Chapter 5: I LOVE YOU!!!!

284 13 0
                                    

Seven Madrigal

“So saan na tayo?” tanong ko kay Shaina, she shrugged. “Ikaw, saan mo ba gusto?” balik-tanong niya, natawa naman ako. Baliw ‘to. Kaya nga ako nagtatanong kasi ‘di ko rin alam kung saan na kami pupunta.

“Ah! Alam ko na” nakangising sabi ko, bwahahaha. For sure, ‘di pa nakakapunta sa ganung lugar si Shaina.

“Tara, ‘dun na tayo sa kotse” nakangiting sabi ko sa kanya, she just looked at me weirdly but I just gaved her a reassuring smile.

“Ang weird mo ha.. feeling ko tuloy may pina-plano ka” sabi niya nang makapasok na siya, “Wala ah..” sabi ko tapos isinara ko na ang pinto niya at pumasok naman ako ‘dun sa driver’s seat.

Nag-drive na ako, pupunta kami sa...

“WHAT THE EF SEVEN!! Ayaw! AYAW KO DITO!! Huhuhuhuhu!! THIS IS HARASSMENT!!” parang ewan na sigaw niya nang makita kung saan ko siya dinala, dinala ko lang naman siya sa Enchanted Kingdom.

Hindi pa siya nakakapunta dito kasi nga, ayaw na ayaw niya sa mga rides.

“Harassment ka diyan? Tumigil ka nga! Hahahaha, tara na!” sabi ko sabay kuha sa kamay niya, tapos pumunta na ako sa isang booth para bumili ng ride all you can tickets.

Nang makabili na ako ng mga ticket namin ay pumunta na kami sa entrance ng Enchanted Kingdom, dahil nga sa weekday, wala masyadong tao sa EK, pero syempre, marami-rami pa rin, pero at least, hindi sobrang haba ng mga pila.

“AYAW. AYAW KO TALAGA! HUHUHU. SEVEN NAMAN EH!!” sabi niya habang nasa pila kami sa Up, Up and Away.

“We’re already here, babywife, no backing down” sabi ko sa kanya.

Nag-pout naman siya dahil sa sinabi ko, PDA na kung PDA, hinalikan ko siya, “Tss. Walangjo ka talaga. Tss. Malandutay!” sabi niya habang naka-cross arms siya.

“Sus.. nagtatampo pa.. trust me babywife, you’ll like it here.. I promise, I’ll be here.. as your parachute, kung sakaling may mangyari mang masama sa’yo, I’ll make sure you’ll land safely” nakangiting sabi ko sa kanya.

Nag-blush naman siya dahil sa sinabi ko kaya pinisil ko ang pisngi niya, ang cute niya kasi eh! Hahahaha. Kaya mahal na mahal na mahal ko siya eh.. :)

“WAAH! Ayoko na talaga!! T__T” sabi nanaman ni Shaina nang makasakay na kami sa isa sa mga hot-air balloons, “Sssh! We’ll be fine, okay? Just enjoy the ride, I promise.. you’ll enjoy every moment” nakangiting sabi ko sabay kindat.

“...Fine” sabi niya, kasi unti-unti nang umaangat ang mga hot-air balloons, naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko, I squeezed it back, “You won’t fall, if you did, I’ll fall with you” nakangising sabi ko, “Sus. Bumanat pa” sabi niya.

And boom, nag-start na ang ride, ‘nung una, natatakot pa si Shaina, hanggang sa na-enjoy na niya ang ride, “Woohoo!! Nakakahilo! Hahahahaha! Ang ganda ng view o! Woohoo!!” sabi niya habang nakataas ang mga kamay niya, I smiled, “See? Told you you’d like it” sabi ko naman.

Maya-maya pa ay natapos na rin ang ride at bumaba na kami, sunod naming sinakyan ang carousel. Wahahaha! Para daw bawas kaba, natakot pa rin daw kasi siya ‘dun sa Up, Up and Away eh.

Pagkatapos ng carousel, sa bumpcars naman kami sumakay, lagi ko siyang binubunggo, at dahil hindi siya marunong mag-drive, hirap na hirap siyang paandarin ‘yung bump car niya. Wahahaha! Nakakatawa lang ‘yung itsura niya habang try hard siyang paandarin ‘yung bump car niya.

Sunod naming pinuntahan.. kahit na halos mahimatay na siya habang nasa pila kami.. ay ‘yung Space Shuttle. Sa totoo lang, first time kong sasakay dito.. kahit kasi ako, takot din akong sakyan ‘to.

Pero dahil katabi ko this time ang babaeng mahal ko.. why not diba? Hehe.

