Nash Marquez
Hinawakan niya ako sa magkabilang-braso, “Tumayo ka na, Nash..” bulong niya at hinila ako patayo, agad naman akong sumunod sa sinabi niya.
“’Wag ka umiyak” sabi niya at tinignan ako, sino niloloko mo, Shaina? Eh ikaw nga ‘tong mas umiiyak kesa sa’kin.
I used my thumb to wipe her tears away, tinitigan ko ‘yung magaganda niyang mata bago ko siya niyakap nang sobrang higpit.
“Salamat Sprinkle, thank you for giving me a chance to prove to you more how much I love you, how much I want to stay by your side” sabi ko habang hinahaplos ang kanyang buhok.
“’W-wag kang magpasalamat sa’kin Nash..” simula niya tapos hinigpitan pa niya lalo ang yakap, “Ako dapat ang magpasalamat kasi dumating ka sa buhay ko” sabi niya at humihikbi na siya.
Niluwagan ko ang yakap ko sa kanya at ipinaharap siya sa’kin, “Please stop crying, it hurts me” mahinang pakiusap ko sa kanya, “I-I’m.. just so happy, Nash” she sighed.
Napangiti naman ako tapos siniil ko na ng halik ang labi niya, “Goddamn, I love you so much” I whispered against her lips.
Biglang may tumikhim sa may likod namin kaya natigilan kami at agad na kumalas sa yakap, “Get a room guys!” sabi ni Andrew na panira ng moment. Bwiset.
“Sus, inggit ka lang eh” pang-aasar ko rito at agad naman itong sumimangot, “Takte, makakahanap rin ako ng akin no” sabi niya habang naka-crossed arms.
Tinawanan na lang namin siya ni Shaina, “Ang cute cute mo, Android!” sabi ni Shaina na lalong ikinabusangot ng mukha ni Andrew.
“Ewan ko sa inyong dalawa! Ang sama niyo sa’kin, bullying!” nagta-tampong sabi ni Andrew sabay labas ng gym, “Congrats guys!” bati sa’min ‘nung mga taong pinatulong ko sa panliligaw ko kay Shaina.
“Salamat sa pagtulong niyo ah” sinserong sabi ko tapos nginitian ko sila, “Eehh! Ang swerte mo, Shaina! Sana may ganyang boyfriend din ako!” sabi ‘nung isang babae, nakalimutan ko ‘yung pangalan eh.
“Yeah.. I’m really lucky to have my Cupcake, that sometimes, I feel this is all just a dream” she said as I felt her squeezing my hand.
Napangiti ako, “Don’t worry sprinkle, hindi ko hahayaan na panaginip lang ang lahat nang ‘to” sabi ko sa kanya tapos biglang nagsi-hiyawan ‘yung mga ka-schoolmates namin.
“Ang sweet ng boyfriend mo Shaina!! Kainggit!” kinikilig na sabi ng isang babae, tumawa na lang kami ni Shaina, “Ay! May klase na pala kami, sige ha, goodluck sa inyo!” paalam ‘nung dalawang babae at umalis na.
“Ay, oo nga pare, may klase pa pala kami, sige Nash ah, congrats” sabi sa’kin ‘nung mga ka-tropa ko sabay tapik sa balikat ko, nginitian ko lang sila bago sila tuluyang umalis.
Naiwan na lang kaming dalawa ni Shaina, “Tara? Balik na rin tayo sa klase natin sprinkle?” nakangiting tanong ko sa kanya, “Sige!” sabi niya at mauuna sana siya kung ‘di ko hinigit ang kamay niya, lumuhod ako sa harapan niya tapos hinalikan ko ‘yung kamay niya.
“Masayang-masaya ako ngayon dahil sinagot mo ako sprinkle.. tapos.. um-oo ka pa sa proposal ko.. all-in-one!” natatawang sabi ko, “Tse! Tumayo ka na nga dyan, tapos na panliligaw mo” pagbibiro niya at hinatak ako patayo.
“Hindi palibhasa’y sinagot mo na ako ‘di na kita liligawan no” nakangising sabi ko at agad naman siyang namula kaya pinisil ko ‘yung pisngi niya.
“Ang cute mo talaga Sprinkle! Hahaha” sabi ko sabay takbo palayo sa kanya, mahirap na! Baka sabunutan ako nyan at makalbo pa ako.
“CUPCAAKKEE!!!” nanggagalaiting sigaw niya na tinawanan ko lang.
Nakarating na rin ako sa wakas sa classroom, hindi ako naabutan ni Shaina! Hahaha, slowpoke.
Umupo na ako sa may upuan ko, maya-maya lang ay dumating na rin si Shaina at dumeretso agad sa’kin, inis sa mga mata na ikina-ngisi ko.
“Kakasagot ko lang sa’yo tapos takbo ka agad? Eh kung mag-b—” tinakpan ko ‘yung bibig niya, “’Wag mo nang ituloy, I’m sorry Sprinkle, joke lang ‘yon” sabi ko sa kanya.
“Eh kasi naman eh! Iniwan mo ako” naka-pout na sabi niya, “Sorry na, ‘wag ka na magtampo, lilibre kita ng.. ice cream!” nakangiting sabi ko sa kanya.
Nag-cross arms siya tapos tumingin sa ibang direksyon, sus, pakipot pa ‘to. Hahaha, alam ko namang mahal na mahal niya ang ice cream kaya hindi siya tatanggi.
“Sige na nga! Swerte ka mahal kita” sabi niya nang nakasimangot tapos umupo na siya, “Mahal mo ba ako o ‘yung ice cream?” natatawang pagbibiro ko sa kanya.
“Ice cream” she pouted, hahahaha! Ang cute mo talaga Sprinkle!
“Aray ko bhe” sabi ko habang tumatawa, “Kaya next time, ‘wag mo na akong iwanan” sabi niya.
“Wala nang next time, Sprinkle, hindi ko na magiging choice ang iwanan ka, never. Ang next time na lang ay ang lagi kitang kasama” sabi ko sa kanya sabay kindat.
“Naka-chancing ka nanaman!” natatawang sabi niya, haay, ang sarap sa pandinig ‘yung ganyang boses mo, Shaina.. ‘yung mapapatawa na kita.
“Buti naman ngumiti ka na, haha, you look best like that” nakangiting sabi ko habang tinititigan ko ang magaganda niyang mata.
She smiled shyly as a blush appeared on her cheeks, “Kanina ka pa bumabanat eh!” sabi niya.
“Ayaw mo?” nakangising tanong ko.
Hindi na siya nakasagot kasi biglang dumating ‘yung professor namin at nag-announce ng surprise quiz.
Grabe, surprise quiz! Eh kaka-quiz lang kahapon ah?! Ang takaw naman nito ni prof magpa-quiz.
After 3 hours ay natapos na sa wakas ang school namin, “Tara Sprinkle, uwi na tayo” sabi ko sa kanya, “May pupuntahan lang ako saglit” sabi niya, tumango ako, “Samahan na kita” sabi ko naman.
Pumunta siya sa clubroom ng Journalism, “Bakit niyo po ako pinapatawag?” tanong ni Shaina sa isang babaeng mukhang president ng club.
“May interview kami sa’yo.. pwede ba bukas?” nakangiting tanong ng babae, “Huh? Ah.. sige po” sabi naman ni Shaina.
“Ako nga pala si Chelly, nice to meet you!” ngiting-ngiti ito at inilahad ang kamay, inabot naman ni Shaina ang kamay niya at nag-shake hands sila.
“Sige po, alis na kami” pagpapaalam ni Shaina tapos lumabas na kami ng room, hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na kami papunta sa parking.
Sumakay na kami sa kotse, “Ay! Cupcake! ‘Yung notebook ko naiwan ko sa desk ko!” sabi sa’kin ni Shaina, “Ha? O sige, ako na lang kukuha, stay here, okay? Lock mo ‘yung pinto” sabi ko sa kanya, ngumiti siya, “Over protective naman ng boyfriend ko!” pagbibiro niya.
“Just to be sure, Sprinkle” sabi ko sa kanya tapos lumabas na ako, tumakbo na ako papasok ng uni at pumunta sa room na napag-iwanan ni Shaina ng notebook.
Nakita ko naman ang notebook kaagad, nang makalabas na ako ng pinto ay..
“Magpakasaya na kayo.. kasi matatapos na ‘yan.. konti na lang” sabi ng nakangising si Seven.
“Talagang magpapakasaya kami, ‘di mo kami matatapos, Seven” sabi ko sa kanya, lalong lumapad ang ngisi niya, “Makikita natin, Nash, makikita natin” sabi niya at naglakad na palayo.
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?