Chapter 18: No Forevers

171 7 0
                                    

Shaina Aragon

I felt the behemoths in my stomach flutter wildly from his words, grabe ka Nash! Paano mo nagagawang pakiligin ako nang ganito? Ang tindi mo! Sobra.

“Siguraduhin mo lang na hindi ka puro salita pero walang gawa” sabi ko sa kanya, just to hide how much I want to squeal right now.

Tumawa siya at bigla niyang ginulo ang buhok ko, “Siguradong-sigurado ako misis” nakangising sabi niya, binatukan ko siya.

“Masyado kang excited! Misis agad?” natatawang sabi ko, he pouted, “Bakit? Ayaw mo ba?” parang nagtatampong saad niya na tinawanan ko at napailing na lang ako.

“Syempre gusto” sabi ko sa maliit na boses, lalo siyang ngumisi at niyakap ako, “I love you” nakangiting sabi niya.

Napangiti rin ako at tinitigan ko siya sa mga mata, “I love you too” sabi ko.

He smiled at ibinalik na ang tingin sa kalsada, I pouted, wala ng reply?

Kinalabit ko siya pero imbes na lingunin ako ay tumingin pa siya sa may bintana na ikinakunot ng noo ko, “What is your problem, Nash?” medyo naiinis na tinanong ko sa kanya.

Napasinghap siya nang tumingin sa’kin, “Are you angry?” gulat na tanong niya, “H-Hindi.. eh.. k-kasi” nautal na ako.

“Sorry Shaina, kinikilig lang talaga ako kaya ‘di na ako nakasagot” he said, almost a whisper.

I blushed and looked away, kaya naman pala Shaina eh! ‘Wag ka na kasi makulit! May pa-naiinis ka pang nalalaman dyan!

“Sorry” mahinang bulong ko.

He looked at me like I’m crazy, “What are you being sorry for, Sprinkle?” tanong niya, bigla naman akong natawa imbes na sagutin ang tanong niya.

“O, b’at ka tumatawa?” tanong niya, I waited till my laughing stopped before I answered his question, “Sprinkle? Is that your endearment to me?” nakangiting tanong ko sa kanya.

He blushed and nodded slowly, “Ayaw mo ba?” nakangusong tanong niya, how cute!

Agad akong umiling, “Gusto ko, Cupcake!” natatawang sabi ko sa kanya, he blushed even more, hahaha! Gustong-gusto kong makita siyang ganito nang habangbuhay.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa mall, nanahimik na ako at maging siya habang nasa kotse kami kanina, hahahaha. Nahihiya pa rin ‘ata siya ‘dun sa naisip niyang endearment. Ang cute-cute nung endearment namin. Cupcake and Sprinkle.

Bubuksan ko na sana ‘yung pinto ko nang pigilan niya ako, “I’ll do it, Sprinkle” sabi niya sabay mabilis na lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. I smiled, kahit kailan talaga, hindi niya kinakalimutang maging gentleman sa’kin.

Nang makababa ako ay sinarado na niya ang pinto at ni-lock ang kotse, tapos hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papasok ng mall.

“Manuod kaya tayo ng sine?” nakangiting pagsa-suggest ko na agad niyang inilangan, “We only have an hour, Sprinkle, hindi kakayanin” tumatawa siya nang sinabi niya ito.

I pouted, “Eh anong gagawin natin?” tanong ko sa kanya, “Follow me?” nakangising sabi niya at nagsimula na siyang maglakad at nakasunod lang ako sa kanya habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

Naglakad lang kami nang naglakad nang may narating kaming tiangge, tumingin-tingin kami at may nakita akong magandang earrings. Titignan ko sana kaso patuloy lang siya sa paglalakad.

Maya-maya lang ay tumigil kami sa isang stall at may binili siya, isang bracelet na may infinity, tinitigan ko siya, “Para saan ‘yan?” tanong ko sa kanya.

“Malamang sa’yo” nakangiting sabi niya tapos bigla siyang lumuhod sa harap ko na ikinagulat ko, “T-Teka, b’at ka nakaluhod dyan ha?” tanong ko sa kanya.

He smiled his boyish smirk, tapos biglang nilagay niya ‘yung bracelet sa may ankle ko, AHHH!! Anklet naman pala, Shaina eh! Baliw ka talaga!

Tinignan ko ‘yung mga taong nakatingin sa’min at nakita kong pinipicture-an nila kami at ‘yung iba ay halos maihi na sa kilig.

Maya-maya ay tumayo na rin siya at hinawakan na uli ang kamay ko, “Tingin pa tayo Sprinkle?” tanong niya, I was blushing. I just know it!

“Okay” simpleng sabi ko, he smiled, “Do you want okay to be our forever?” tanong niya sabay kindat, baliw! Alam kong galing ‘yan sa The Fault in our Stars!

“Ang corny mo na Cupcake, sobra” natatawang sabi ko sa kanya, he laughed with me, “Ayaw mo ba?” pilyong tanong niya.

“There’s no forever” nakangiting sabi ko sa kanya, nagulat siya bigla, “Shaina, do you think we won’t last?” sobrang na-hurt siya sa sinabi ko.

“Patapusin mo kasi ako muna, pwede? Hahaha” sabi ko, “Hindi ako naniniwala sa forever, kasi wala namang ganun eh, kahit anong gawin natin, matatapos at matatapos ang lahat.. tsaka.. wala naman talagang nakakaalam kung hanggang kailan ang forever diba? Kaya mas gugustuhin kong sabihin na I’ll love you kahit walang forever, walang timeframes, walang hangganan, kasi kahit ang forever, natatapos rin ‘yan, pero ‘yung nararamdaman ko sa’yo, walang tigil, walang sawa, walang pagod, patuloy-tuloy lang” nakangiting sabi ko sa kanya.

“Sus, dami pang pakulo nito” natatawang sabi niya na parang nabunutan ng tinik sa ngala-ngala, “Basta Cupcake, ang relasyon natin, walang timeframe, walang oras” nakangising sabi ko sabay kindat sa kanya.

“Okay?” tumatawang sabi ko, “Okay” aniya nang nakangiti.

He held my hand again, “Punta kaya tayong National? Tingin lang ako” nakangiting sabi ko sa kanya, “Sige, ‘wag mo lang uubusin pera mo ha” natatawang sabi niya.

Eh kasi naman! Basta nasa National Bookstore ako, parang lahat ng libro ‘dun gusto kong kunin! Ang gaganda tapos parang kahit ‘di ko kailangan ng mga correction tape or ballpen, gusto ko paring bumili. Hahaha, ewan ko, may saltik ako sa ulo eh.

Binatukan ko siya, “Sama nito! Eh sa ang gaganda ng libro ‘dun eh” sabi ko and then I pouted, tumawa siya at ginulo ang buhok ko, tapos hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

“You’re so adorable and I can’t believe you’re mine” he softly whispered, ‘yung parang gusto niyang ako lang makarinig,

“Cheeseball” sabi ko nang nakangiti, he just chuckled and led my way to the bookstore, katulad nga ng sinabi ko sa kanya, tumingin-tingin lang ako sa mga libro doon.

After kong umikot-ikot sa buong National ay may hawak na akong sampung libro at iilang mga ballpen, “Sabi ko na nga ba eh, mauubos nanaman pera mo” pang-aasar ni Nash sa’kin na inirapan ko na lang.

Pumila na kami sa may cashier tapos nung turn ko na, nilapag ko na ‘yung mga bibilhin ko at inabot ‘yung Laking National card ko, “2,675 po” sabi ng kahera, kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko nang biglang mag-abot si Nash ng pera ‘dun sa kahera.

Tinignan ko siya, “Cupcake?” nagtatakang tanong ko, he winked at me, “Ako ang lalaki at dahil date natin ‘to, lahat ng bibilhin mo, ako ang magbabayad” nakangising sabi niya.

“I receive 3,000” sabi ng kahera tapos binigyan na kami ng change, tapos binuhat na ni Nash ‘yung binili ko at lumabas na kami ng bookstore.

“Tara, balik na tayo sa uni, malapit na time natin” sabi niya kaya tumango na lang ako at sumunod na sa kanya.

----

Author's Note

Yes po, ang mga sinabi ni Shaina about sa forever ay inspired sa isang story ni pajama_addict. Ang galing lang kasi eh. Haha.

Bad mood pa rin ako guys!! TT__TT Ang hirap talaga mag-update, 'yung tipong wala kang mai-type na matinong scene? Jusme! Sasabog na ang neurons ko!

- SH ♥

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon