Shaina Aragon
What’s up with guys and their kilig factors? Napangiti ako dahil sa sinabi ni Nash, “Talaga ha? Promise ‘yan?” tanong ko sa kanya at mabilis siyang sumagot ng “Oo naman!”
“Sa great grandmother ko pa galing ‘yang buwan na ‘yan, nagi-isa na lang ‘yan sa mundo” biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, “Then you should keep this” sabi ko at ibabalik ko na sana sa kanya ‘yung buwan kaso ‘di niya kinuha.
“It’s yours now, Sprinkle. Legacy na ‘yon ng mga Marquez, to give the moon to the person they love. Kapag nasa tamang edad na ang anak ay ibinibigay na nila ‘yung buwan sa kanila” paliwanag niya.
“Ngayon ko lang naibigay sa’yo kasi kailan lang din binigay sa’kin ni daddy ‘yan” nakangising sabi niya.
“Sus, ang corny niyo talagang mga Marquez ano?” tumatawang pagbibiro ko at tumawa rin siya, “At least tinubuan kami ng romantic bone since birth” balik niya sabay halakhak.
“Ay ewan ko sa’yo! Kung anu-ano na pinagsasabi mo dyan!” sabi ko sa kanya, “Eh ang cute mo kasi!” sabi niya tapos natawa ako, “Anong connect?” tanong ko, he just shrugged before he laughed.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa university, nang makapag-park siya ay pinagbuksan niya na ako ng pintuan.
“Thanks” nakangiting sabi ko sa kanya before I kissed his cheek, “Anytime, Sprinkle” sabi niya sabay kindat.
Kinuha niya rin ‘yung bag ko at naglakad na kami papunta sa room namin habang magkahawak ang mga kamay namin.
Nakita ko si Android na naglalakad kaya tinawag ko siya.
His face was obviously sad pero nang makita niya ako ay agad naman siyang ngumiti, “Hey Shaina!” nakangiting bati niya. But his smile didn’t reach his eyes. Ano kayang problema nito?
Lumapit kami ni Nash dito, “Bakit mukhang problemado ka?” tanong ko sa kanya, “Ha? W-Wala akong problema!” pagde-deny niya, tinitigan ko na lamang siya bago siya nagpaalam at nagmamadaling umalis.
“Speaking of, late na tayo para sa first class natin diba? Anong oras ba second class natin?” tanong ko kay Nash, “Hm.. 9:30 pa” sagot naman niya at tinignan ko ‘yung relo ko.
“Isang oras pa bago ‘yung second class natin, anong gagawin natin?” tanong ko uli kay Nash, “Kain na lang muna tayo? Haha, gutom ako eh” sabi niya, actually, ‘di na ako nag-almusal kanina kasi nga nag-alala ako para kay Nash kaya imbes na kumain eh dumeretso na lang ako sa bahay nila.
“Okay” sabi ko tapos ngumiti siya, “Alam ko naman kasing ‘di ka nakapag-almusal eh, tara” sabi niya tapos naglakad na kami papuntang ChicBoy at nag-order ng madalas naming kinakain.
“P’ano mo nga pala nalamang ‘di pa ako nakakakain?” tanong ko sa kanya, he smiled and shrugged, “I don’t know, Sprinkle. Siguro ganun talaga ‘pag mahal na mahal mo ang isang tao, kabisado mo na sila” sabi niya.
Napangiti na lang ako sa naging sagot niya, “Kahit kailan talaga! Masyado kang cheesy” pang-aasar ko sa kanya sabay tawa, ginulo naman niya ‘yung buhok ko. “Kilig ka naman” tumatawang hirit niya.
“Ewan ko sa’yo! Kain na nga lang tayo” pag-iiba ko ng usapan at nagsimula na uling kumain, he smirked, “I won” sabi niya as he stuck his tongue out and I just did the same and mocked each other.
“Awwww~~~ Ang cute niyong dalllaawwaaa!! *-*” biglang may nagsalita, wait, what? Tumingin ako ‘dun sa babaeng nagsalita, may hawak siyang camera at mukhang pinic-turan niya kami.
“Hii~ Ako nga pala si Jemmn” sabi nito, Jemmn?
“Jemmn? Anong klaseng pangalan ‘yon?” tanong ni Nash, “Hehe~ ‘Wag kayong magulo! Eh sa ‘yon ang pinangalan sa’kin ng nanay ko eh, anyway, salamat sa magandang picture na ‘to ha! Pang-entry ko ‘to sa isang contest eh” nakangiting sabi niya sabay kindat.
“Wait lang! Patingin muna!” sabi ni Nash, inabot naman ni Jemmn ‘yung camera sa kanya, “Wow! Ang cute! Pwede mo ba ipa-develop ‘to tapos hihingin ko?” nakangiting tanong ni Nash habang nakatitig pa rin sa screen ng camera.
“Sige ba! Hehe, tutal utang ko sa inyo na may entry na ako! Sige, wait lang kayo dyan ah! I shall return!” sabi niya at biglang tumakbo nang napakabilis.
“She’s weird” nasabi ko na lang, natameme kasi ako sa kanya, sobrang daldal niya ‘di na ‘ko makasingit!
“Hahaha, it’s okay. You can definitely trust people like her” nakangising sabi ni Nash, “Nano-nosebleed akooo!” reklamo ko na ikinatawa niya.
“Ikaw kaya ‘tong nagsisimula ng english-an natin!” sabi naman niya, “Eh kahit pa! Wala na ba akong karapatang ma-nosebleed?!” parang ewan na sagot ko, napailing na lang siya, “You’re even weirder, Sprinkle” nakangising sabi niya.
“Okay! I’m baccckk~” sabi ni Jemmn, grabe! Ang bilis naman niya!
“Woah! Bilis ah!” sabi ko, ngumiti siya nang malapad, “Syempre! Ako pa~ O, e’to o!” sabi niya sabay bigay sa’kin ng limang kopya ng picture namin ni Nash at sobrang cute nga talaga!!
Tinitignan naming dalawa ni Nash ‘yung picture, at nang lumingon ako kay Jemmn para magpasalamat ay nagulat ako nang wala na ito doon.
“Weird talaga!” nasabi ko, tumawa naman si Nash, “Hayaan na natin! Tara na, malapit na ‘yung next class natin, Sprinkle” sabi niya at tumayo. Inalalayan naman niya akong tumayo, parang ewan ‘tong si Nash, ‘di naman ako pilay, wala naman akong sakit, pero kung alalayan ako para akong disabled.
“You know, you just said those out loud” naa-amuse na sabi niya.
“Wait! I did?!” gulat na sabi ko at tumango lang siya bago ako inakbayan, “I just believe that queens should be treated as queens” nakangising sabi niya and that answered all my questions.
“Then, the queen protects the king” nakangisi namang banat ko at tumingin ako sa kanya para kumindat.
“Wahaha! Talagang ayaw magpatalo ah? Sige na nga, the queen protects the king” he smiled and suddenly stopped walking, he sticked our foreheads together and whispered, “But that doesn’t mean the king will let the queen fall, she’ll stay by his side.. even when God takes them both”
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, pero huli na siguro para sabihing naiiyak lang ako kasi may tumulo nang luha mula sa mata ko, pero nakangiti ako. Sobra akong na-touch sa sinabi niya..
“I love you” I breathed, “I love you too” he said, smiling. He then held my hand in his again and pulled me closer for a hug, “So much” he whispered before kissing the top of my hair.
Mahina ko siyang tinulak palayo, “Let’s go, we’ll be late” natatawang sabi ko, tinignan niya ‘yung relo niya, “Wooah! Hahaha, tama ka, Sprinkle! Tara na” sabi niya tapos tumakbo kami papunta sa klase namin.
I hope these kind of moments never end.. sana laging ganito.. sana wala nang humadlang.. sana lagi na lang kaming masaya..
“Goodmorning class” bati ng teacher, ni hindi man lang kami pinatayo, deretso lesson agad! Sheese. College.
Matapos niyang mag-lesson, sinabi niya na meron daw kaming project na by-partner.
“I will be announcing your partners so listen carefully,” simula niya, “Nash Marquez and... Katherina Delarma” nanlaki ang mata namin ni Nash. Holy shiz!
Matapos ang ilan pang pangalan, sa wakas, sinabi na rin ang pangalan ko, and I was hoping it isn’t Se— “and.. Seven Madrigal” the professor finished.
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?