ni Shaina, nakangiti siya pero iba ang sinasabi ng mga mata niya.

“Hey Shaina” sabi naman ni Seven na nakangiti rin, “Hi Nash! Musta naman kayo ni Shaina?” nakangiting tanong sa’kin ni Katherine. Simula ‘nung highschool ay magkakilala na kami, at sa totoo lang, ayaw ko sa ugali niya.

“Mabuting-mabuti” nakangiting sagot ko, “O sige mga dre, male-late na kami sa klase eh” pagpaalam ko tapos hinawakan ko si Shaina sa kamay, “Let’s go” nakangiting sabi ko sa kanya tapos naglakad na kami palayo sa dalawa.

Pumunta na kami sa unang class namin, ‘andun na rin ‘yung kaibigan niyang si Andrew na kaklase rin niya sa klaseng ito.

“Android! Hi, goodmorning!” nakangiting bati sa kanya ni Shaina nang makaupo kami sa tabi nito.

“Goodmorning Shaina, mukhang nagkakamabutihan kayo nitong si Nash ah” nakangiting sabi ni Andrew.

“Hehe, syempre! Mabait kaya ‘tong si Nash! ^o^” sabi niya habang nakayakap sa braso ko, my heart beat faster again.

Tumawa na lang ako, hindi ko naman kasi alam sasabihin ko eh. Pumasok na ‘yung professor namin at nagturo na, tapos nagkaron kami ng activity.

“This will be a debate about who is more superior, the men or the women” sabi ng professor, “Girls, please go to the right side and boys, on the left” sabi ng prof.

Tulad ng utos nito, nagsi-lipat ng mga upuan ang mga babae at lalaki, “You have 20 minutes to discuss your personal ideas and then I need 4 representatives to come here in the front” sabi pa uli ng prof.

Nag-discuss kaming mga lalaki ng mga dahilan kung bakit kami ang mas superior kaysa sa mga babae for 20 minutes at nang matapos na kami, napili ako as one of the representatives.

Nang tinawag na ng prof ang mga representatives ay pumunta na kaming apat ng mga kasama ko sa harapan, mukhang isa rin pala si Shaina sa mga representative ng kabilang grupo ah.

“Alright, girls, kayo na muna” sabi ng prof, si Shaina ang nagsilbing leader ng mga representatives at siya ang unang nagsalita.

“Women are more superior than men because they don’t act directly based on their instincts but instead think it over with their heads, there is also a saying that ‘Behind a successful man is a woman’” panimula ni Shaina.

Tumango si prof.

“So, your counter?” tanong ni prof sa’min, “Sir, men are more superior because they have excellent strength for different activities and also, we believe that men are more superior because Eve is the one who made Adam eat the apple” kontra naman ng isa sa mga kasama ko.

“Well then, that just shows that women are more superior because Adam followed Eve’s instruction, and besides, men say they’re better than women in driving, then may I ask why most of the time, men are the ones who are involved in accidents?” sabi naman ni Shaina.

Hanep ah, mukhang siya lang ang may balak magsalita.

Marami pa kaming mga in-open na topics hanggang sa matapos na ang debate, “So for this debate, the girls get the upper hand” sabi ni sir.

“Pero sa totoo lang, men are more superior, ‘wag na nating pag-awayan ‘yang bagay na ‘yan kasi that’s how it’s supposed to be, pero eto lang tandaan niyong lahat, lahat tayo ay may mga positives and negatives, depende na lang sa’tin kung paano natin sila gagamitin at pagyayamanin” nakangiting sabi ni prof.

“Wow prof! Daming hugot!” sabi ng isa sa mga kaklase namin na ikinatawa naming lahat, “Alright, that’s all for today” sabi ni prof tapos nagsilabas na kami ng classroom niya.

Pumunta kami sa next class namin na P.E, ang P.E namin ay social dances. Sa class na ‘to, kaklase namin sina Katherine at Seven.

Hinawakan ko lang ang kamay ni Shaina para kahit paano ay mapanatag ang loob niya.

Pinagsayaw kami ng prof ng waltz tapos ng tango tapos ng cha-cha, kami ang magka-partner ni Shaina syempre.

Natatawa nga kami ‘nung chacha kasi natatapakan namin ‘yung mga paa ng isa’t-isa kaya madalas din kaming pagalitan ng prof, pero ‘nung winarningan na kami na bibigyan ng minus sa grades ay nagpakatino na kami pero minsan, ‘di pa rin namin mapigilang matawa kasi ang seryoso ‘nung mga mukha ng mga kaklase namin.

------

Author's Note:

Salamat guys sa paghihintay ha! :) So it's here, ang Chapter 11 ng CYBMF. :D Currently working on later chapters kaya sunog kilay nanaman iteeyy!! >__<

Salamat po sa mga nagbabasa ha. :) Nagiging exciting na yung naiisip kong plot. HAHAHAHA XD Go with the flow lang po kasi ako magsulat eh. XD Pero syempre, pinagiisipan ko pong mabuti kung idadagdag or not. :D

Yun lang guys!

- SH ♥

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon