Shaina Aragon
Nang maya-maya ay mahimasmasan na ako, kumalas na ako sa yakap ni Android.
Pinunasan ko ‘yung mga luha ko, “Sorry Android ha, nabasa tuloy ‘yung damit mo” sabi ko sa kanya, basa ‘yung bandang dibdib niya.
Tumawa siya, “Ayos lang ‘yon! Nukaba? Tara na sa first class natin” sabi niya sabay kindat, gumaan naman ang pakiramdam ko, nailabas ko na kasi ‘yung gusto kong iiyak eh.
“Tara” nakangiting sabi ko, tapos naglakad na kami papunta sa una naming klase, naramdaman kong nakasunod lang sa’min si Nash, tahimik lang siya.
Nagbuntong hininga ako, kahit papaano, nakakaramdam pa rin naman ako ng awa dito kay Nash.. masyado ko siyang iniitsapwera.. siguro dapat tanggapin ko na lang ang katotohanan.. tutal.. mukhang pati si Seven.. tanggap na.
Tumigil ako sa paglalakad tapos hinarap ko si Nash, masarap din namang kausap ‘to eh.. tsaka mukhang mapagkakatiwalaan ko naman siya.
Nakipag-usap ako kay Nash, nasa tabi ko naman si Android, mukhang naiintindihan naman ni Android kung bakit ko kinakausap si Nash, kaya naging okay na rin ang trato niya kay Nash.
Pumasok na kami sa room, tapos ‘ayun, nag-lesson, after 4 hours, free time ko na, I mean, namin ni Nash.
“Tara Shaina? Kain tayo” nakangiting sabi niya, “Um.. pwede bang i-check ko muna.. baka kasi.. nandun si Seven sa Greenwich” sabi ko, umaasa pa rin kasi ako.. baka naman.. naghihintay siya para sa’kin ‘dun diba?
“Ha? O sige.. sasamahan na lang kita” nakangiting sabi niya, grabe si Nash.. lagi siyang nakangiti..
Naglakad kami at pumunta sa Greenwich, to my dismay, walang Seven na naghihintay sa’kin doon.
Kumirot nanaman ‘yung puso ko, grabe ka naman Seven.. sana man lang nagpaalam ka sa’kin nang maayos na tatapusin mo na ang kung anuman ang namamagitan sa’tin..
“Sorry Shaina..” sabi ni Nash, ngumiti ako sa kanya, “Wala kang kasalanan, okay? Haha. Walanghiya lang talaga ‘yong si Seven.. sige, tara, kain na tayo.. s’an ba pwede..?” tanong ko.
“Ayaw mo dito?” tanong ni Nash, umiling ako, “Hmm.. sige.. wait, mag-iisip ako kung saan masarap kumain..” sabi niya, sandali siyang nag-isip, “Ah! Alam ko na, tara, sundan mo ko” sabi niya tapos kinuha niya ‘yung kamay ko.
Wala akong naramdaman na kahit ano, wala lang, normal lang.
Sumunod lang ako sa kanya, dinala niya ako sa ChicBoy, “Masarap dito! Hehe, diyan ka lang ha, ako na mago-order” nakangiting sabi niya, sumunod naman ako, umupo ako sa isang lamesa na pang-dalawahan.
Pumila naman si Nash para um-order ng mga kakainin namin, maya-maya ay bumalik na ito na may hawak na number 27.
“Shaina..” sabi niya, tapos hinawakan niya ‘yung kamay kong nakapatong sa lamesa, “Alam kong hindi ka masaya sa’kin.. pero gagawin ko ang lahat para.. mabawasan ang sakit na nadarama mo ngayon..” nakangiting sabi niya tapos pinisil niya nang marahan ang kamay ko.
Naramdaman kong may tumulong luha mula sa mata ko, pero pinunasan niya kaagad gamit ang kamay niya, “And whenever you cry.. I’ll try my best to be there.. I want you to know that I love you..” sabi niya.
I smiled at him, ‘yung tunay na ngiti. Siguro hindi ko dapat paikutin ang mundo ko kay Seven.. siguro may ibang mga bagay na mas karapat-dapat kong pansinin..
Katulad na lang ng lalaking nasa harapan ko ngayon.. si Nash.
“T-Thanks.. Nash” sabi ko sa kanya, lalong nagliwanag ang ngiti niya, ang hirap i-explain kung p’anong nangyari ‘yon.. pero.. talagang nagliwanag ang ngiti niya..
“You’re always welcome.. Shaina” nakangiting sabi niya, “Um.. sir? Excuse me po, but.. here’s your order” biglang singit ng waiter, bigla naman kaming natauhan, binitawan niya ang kamay ko at ako nama’y tinanggal ang kamay ko sa lamesa.
I was looking in everything but Nash, “T-Thanks” sabi ni Nash ‘dun sa waiter, nilagay naman ‘nung waiter ‘yung mga pagkain namin sa lamesa.
Pagkatapos ay umalis din ito.. awkward... Shiet. ‘Di ako sanay!
“Let’s eat?” sabi ni Nash na para bang hindi rin siya sigurado kung tama ba ‘yung sinabi niya, tumango na lang ako at tinitigan ko ‘yung pagkain ko. As in talagang nakayuko lang ako at titig na titig ako sa pagkain ko.. baka nga mamaya matunaw pa ito sa tindi ng titig ko eh.
Maya-maya lang din ay tumikhim si Nash kaya ‘di ko na napigilang ‘wag tumingin sa kanya, alangan namang ‘di ko pa tignan diba? Kahiya naman!
“Um.. so how did you like the food?” tanong niya sa’kin, halatang nahihiya pa rin siya, nakangiti kasi siya pero halatang kinakabahan siya. Kaya mukha siyang natataeng ewan.
“Hahahaha! ‘Wag ka ngang ngumiti nang ganyan! Hahahaha. Mukha kang naje-jebs eh!” tumatawang sabi ko, nagulat siguro siya kasi bigla akong tumawa, pero maya-maya lang din ay tumawa na rin siya.
“Sorry naman! Hahaha. Ang awkward kasi eh!” sabi niya, “Sus. Kasi naman, dami mong ka-dramahan sa buhay!” sabi ko naman sa kanya, natawa uli kami.
“Hahaha! Nagsalita ang may ka-dramahan sa buhay” nakangising biro niya, pero natawa ako, infairnezzess! Marunong mag-joke si kooyaa!!
Kunwaring umirap ako, tinawanan lang niya ang gesture ko, “Tumigil ka na nga, tawa ka ng tawa.. kain na!” sabi niya tapos bigla akong binato ng tissue.
Aba! Bastusan si kooya! Batuhin ba daw ako ng tissue? Binato ko nga ng paminta.
“Hala! Gumanti daw ba?” natatawang sabi niya sabay bato sa’kin ng isang butil ng kanin, pinaningkitan ko siya ng mata.
“Ano ‘to? Food fight?” sabi ko sabay bato sa kanya ng kapirasong balat ng manok, “Ay hindi! Hahahaha! Sword fight ‘to!” tumatawang sabi niya tapos bigla niya akong binato ng kapirasong buto ng manok.
Aba! Setbu na nilalang ‘to! Binato ko siya ng una kong napulot, which is kutsara. Yumuko siya kaya nailagan niya ‘yung kutsara, pero kamalas-malasan lang ng buhay kasi ‘yung manager ‘ata ‘yung natamaan! >__< Fudgeballs! Death day ko na ba? >__<
“Hala ka...” pangungutya pa ni Nash, tinignan ko lang siya ng masama, ‘‘wag-ka-ngang-magulo-baka-mahalata-niyang-sa’kin-galing-‘yun!’ ang message ng mga mata ko sa kanya.
Ngumisi lang siya, nagulat ako kasi bigla niyang nilapitan ‘yung ateng manager na accidentally kong natamaan ng kutsara, galit kung galit ‘yung itsura ni ateng manager, pero maya-maya pa ay nanlambot din ito at naging malumanay ang itsura.
Bumalik naman si Nash sa’kin, “Alright, problem solved. Now, stop with throwing me stuff and just eat, okay?” sabi niya na halatang nagpipigil siya ng tawa.
I pouted, “Kainis ka, inaaway mo ako” kunwa’y nagtatampong sabi ko, tumawa lang siya uli, “Sinagip kaya kita, baka mamaya umuwi kang kalbo kung ‘di ko kinausap ‘yung manager na ‘yon” natatawang sabi niya, inirapan ko siya, “G*gsti, eh kung ikaw kaya ang kalbuhin ko? Hmph” sabi ko naman, ‘dun na, sumabog na, tumawa.. ay mali, humalakhak na si Nash.
“’Yung mukha mo!! HAHAHAHAHAHA!! The best!! HAHAHAHA!” humalakhak na sabi niya, mukha na siyang retarded hyena. Setbu siya! Huhuhu. T__T Pinagtitinginan na tuloy kami!! T__T
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?