Hanggang sa nakaupo na kami sa may bandang gitna, syempre, magkatabi kami, may sinabi sa’kin si Andrew eh.. gagawin ko nga.

“Waah!! Seven naman kasi eh!! Sabi nang ayaw ko dito eh!!” sabi niya habang nagpa-panic na sa upuan niya, “Babywife.. ssh, okay? Hahaha. Mamaya ka na sumigaw kapag umandar na” sabi ko naman sa kanya habang humahalakhak.

“Tss. Ang yabang nito! Pektusan kita diyan eh! Baka mamaya mas tumili ka pa kesa sa’kin!” sabi naman niya, tumili? Ano ako, bakla?!

“Wahahaha. Babywife.. alam mong hindi ako bakla para tumili” nakangising sabi ko sa kanya, she pouted, I smirked wider, “A deal’s a deal” sabi ko sabay halik sa labi niya.

She blushed and hit me hard on the shoulder, “Ano ka ba! Ang PDA mo talaga!” sabi niya, ngumisi naman ako, “Like I said, a deal’s a deal” sabi ko sa kanya sabay kindat.

“Kyaa!! Ang gwapo mo po kuya!! Pwede po pa-kiss? >///<” biglang sabi ng isang babae sa likod ko, O__O

What the fvck? Nag-glare naman ‘dun sa babae si Shaina, “Hey miss.. he has a girlfriend. Back off” sabi niya ‘dun sa babae, pero ‘di nagpatinag si Miss Malandi.

“C’mon.. just one?” sabi niya na may seductive smile sa labi, well, I for one, is not easily seduced. Kasi loyal ako kay Shaina eh.

“Kahit pa isa, hindi pwede. Mahal ko ‘yung katabi ko eh” nakangiting sabi ko sabay kindat kay Shaina, she blushed even more. Hahaha! Mukha na siyang kamatis!

“Tss. Sinasabi mo lang ‘yan kasi nandyan siya” sabi naman ‘nung babae, what the fvck. Ano bang problema nito?

Biglang may tumunog, haay sa wakas, aandar na rin ‘tong Space Shuttle na ‘to!

“Waah!! Seven!! Aakyat na!! Huhuhu” sabi ni Shaina na naghi-hysterical na.

Tahimik lang ako, kasi sa totoo lang, nate-tense din ako, hinintay kong bumaba.. at ‘yun na nga. Bumaba na.

AAAAHHHH!!!!!! Nakakatakot!! Bwiset!! ‘Yung kaluluwa ko nasa langit na!!

P-Pero.. kailangan kong gawin ‘yung sinabi ni Andrew!!

“SHAINA CRYSTAL ANGELES ARAGON!! I LOVE YOUU!!!!!!” sigaw ko to the point na baka mapaos ako mamaya, pero syempre, parang medyo imposibleng marinig niya ako kahit katabi niya ako, sa sobrang lakas ba naman ng mga ‘KYAAA!!’, ‘WAAAHH!!!! MOMMYY!!!!’, ‘HUHU!! BAKIT BA AKO SUMAKAY DITO?!!!’ na mga sigaw, parang imposible nang marinig niya ako.

“SEVEN CHARLES CARILLO MADRIGAL!!!! I LOVE YOU TOOO!!!” sigaw naman ni Shaina, ay bwiset na pakwan. Kinilig daw ako? Tss.

At biglang nawala lahat ng takot ko sa ride, nag-enjoy ako, “WOOHOO!! ANG SAYA!!!” sigaw ko, hinawakan ko ‘yung kamay ni Shaina tapos itinaas ko sa ere.

Hanggang sa natapos na ang ride, “Eehh!! Ang saya pala sa Space Shuttle, no Seven?” nakangising tanong sa’kin ni Shaina.

“Are you mocking me, babywife?” I asked with a deadly smile, “No...” nakangisi paring sabi niya, I went nearer.. and nearer.. and she kept walking away.. and away..

And when I was in front of her, I started to tickle her on her stomach, “Kyaa!! S-Seven!! Stop!!” tumatawang sabi niya.

“Waaahh.. hahahahahahahaha!! Nooo!! Stop stop stop!! Hahahahahaha!!!” sabi niya, tumatawa na rin ako. Ang kulit kasi ng mukha niya eh.

Biglang napatid si Shaina sa isang bato, buti na lang at alerto ako at nakuha ko ‘yung kamay niya, ‘yung isa kong kamay, naka-alalay sa likod niya.

“Be careful.. if you get hurt, it hurts twice on me” sabi ko sa kanya, she blushed, inalalayan ko siyang tumayo nang maayos.

“Thanks” sabi niya sabay kiss sa’kin sa cheeks.

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon