Chapter 1: Babylove & Babywife

674 17 0
                                    

Shaina Aragon

NAKAKASILAW NAMAN O!! Tss. =____= Kainis lang! “Ilang beses ko na bang uulitin na—” naputol ang sasabihin ko nang makita ko si Seven.

“Goodmorning babywife” sabi niya na sobrang lapad ng pagkakangiti. Tss. Mukha talaga siyang aso kahit kailan! XD

“Goodmorning babylove, kainis ka talaga, alam mo namang ayaw kong nakabukas ang kurtina pagkagising ko ehh...” nakapout na sabi ko.

He kissed me, it’s still the same tingles all over, ugh. I feel highschool all over again.

“You do know that whenever you pout I’ll kiss you right?” nakangising tanong niya, umirap lang ako, I guess I forgot about that heck of a deal.

Tinanggal niya ‘yung kumot na nakabalot sa katawan ko, “Ano ba!! Nakakainis ka na talaga Seven Madrigal!!” nanggagalaiting sigaw ko.

“Wake up na kasi! Kanina pa kaya ako naghihintay sa baba, akala ko gising ka na hindi pa pala! Do you know you already missed your first class?” sabi ni Seven.

WHAT?!

“Did you just say I missed my first class?!” sigaw ko, “Yes, didn’t you say you had a very important quiz on that class? Look at you, you slept late again.. tss. Now you missed it” sabi niya.

Ugh. Kainis naman oo! >__<

“Teka nga! Eh diba may klase ka rin?” tanong ko sa kanya, “I skipped it for you, ‘lam mo namang lagi tayong sabay pumasok eh, nagpa-late ka pa” sabi niya.

“Tss. Ang sweet mo talaga eh ‘no? Kiss kita diyan eh” sabi ko at tumayo na mula sa kama.

“Buti pa nga” nakangising sabi niya, I kissed him on the cheeks, “Tss! Kuripot mo sa halik ‘no?” reklamo niya.

“Ay? Choosy ka pa ah! Buti nga hinalikan kita diyan eh” sabi ko naman at tumakbo na pababa.

He’s my boyfriend, the one I love and the one I want to be with, cruel thing is, I can’t be with him forever because we were meant to be with someone else.

“Goodmorning princess” sabi ni papa sa’kin, I always hated being a princess, I never liked being a lady.. but you have to because you’re freaking rich.

“Goodmorning pa” simpleng sagot ko, I used to love my dad but I don’t even know where that love for him went in my heart.

He was sitting on his usual seat on the enormous dining table, nakaupo si mama sa tabi ng upuan ko, and that’s where I sat.

“Goodmorning mama” sabi ko and I hugged her, I can be comfortable when I’m with her, when my dad is around, I can’t be my usual amazona self.

Seven came running down shortly after me, umupo siya sa kaharap kong upuan.

“Thanks for waking up my daughter, Seven” sabi ni papa with his usual heartless smile.

My parents know about our relationship, my dad used to dislike the idea but I promised that I would end everything once I had to marry the one I’m supposed to be with.

I’m going to marry my fiancee on June 30, a day after my birthday, a day after the day when I turn 18.

We only have one more year left, we have been in this relationship for 4 years, and it’s going to come to an end.. It’s really sad to think about that but... what the hell can we do?

3rd year college na ako sa course na Business Management.

Magaling ako in terms of business management, siguro talagang nasa dugo na namin ‘yung may talento sa ganun. Si papa kasi, pinaghirapan niya nang mag-isa ‘yung kompanya niya na dati ay isang simpleng sari-sari store.

Si mama naman, matagal na siyang socialite, sikat ang pamilya niya, swerte lang at mabait ang pamilya niya at tinanggap agad ang isang tulad ni papa na dati ay kayod kalabaw para umahon sa buhay.

Nagsimula na kaming kumain, si papa, as usual, puro business lang ang pinag-uusapan, at ang kausap niya ay si Seven. Tapos kami naman ni mama ‘yung nag-uusap. Mukhang sanay na sanay na si Seven sa mga ganyan, well.. sa bagay, heir din siya ng family business.

I harshly sighed, making the three of them stare at me, I cleared my throat, “Sorry, sorry” sabi ko na lang at nagpatuloy sa pag-kain.

Nakakainis kasing isipin na porke ganito ang buhay namin.. hindi kami pwedeng magsama nang habangbuhay, mahal na mahal na mahal namin ang isa’t-isa... pero... wala eh, mayaman kami kaya no choice.

Minsan nga napapaisip ako, bakit ba hindi na lang kami ang pinagkasundo? Eh tutal, kapag nag-merge ang companies namin, mas lalago ang business ng bawat isa, at higit sa lahat, close friends ang families namin... pero bakit sa iba kami itinali? Haay.. buset na buhay ‘to!

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon