Chapter 14: Different Things

200 9 0
                                    

Seven Madrigal

“Seven? Are you alright?” nag-aalalang tanong sa’kin ni dad, tumango lang ako sa kanya at dumeretso na sa kwarto ko.

The moment I got to my room, my phone rang, halos liparin ko na sa bilis ng paglapit ko dito.

Tinignan ko kung sino ang caller, ah.. si Kath lang pala.. akala ko kasi si ano eh..

“Hello?” sabi ko, “Seven! Nakauwi ka na ba?” tanong niya, napa-irap ako, “Baliw ka ba? Alangan! Alam mo namang iniiwan ko cellphone ko sa bahay” sagot ko sa kanya.

“Ang sungit mo naman! Pwede ka ba bukas?” masayang tanong niya, “Malamang, may pasok bukas, ikaw nanaman kasama ko” sabi ko.

“Ba’t parang ayaw mo?” nagtatampong tanong niya, “Pake mo ba? Ano bang meron bukas?” masungit na tanong ko.

“Tsk. Birthday kasi ni mommy, sama ka?” tanong niya, “Ha, asa ka pang sasama ako sa’yo Kath, mamuti sana mata mo kakahintay na pupunta ako” sabi ko.

“Bakit ka ba kasi ganyan sa’kin?!” sigaw ni Kath sa cellphone, “Ano sa tingin mo? Putek kasi eh! Dahil sa inyong mga bwiset kayo, nagkahiwalay kami ni Shaina!” galit na galit na sabi ko.

“Bakit mo ba ako sinisisi?! Diba si Shaina na rin ang nagsabi?! Binigyan ka niya ng oras na pumunta pero hindi ka pumunta!” ganti naman niya.

Sandali.. paano niya nalaman?

“Ba’t mo alam?” nagtatakang tanong ko sa kanya, “U-Uh... um.. s-sina—” utal-utal na pagsisimula niya.

“So.. nagsisinungaling ka pala nung sabi mo na pinapapunta ka niya...” sabi ko.

“H-Hindi! T-Totoo ‘yon!” desperadang sagot ni Kath na ikinatawa ko, “I’m telling you right now Kath, tigilan mo na ako, simula ngayon, ipaglalaban ko na si Shaina, ako na mismo gagawa ng paraan para siya ang maging fiancee ko” sabi ko.

“T-Teka! Sandali! Hindi pwede ‘ya—” pinutol ko na ang tawag, I don’t want to hear anymore of her shit.

Humanda ka Nash Marquez, the fight is on. Hinding-hindi ko hahayaan na mapasaiyo si Shaina.. akin lang siya..

Shaina Aragon

Wooooh! Ang sarap ng tulog ko! Natikman ko, lasang sundae! ♥

Biglang nag-ring ‘yung cellphone ko kaya sinagot ko, “Goodmorning Nash!” nakangiting sabi ko.

“Nash? Hindi ako si Nash, si Seven ‘to” parang galit na sabi ni Seven, ayyyy. ‘Di ko kasi nakita ‘yung caller eh.

“Ganun ba? Sorry naman, hahaha” sabi ko na lang, “Tsk. Babatiin pa naman sana kita ng goodmorning kaso what’s good in the morning now? Putek” sabi ni Seven, wow ha. Ang ganda ganda ng araw tapos magmumura siya? Ano siya, sinuswerte? Ay mali, minamalas? Bwiset.

“’Wag ka ngang magmura dyan!” saway ko sa kanya, “Tss, alam mo namang madalas ako magmura, parang ‘di ka nasanay sa’kin ah” sabi naman niya.

“Nasanay kasi ako kay Nash” kinikilig na sabi ko, “Ugh! Fuck!” sabi niya, “Ano nanaman?!” sigaw ko sa kanya.

“Whatever. Bye!” matigas na sabi niya sabay baba ng tawag, baliw talaga. Tatawag-tawag wala namang matinong topic, parang ewan lang. =__=

Nag-ring uli ‘yung cellphone ko, this time, just to be safe, tinignan ko na ‘yung caller and yaaayy! Si Nash! ♥

“Goodmorning my angel” sabi niya, kyaaa!!! Ang sarap pakinggan~

“Goodmorning Nasssshh!! ^__^ Badterp ‘yong si Seven, tatawag-tawag tapos magmumura lang pala” parang batang pagsusumbong ko sabay pout.

Tumawa siya, “Bakit? Ano bang sinabi mo?” tanong niya, “Eh kasi eh.. sinagot ko ‘yung tawag tapos nag-goodmorning ako kay Nash kasi akala ko ikaw pero si Seven pala tapos nagmura.. tapos ‘nung susunod na ano, sabi ko kasi.. uh.. nevermind! Hehe ^__^” sabi ko.

“Ano ‘yon?” tanong niya, “W-Wala nga! >///< ‘Wag kang makulit!” sabi ko sa kanya, “Tss.. tampo na ‘ko” sabi niya.

“S-Sabi ko kasi ‘wag siyang magmura, tapos sabi niya a-ano daw.. p-para daw ‘di na ‘ko nasanay sa kanya.. tapos.. tapos..” sabi ko.

“Tapos?” sabi niya, “T-tapos.. sabi ko.. n-nasanay kasi ako.. s-sa’yo eh...” nahihiyang sabi ko.

Tumawa nanaman siya, hindi na ako magtataka kung maging baliw ang mga anak namin.

ANAK?! MGA?! ABA’T TALAGANG GUSTO MONG MARAMI SHAINA!

Waaah!! Mga pinag-iisip ko!! T___T

“I love you Shaina” sabi niya, “T-Thank you” sabi ko kasi hindi ko alam kung magI-I love you too ako kasi masyado akong nahihiya.

“Aray! Thank you zoned! Awwwtssuu!! Hahahaha, dejoke, ayos lang ‘yon Shaina, I’ll see you in.. um.. 2 hours? Get ready, be careful, I love you” sabi niya.

 Nag-init ang mga pisngi ko, “Alright, I l-lo—” pero bago ko pa man masabi ang I love you too ay pinutol na niya ang sasabihin ko.

“Sshhh, don’t say it when you still don’t feel that way” sabi niya, “Ha? Diba sinabi ko na na mahal na kita kahapon?” tanong ko sa kanya.

“You did, but actions speak louder than words, Shaina, you still don’t love me, you just like me, those two things are different” sabi niya.

“Alright, get ready, I love you” sabi niya uli.

“Bye” sabi ko sa kanya, “Bye, angel” sabi niya tapos binaba ko na ang tawag.

Seven Madrigal

Aagghh! Nakakainis!! Talaga bang wala na akong tyansa kay Shaina? Mahal na ba niya ‘yung Nash na ‘yon?!

“Sir, handa na po ang agahan, bumaba na po kayo” sabi ng isang maid na kumatok sa pinto, “Sige, salamat” malumanay na sabi ko naman.

Nagmumog muna ako bago ako lumabas ng kwarto ko at dumeretso papunta sa hapag, “Goodmorning son, kamusta ang tulog mo?” nakangiting tanong sa’kin ni dad.

“Ayos naman po, dad?” sabi ko, “O, bakit?” tanong naman niya, “P’ano po ba.. makuha uli ang pagmamahal ng isang babae?” tanong ko.

“Hm.. nung highschool kami ng mommy mo.. naaalala ko noon.. lagi siyang may manliligaw kasi sobrang ganda ng nanay mo, nung naging kami, nabawasan ‘yung mga manliligaw niya” simula ni dad.

“Dad? Ano pong tinutumpok niyo?” tanong ko na ikinatawa nito, “Kapag nag-aaway kami, malalaman ko na lang na may ibang lalaki na nagpapasaya sa kanya, in terms na sinasamahan siya” sabi niya.

“Kaya ang ginagawa ko, kahit hindi niya ako pinapansin, nilalapitan ko pa rin siya at lagi kong niyayang kumain o kung anuman, lagi ko siyang tinatanong kung kailangan ba niya ng tulong, at kapag maglo-locker siya, bumubuntot ako sa kanya, tapos.. hm.. pinagluluto ko rin siya ng lunch niya, kaya ‘yung original na lunch niya, either pinamimigay na lang niya or kakainin pa rin naming dalawa kapag gutom pa rin kami” sabi ni dad.

“Bakit anak? Gusto mo bang makuha uli si Shaina?” tanong niya, tumango ako, “Alam ko pong gusto niyo akong maikasal kay Katherine pero po.. si Shaina po talaga ang mahal ko at siya lang ang babaeng kayang pasayahin ang malungkot kong puso” sabi ko.

“I understand” nakangiting sabi ni dad.

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon