Chapter 16: I'll tell you later

181 11 0
                                    

Shaina Aragon

Matapos ang malandot naming scene ay pumunta na kami sa klase namin, halos lahat ng madadaanan naming tao ay tumitingin sa’min na para bang naiinggit sila sa kung anong meron kami ni Nash.

“O, buti naman ayos na kayo” natatawang sabi ni Android nang makarating kami sa klase namin, tumawa na lang din kami ni Nash, parang timang lang ‘yung nangyari sa’ming away eh. Hahaha.

Umupo kami sa magkatabing upuan, maya-maya pa ay pumasok ng room si Seven.. weird, may klase ba siyang ganto?

Nakita ko kung paanong may hinanap siya, at mukhang kami ang hinahanap niya, lumapit siya, “Hoy kupal, dyan ako” sigang sabi ni Seven kay Nash habang tinuturo ang katabi kong upuan.

I glared at him, “Baliw ka ba Seven?! Kita mong nakaupo si Nash eh” naiinis na sabi ko sa kanya, “Ano pare? Bakla ka? Kailangan si Shaina pa magtatanggol sa’yo? Hahaha, eh wala ka palang kwentang lalaki eh! Lakas ng loob mong agawin siya sa’kin ‘tas makikita ko lang na ganto? Hahaha, pucha!” sabi niya na nang-aasar.

I stood up and I was going to slap him when Nash did it first before me, he punched Seven making him hit the wall, “Sus, ang hina mong sumuntok, ano ‘yang kamay mo? Kamag-anak ni Barbie? Hahaha” nang-aasar na turan niya.

Lahat ng mga kaklase namin ay nag-panic at tumingin sa’min, pumunta si Android kay Nash para pigilan siya, “Pare, ‘wag kang papaapekto, pinapalabas niya na ikaw ang masama” narinig kong bulong ni Android.

Ayysh! G*go ka Seven! ‘Wag mong ginaganyan si Nash! Kilalang-kilala mo kung paano ako magalit!

I walked towards Seven, he looked at me and smirked.

I held his hair in my hand, “’Wag mong gaganyanin si Nash, Seven, alam mo kung paano ako magalit, alam mo kung ano ako dati” I whispered threateningly, “Kung ayaw mong basagin ko ngayon din ang bungo mo” I added harshly.

“Heh, ‘di ko akalaing ipapakita mo uli ‘yang.. dati mong anyo, Shaina, ‘di ko akalaing gagawin mo ‘yan para sa isang lalaki” he said with a smirk, ‘di man lang natatakot sa banta ko. Akala ba niya hindi ako seryoso? Hah, makikita natin Seven, makikita natin.

“Babangasan kita o ititikom mo ‘yang bunganga mo?” nakangiting tanong ko sa kanya, slightly putting distance between us, “NASH! BAKLA KA! TANGNA MO!” biglang sigaw ni Seven.

Aba’t talagang sinusubukan mo ako?

I tugged harder on his hair and pulled it downwards and kicked him solid in the face with my knee.

“G*go” I said solemnly, everyone else gasped from what they witnessed, well I don’t care, basta hindi niya gagantuhin si Nash.. wala siyang karapatan.

I walked away from him and turned to pay attention to Nash, “Okay ka lang?” tanong ko sa kanya, halatang gulat siya sa nakita niya kanina.

“A-Are you okay?” tanong naman niya, I smiled and nodded, “P-P..Bakit?” tanong niya.

“I’ll.. tell you later” sabi ko sa kanya.

I turned to look at Seven whose nose is bleeding, “I can’t believe you’d actually hurt me for Nash Marquez, Shaina.. ‘wag kang mag-alala.. babalik ka din sa’kin” he said and then he snickered so evilly, it brought chills down my spine.

“Hindi na ako babalik sa’yo Seven, itaga mo sa bato” sabi ko sa kanya, he just shrugged it off and went outside the room.

“M-Monster..” mahinang sabi ng isa kong kaklase kaya tinignan ko siya, agad naman siyang lumingon palayo.

Seven Madrigal

I was laughing, I won, Shaina! I won! Humanda ka Nash.. makukuha ko uli si Shaina.. akin lang siya.. akin..

“Mali ang ginawa mo na sugurin ako Shaina.. kahit kailan hindi ka nangahas na ipakita ang totoong ikaw para sa’kin pero para sa kanya ginawa mo? Hahaha, ‘wag kang mag-alala babywife.. simula ngayon.. para sa akin mo na lang uli gagawin ‘yon” I said with an evil smile pasted on my face.

“S-Seven!” narinig kong may tumawag sa’kin, nakangiti akong lumingon thinking it was Shaina, agad akong napasimangot nang makitang si Katherine pala ito.

“Anong kailangan mo?” madiin kong tanong sa kanya, “Your nose is bleeding, are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa’kin, attempting to touch my face, I slapped her hand away.

“Don’t touch me, si Shaina lang ang pwedeng humawak sa’kin, and about your question, fix your eyes, f*cking hell, do I look okay? Idiot” sabi ko sabay lakad uli papuntang clinic.

“Oh god, he’s crazy” narinig kong bulong niya, I grinned, that’s right Katherine. I’m crazy for one girl, Shaina Crystal Aragon.. I swear she’ll be mine again.. only mine..

Pumasok na ako sa clinic at nandoon ang nurse, “What happened to you?” tanong ng nurse habang tinitignan ako, “Got punched, no biggie, just fix me woman” masungit kong sabi.

She chuckled, “How cute” sabi niya tapos kumuha siya ng cotton ball at pinunas sa dumudugo kong ilong.

“Ano? Kaya mo na bang bumalik ng klase?” tanong niya, I nodded, “Like I said, no biggie. Malakas ako, kayang-kaya ko ‘to” sabi ko.

“Aww, you won’t stay?” tanong niya habang binubukas ang coat niya, I laughed, “Stupid woman, I love only one” sabi ko sabay labas ng clinic.

Shaina Aragon

“I think you should tell me now, Shaina” sabi sa’kin ni Nash nang dumating na ang freetime namin, I nodded, clearing my throat.

It started when I was 12 years old,

“Shaina naman! ‘Wag ka na makipag-away!” sabi sa’kin ni Seven na inirapan ko lang, nasa isang abandoned house kami kasama ang mga ka-gang ko.

“Lampa mo talaga eh no?” sabi ng isa kong ka-gang na tinawanan ko, “G*go! ‘Wag mong awayin ‘yang si Seven, magagalit si boss! HAHAHA” nang-aasar naman na sabi ni Andrei.

“Mga baliw!” natatawang sabi ko na lang, “Boss! May humahamon nanaman po sa inyo” sabi sa’kin ni Aisha.

“Ha, mga tanga sila” sabi ko, inabot sa’kin ni Aisha ang letter of challenge nila, tinignan ko ito, galing sa.. Moon & Stars? Ang bading naman ng gang name nitong mga ‘to.

“Mukhang madadalian lang tayo, let’s go Royalties” nakangising sabi ko, they yelled signalling the start of war. (Chos!)

We went to the place indicated on the paper, nandoon na silang lahat at nakahanda na, lahat sila ay may mga malalaking ngisi at matatalim na tingin na lahat ay sa’kin nakatuon.

“Hoy mga bakla, sisimulan na ba natin ‘to?” maangas na sabi ko, “Aba’t mayabang ka ha? Anong bakla?” sabi ng isa nilang ka-gang na lalapit sana sa’kin pero pinigilan siya ng kanilang leader.

“’Wag” he whispered, “Game?” nakangising tanong ko, tumango ang leader nila, tumingin ako sa mga ka-gang ko sabay kindat, alam nila na kapag kumikindat ako ay ibig sabihin, ako lang muna ang susugod. Gusto ko kasing ako ang pumoprotekta sa kanila imbes na baliktad, kung kailangan ko ng tulong, ‘dun lang sila lalaban.

I rushed to them.

----

Author's Note

Sorry na guys! Hahaha XD Gusto ko lang talagang maging bad-ass si Shaina :D Ayoko kasi sa mga babaeng mabilis maapi or whatever. :) Kaya binigyan ko ng astig na side at dark side si Shaina para masaya. <3

Hope you guys enjoy ha~ Hahaha XD

Yun lang! :D

- SH ♥

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon