Chapter 12: Bakit?

196 9 0
                                    

Shaina Aragon

Nang sa wakas ay natapos na ang klase namin ay pumunta na kami ni Nash sa ChicBoy para kumain ng lunch namin, CB3 ang in-order naming dalawa tapos ‘nung naka-order na kami ay naghanap na kami ng mauupuan.

“Thanks Nash, naging masaya ang mga araw ko dahil sa’yo” nakangiting sabi ko sa kanya, ngumiti naman siya sa’kin, “You’re welcome, sabi ko naman sa’yo diba? I want my wife to get the best, kaya dapat lang na lagi kitang pinapangiti kasi I love it best when you smile” litanya niya.

“Pero.. Nash?” simula ko, kasi syempre, nagtataka rin ako eh.. bakit ako? Bakit ganito siya umakto? Bakit parang mahal na mahal niya ako? I mean, oo nga’t sinabi niyang mahal niya ako pero diba.. arranged kami? Ibig sabihin, never kaming nagkakilala dati kaya bakit ganito siya?

“Hm?” patanong na sabi niya, “Bakit? Bakit mo ba ako mahal?” seryosong tanong ko sa kanya, “Bakit kita mahal..” sabi niya na parang tinatanong ang sarili niya.

“Sa totoo lang? Hindi ko rin alam eh, siguro ang corny kung pakinggan pero unang beses ko pa lang nakita ‘yung picture mo, iba na naramdaman ko, naramdaman ko na na ikaw na ‘yung gusto kong makasama nang habangbuhay” sabi niya.

Naramdaman ko namang mag-init ang mga pisngi ko kaya agad akong tumingin sa ibang direksyon at pasimpleng tumikhim.

“Ah.. eh.. never ka bang na-in love dati?” tanong ko pa sa kanya, ano ba ‘tong ginagawa mo Shaina? Interview lang ang peg?

“Yeah, na-in love na ako dati, isa siyang babaeng hinding-hindi ko maaabot kahit kailan, well, ‘yun ang akala ko, pero dahil sa sipag at tiyaga ko, nakuha ko ring paamuhin ‘yung puso niyang parang yelo na hindi matunaw-tunaw o matibag” sabi niya.

“Wow, biruin mo ‘yon, si Nash, nanliligaw” natatawang sabi ko, “Bakit? Mukha ba akong habulin ng babae?” nagtatakang tanong niya, nanlaki nang husto ang mga mata ko dahil sa tinanong niya.

SERYOSO KA NASH? HINDI MO BA MAKITA ‘YANG MUKHA MONG PANG-GREEK GOD NA UNANG TINGIN PA LANG EH IN LOVE KA NA AGAD HULOG PA PANGA AT PANTY?

Wait what? HANUDAW SABI KO? IN LOVE NA AGAD HULOG PA PANGA AT PANTY? HHHHAAA? Nevermind that.

“NASH!” malakas na sabi ko sabay kuha ng hand mirror ko sa bag at itinapat sa mukha niya, “That is a face of a Greek god kaya ‘wag ka nang magtaka kung hinahabol ka ng aso, lalaki at babae” sabi ko sa kanya.

Okaayyyyyy, weird ng sinabi ko, kaya ‘ayon, humahalakhak ang mokong ngayon.

“Aso, lalaki at babae pala ang humahabol sa’kin, hahahahaha!” sabi pa niya habang halos mamatay na sa kakatawa.

“Pero teka wait, anyare sa inyo ni Ms. Dawho?” tanong ko sa kanya, “Ms. Dawho has a name, Shaina. She’s Margette” sabi niya.

“Margette? ‘Yun ba ‘yung pinagbibilhan ng pagkain?” natatawang pagjo-joke ko, “Ang corny mo talaga” sabi niya pero tumawa naman. ‘Yung totoo, Nash? Corny ba talaga ‘yon?

“Well.. my feelings started to fade away” sabi niya, “Ha? Bakit naman?” nagtatakang tanong ko, “Ewan ko.. parang as each day goes by, unti-unti kong nare-realize na it was just attraction, she was beautiful, she had a gorgeous body, but that’s all she ever was, an attraction for the eyes but never for the heart” he said and then he looked at me.

“Shaina, you are not the most beautiful woman out there, you don’t have a gorgeous body nor the hair men would love to play with all day” sabi ni Nash. Aray ko naman Nash! Hinay-hinay lang at masakit ‘yang mga pinagsasabi mo! Excuse me lang ha.

Alam kong hindi kagandahan ‘yang buhok ko kasi ‘di ako masyadong nagsusuklay pero parang spaghetti ‘yan sa lambot! Dejoke, charot lang. Hahaha! Malnourished na buhok naman ‘yon kung ganun kalambot.

“Don’t take this the wrong way, Shaina, I’m not saying you’re ugly or anything, what I’m simply saying is.. sa’yo, hindi ako nakatingin sa itsura mo, hindi ako nakatingin sa kung anong meron ka or kung ano ka, unang tingin ko pa lang sa’yo, alam ko na na mabait ka, magaling, nakakatuwa, nakakatawa, cute, charming, hindi maarte, humble at higit sa lahat, alam ko na na tapat ka kung magmahal, kaya kita minahal nang ganito” nakangiting sabi ni Nash.

DKJEWKJELKJQWKLRJT. SOMEBODY PLEASE SLAP ME RIGHT NOW KUNG NANANAGINIP BA AKO.

“You’re those type of women who are one of a kind, isa kang kayamanan na minsan mo lang matatagpuan, isang dyamante na sobrang halaga, isang dyamante na mahirap tibagin o wasakin dahil matibay ka” nakangiti pa ring sabi niya.

“Stop na nga Nash, ang haba na ng speech mo naging speechless tuloy ako” pigil ko sa kanya, tumawa nanaman siya, “I really love you so much Shaina” sabi niya sabay kuha sa kamay ko at hinalikan ang ibabaw nyon.

“And I would like for you to stay by my side forever, will you marry me?” tanong niya habang tinitignan ako sa mga mata, grabe ‘yung mga mata niya, kitang-kita ko kung gaano niya ako kamahal, kung paano niya ako pinapahalagahan at kung paanong kaya niyang mamatay para lang sa’kin..

“Nash.. baliw ka ba? Arranged marriage na nga tayo nagp-propose ka pa” sabi ko, kasi.. oo, aminado ako, nahuhulog na ako kay Nash pero hindi ko parin maipagkakaila na mahal ko pa rin si Seven..

“I want to do it the proper way, Shaina.. alam ko kung bakit ganyan ang sagot mo, I still haven’t exceeded your feelings for him” sabi niya.

“Mind reader ka ba? Ang galing mo ha, bullseye” nakangiting sabi ko, he smiled and softly carressed my cheek, “Thank you for giving me a chance Shaina.. I’ll do my best” sabi niya.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa susunod naming klase, English ang klase namin ngayon kung saan kaklase namin sina Seven at Makathi.

Hinawakan ni Nash ‘yung kamay ko, carrying my bag with his other hand, he led me to a seat in the back of the room.

Ganito kami, usually sa likod pumepwesto, kasi madalas, sa likod ang laging unang pinagre-recite, at dahil nga sa matakaw kaming mag-recite eh ‘dun kami pumepwesto.

“Good afternoon class” sabi ng prof nang makapasok na ito, nagsimula na siyang mag-lesson at churvaness.

I stole a glance at Seven, lumingon ako agad nang makita kong nakatingin na pala siya sa’kin, pakkkkshet!

After 10 seconds ay nilingon ko siya uli, nakita kong nakatingin pa rin siya, pero this time, nakipagtitigan na rin ako, I saw how his eyes was suddenly enveloped by sadness. I could feel how much he wanted me beside him, right at this moment.

“I’m so sorry Seven.. you let me go and I’ve flown too high, you can’t reach me again, somebody else caught me while you weren’t there chasing me, trying to get me back” I whispered, careful not to let Nash hear me.

Ipinatong ni Nash ang kamay niya sa kamay ko, “I’ll chase you anyday, angel” nakangiting sabi niya tapos biglang hinalikan niya ang palad ko.

“I love you” bulong niya, naramdaman ko kung paanong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, kung paanong.. naramdaman kong ligtas ako kapag kasama ko siya.. at kung paanong..

Mahal ko na rin siya.

Wala ng Seven.

Wala ng Makathi.

Kami na lang ni Nash.

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon