Chapter 13: Kasal

241 9 0
                                    

Nash Marquez

“Let’s go home?” nakangiting tanong ko kay Shaina, she smiled and nodded, may iba sa kanya ngayon, mas mukha na siyang masaya.. at ramdam na ramdam ko ‘yon dahil sa kinang mula sa kanyang mga mata.

Mahirap ipaliwanag ‘yung nakikita kong ligaya na ipinapakita ng mga mata niya.. at ramdam na ramdam ko sa kaibuturan ng pagkatao ko, gusto kong maging dahilan kung bakit siya masaya.. habangbuhay.

I held her hands once again, pumunta kami sa kung saan ko ipinarada ang kotse ko.

Pinagbuksan ko siya ng pinto, hinintay ko siyang sumakay ngunit imbes na sumakay ay hinila niya ang kamay ko papunta sa kanya at hinalikan niya ako sa pisngi.

“Thank you Nash, so much” nakangiting sabi niya at tuluyan na siyang sumakay ng kotse, medyo napatulala ako sa nangyari at unti-unting bumilis nang bumilis ang tibok ng puso ko.

Aghhh. Grabe kang babae ka! Ano bang klaseng mahika ang meron ka?

Pumunta na rin ako sa side ng driver at pumasok sa kotse at pinaandar ko na ang sasakyan.

Nagnakaw ako ng isang sulyap sa kanya, at kitang-kita ko kung paanong nakangiti pa rin siya nang walang tigil. It warmed my heart to see that she’s genuinely happy right now.

Kaya nahawa na ako, napangiti na rin ako at ibinalik ko na ang tingin ko sa kalsada, tahimik lang kami sa byahe. Pero napaka-kumportable ng pakiramdam ko kahit tahimik kaming dalawa.

Alam niyo ‘yung feeling na hindi niyo na kailangang magsalita para magkaintindihan? Ganun.

Hinatid ko na si Shaina sa bahay nila, bumaba ako para pagbuksan siya ng pinto, lumabas siya ng kotse ko.

“Thank you for today Nash, I had fun” nakangiting sabi niya, I smiled too, “No, thank YOU” nakangiting sabi ko sa kanya.

“O sige na, pumasok ka na” sabi ko sa kanya, she pouted, ah. How cute.

“Pinagtatabuyan mo ‘ko, ganun?” parang batang nagmamaktol na sabi niya, I couldn’t help but laugh, she’s too damn adorable!

“’Wag kang ganyan Shaina, baka i-ban ako ng mga magulang mo kasi gustong-gusto kitang halikan ngayon” pabiro na sabi ko, pero sa totoo lang, seryosong-seryoso ako.

She blushed beet red, aagghh!! Shaina!!

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit, “Sinabing ‘wag masyadong cute at nahihirapan na akong magpigil” bulong ko sa kanya, I softly caressed her hair and gently kissed her forehead.

“I love you Shaina Crystal Angeles Aragon” sabi ko sa kanya, pinulupot niya ang kamay niya sa leeg ko at hinila ako pababa sa kanya, dahilan para mahalikan niya ako.

“I’ve fallen, Nash Emmanuel Marquez and you’re the reason” she said with a soft smile when she released my lips. Putek! Ang aggressive nitong babaeng ‘to! Sinabing magpipigil ako pero siya na mismo nag-initiate. Haayyy. Shaina, ang ganda mong sakit sa ulo.

Someone cleared his throat kaya agad kaming naghiwalay ni Shaina at tinignan ang lalaking nasa likuran namin.

“D-Dad!” sabi ni Shaina na pulang-pula ang mukha, “Come here, young lady. You are not allowed to display your affection publicly in front of my domain” Mr. Aragon said strictly.

“F-Forgive me, sir. I will behave properly next time” sabi ko sa ama ni Shaina, isang tango lang ang naging sagot nito at naglakad na patungo sa bahay nila.

Tinititigan ako ‘nung mga maid, problema nila? Bakit ayaw nila isara ‘yung gate?

“Hindi po ba kayo papasok?” tanong ng maid sa’kin, nanlaki naman ang mga mata ko, sa lagay na ‘yon pwede pa rin akong pumasok?

Biglang nag-ring ‘yung cellphone ko kaya’t sinagot ko ito, “Hello?” sabi ko, hindi ko kasi natignan ‘yung caller.

“Emmanuel? Why didn’t you follow?” tanong ni Mr. Aragon, HA?!

“Ah.. eh.. okay lang po ba?” nag-aalangang tanong ko, narinig ko naman ang malutong na tawa ni Mr. Aragon, “Aba’y syempre naman! Joke joke lang ‘yung kanina, hahahaha” sabi nito.

O__O.. Joke joke? SI MR. ARAGON NAGJO-JOKE JOKE?! Anong klaseng alien ang pumunta dito?

“S-Sige ho, papasok na po ako” sabi ko at binaba na ni Mr. Aragon ang tawag kaya nagsimula na akong maglakad patungo sa bahay nila.

“Nakakatuwa ka talaga hijo!” tumatawang sabi ni Tita Aragon, sensya na. HAHA. ‘Di ko alam kung anong itatawag sa kanilang dalawa eh.

Napakamot na lang ako ng ulo, “Ma! ‘Wag niyo namang bullyhin si Nash” awat ni Shaina sa kanyang ina.

“Tama nga naman si Shaina, sweetheart” sabi ni Mr. Aragon, anong nangyari? Naging 360 na ugali nitong si Mr. Aragon ah.. dati sobrang sungit nyan tapos bibihirang ngumiti tapos ngayon.. NAGJO-JOKE NA!

“Dito ka na kumain ng hapunan Emmanuel, para naman magkasama pa kayo ng anak kong maganda” sabi ni Mr. Aragon, tumango naman ako. “Sige po, salamat po.. at.. pasensya na ho ‘dun sa kanina..” sabi ko.

Tumawa naman si Mr. Aragon, “Wala ‘yon, basta hanggang ‘dun lang muna kayo, hindi pupwedeng lumagpas ‘don kundi, malilintikan ka sa’kin” sabi nito.

Bweset. Natatakot ako, sinaniban ba siya ng multo? Parang ibang tao ‘tong kaharap ko eh.

“O sige na, kumain na tayo” sabi ni Tita Aragon at iginiya kami papunta sa hapag kainan, katulad ng normal na mayayaman ay parang may fiesta sa bahay nila sa sobrang dami ng pagkain na nakahain.

“Magpakabusog ka hijo” nakangiting sabi ni Tita Aragon, umupo ako sa isang upuan at tumabi naman sa’kin si Shaina.

Nagsimula na kaming kumain, “So.. kailan niyo balak magpakasal?” biglang tanong ni Mr. Aragon.

Bigla akong nasamid sa kinakain ko, “T-Tubig..” nagmamakaawang saad ko kaya agad akong inabutan ni Shaina ng tubig.

Agad akong uminom, “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong sa’kin ni Tita Aragon, kahit mahirap ay sinikap kong tumango.

“Ah.. eh.. d-diba po.. hihintayin pa pong mag-18 si Shaina?” sagot ko, “Oo nga, kaya nga tinatanong ka na namin kung kailan mo gustong maikasal sa anak ko” sabi ni Mr. Aragon.

“Sa tingin ko po ang dapat niyong tanungin ay si Shaina, handang-handa po akong pakasalan siya kahit kailan at kahit saan pero mas importante pong siya na mismo ‘yung handa para sa kasal namin, kaya hindi po pwedeng ako ang tanungin niyo kasi kung ako po ang tatanungin, gusto ko pong ngayon na ikasal kay Shaina” mahabang sagot ko. I’m just stating the truth, kung pupwede lang ay ngayon ko na papakasalan si Shaina.

Ngumiti si Mr. Aragon at maging si tita, tinignan ko naman si Shaina na namumula ang mukha.

“I completely entrust my daughter to you” sabi ni Tita Aragon, “I completely agree, you will make a wonderful spouse for my beautiful daughter” nakangiting sabi ni Mr. Aragon.

Hinawakan ni Shaina ang kamay ko, “Thank you Nash.. thank you..” nakangiting bulong niya na narinig ko naman.

“You’re welcome, I love you” bulong ko rin sa kanya.

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon