Chapter 2: Android

453 17 0
                                    

Seven Madrigal

Pagkatapos naming kumain, sumakay na kami sa Porsche kong sasakyan, I glanced at my watch, hindi ako nag-aalalang late na ako.. hindi ako petiks, sa totoo lang, mahilig akong mag-aral, laging matataas ang marka ko, pero ngayon? Hindi ako nag-aalala sa grades ko... kasi kasama ko ang babaeng mahal ko. Si Shaina Crystal Angeles Aragon.

She sighed again, I looked at her, “Problem wifey?” tanong ko, kina-career na namin ang ganyan kasi.. hindi kami ang magkakatuluyan.

“I’m just... ugh! You know, malapit na tayong matapos! Ayoko eh... kaso..” malungkot na sabi niya, it hurts to think that as well.

“Kaso kailangan. Kaso responsibilidad nating pakatawanan ang pangalan ng pamilya natin. Kaso nakalaan na tayo para sa iba, yeah, I know, it sucks to think about it” sabi ko at ngumiwi, she held my hand, firmly.

“Seven Charles Carillo Madrigal.. tandaan mo ha, kahit pa sa iba ako ikakasal.. ikaw lang ang gusto kong makasama habangbuhay, gusto kong tandaan mo na ikaw lang talaga ang tunay kong minamahal. Okay?” sabi niya nang nakangiti at nakaharap sa’kin, I simply smiled and nodded.

“Tatandaan ko ‘yan babywife, basta ba tandaan mo rin.. kahit pa sobrang sexy ‘nung fiancee ko.. hinding-hindi ko siya gagalawin kasi kung may gusto man akong galawin, ikaw lang ‘yun” sabi ko sabay kindat, humarap na uli ako sa kalsada at natawa kasi hinampas niya ako balikat.

“Napaka mo! Hmph. ‘Di ka naman seryoso eh!” sabi niya, tumingin uli ako sa kanya, hehe. Nag-pout siya! Iginilid ko sandali ‘yung kotse sabay kiss sa kanya sa lips, halatang nagulat siya, tapos bigla siyang nag-glare sa’kin.

“Ikaw ha..” sabi niya, “Hehe. Remember the deal wifey~ Anyway, seryoso ako, kasi kahit pa ikasal ako sa kung sinuman na fiancee ko.. ikaw lang ang mahal ko at kahit kailan, wala akong gagawin na dapat ay sayo ko lang ginagawa” sabi ko, pinaandar ko na uli ang kotse at nag-drive.

“Sus!” ‘yan na lang ang nasabi niya, hehe. For sure kinikilig nanaman ‘tong babywife ko.

Narinig kong mag-ring ang cellphone niya, parehas kami ng cellphone, parehas rin kami ng ringtone, hindi ko nga alam kung paano namin nagagawa na alam namin kung kaninong cellphone ‘yung nagri-ring eh. Siguro ganun talaga ‘pag lagi kayong magkasama?

Sinagot naman niya ‘yung tawag, “Hello?” tanong niya, hindi uso sa kanya tignan ang caller eh.

“Oh my god! Shucks! I’m so sorry!! Waah” sabi niya, hm.. bakit kaya?

“Waahhh!! Android!!! ‘Wag mong sabihin kay sir na bigyan ako ng failing grade!! Waaahh!!” sabi niya sa kausap niya, Android? Haha. I know who that is, that’s Andrew Melaverde. Android ang tawag ni wifey sa kanya.

“Eehh!! Na-late na nga ako eh tapos waahh!! Ang sama mo talaga Android! Haayysssh” sabi nanaman niya, ‘di ko na napigilang matawa.

“Andrew! ‘Pag ‘yang babywife ko pinag-tripan mo.. ‘di ako magdadalawang isip na i-bankrupt kayo” pagbabanta ko habang nakatingin pa rin sa kalsada, pero joke lang ‘yan. Hahaha. ‘Di ako seryoso, ‘di naman ako masamang tao.

“Yaay!! Talaga Android? Hihi. Thank you!! Yeah yeah, love you too~” sabi ni babywife, tumingin ako sa kanya, “Did I hear that right?” tanong ko na pinaniningkitan siya ng mata.

She laughed nervously, “Babylove!! ‘Wag ka na a-tampo!! Hihi. Friendly gesture lang ‘yon!” sabi niya, haayy... kasalanan ko bang possessive ako sa kanya kasi talagang mahal ko siya nang sobra-sobra?

“So okay lang din na mag-love you ako sa ibang girls?” I asked, napasinghap siya, “That’s off limits Seven!” sabi niya, I smirked, “So that’s off limits for you too Shaina” sabi ko.

“Alright~ I give up, I’m sorry babylove! Hindi na mauulit. Honesto, promise!” sabi niya, natawa na lang ako, hindi naman talaga ako nagalit or nagtampo, I just want to tell her na it’s not right. Dapat hindi siya nagsasabi ng ganun sa ibang lalaki, kasi baka mamaya, mali ang mainterpret nila.. baka kung ano pang mangyari.. and besides, akin lang siya.

“Hehe. I love you babywife” sabi ko, she kissed me on the cheeks, “I love you too babylove” sabi niya, at sa wakas, nakarating din kami sa university.

Shaina Aragon

I checked my schedule, oh shucks! Physics pala ang next! Terror pa naman ang teacher ko ‘dun! Well, magka-iba kami ng class ni Seven, siya sa Computer daw. Haayy. Sayang! Gusto ko pa siyang makasama eh..

Pumunta ako sa room for Physics, ‘dun ako umupo sa may gilid, sa may pinaka-likod, well, participative ako sa klase, pero mas type ko ‘dun sa likod.

Pumasok si Android na may kasamang babae, oo, playboy ‘yan, pero bestfriend ko ‘yan, umupo siya sa katabi kong upuan, tapos ‘yung babae niyang kasama.. well, tinaboy niya. Heartbreaker ‘yan eh, ‘di lang dumadamoves sa’kin, friend din kasi siya ni Seven, at nagkakilala lang kami dahil kay Seven, pero ang galing diba? Kami ang naging mag-bestfriends. Wahahaha.

“Kawawa naman si girl! B’at mo tinaboy?” tanong ko sa kanya, “Hayaan mo ‘yun.. malandi ‘yun eh, marami pa siyang makikitang iba” sabi niya, tapos dumating naman ‘yung professor na terror at nagsimula na siyang mag-lesson.

After 4 hours, sa wakas, free time ko na uli, si Android, hindi pa, may klase pa siya uli, pinagkasunduan namin ni Seven na parehas kami ng mga free time, pero hindi talaga namin mapilit na magkaparehas ang mga oras ng classes namin. Sayang nga eh. >__<

I checked my phone, “See you sa usual babywife. I love you. :*” ‘yan, ganyan si Seven, hindi niya nakakaligtaang mag-I love you sa’kin. Siya rin nagsabi sa’kin na kapag mahal mo ang isang tao, I love you dapat ang sabihin mo, kasi ibig sabihin, mahal mo siya, ‘pag love you lang.. iba daw ang dating, parang love you lang, simple lang. Parang biro-biro lang. Pero malay ko ba diyan kung bakit nagtampo ‘nung sinabi ko kay Android ‘yung love you too.

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon