Nash Marquez
Nag-drive na ako pabalik ng uni, hm.. may naisip lang ako.. kami ba ni Shaina?
Diba hindi? Hindi naman ako nanligaw.. HALA OO NGA. Ang lakas namin mag-ganito tapos ‘di naman kami!
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa uni, pinagbuksan ko siya ng pinto tapos naglakad na kami papunta sa susunod naming klase.
“Cupcake? B’at parang ang tahimik mo?” halata mo ang himig ng paga-alala sa boses niya, “Sorry, Sprinkle. May naisip lang ako” sabi ko sa kanya.
“Ano ‘yon?” tanong niya, “Hindi pa pala kita naliligawan” nahihiyang sabi ko, tumawa siya bigla, “Oo nga no! Pero there’s no need for that, Cupcake, arranged na tayo, tayo pa rin naman hanggang dulo” nakangiting sabi niya.
Umiling ako, “I want to do things right, sprinkle. Hindi palibhasa’y arranged tayo ay hahayaan ko lang na ganun lang tayo.. I’ll court you properly, I’m sorry for taking all of these too fast” seryosong sabi ko sa kanya habang hinahawakan ko ang kamay niya.
She laughed again, ang sarap lang talagang pakinggan ng tawa niya, mas lalo akong nahuhulog.
“Hay naku, bahala ka nga! Hahaha” sabi na lang niya, dumating na kami sa room at wala pa ang professor namin.
Pero paano ako manliligaw? Ti-next ko si Andrew.
Me:
Hoy! Tulungan mo ako, manliligaw ako kay Sprinkle.
Andrew:
Hoy ka rin! Putek. Sino naman yang Sprinkle mo na yan ha? Kutusan kita eh.
Me:
Si Shaina yung Sprinkle ko. Bilis na. Tulungan mo ko
Andrew:
PROBLEMA MO NA YAN
Me:
Ano ba naman yan pare eh, cge na, please?
Andrew:
Takte ang bakla mo. Sige na, sige. Tulungan na kita.
“Yes!” biglang napasigaw ko kaya nagulat silang lahat, lalo na si Shaina na napatingin sa’kin, “Anong nangyari?” nagtatakang tanong sa’kin ni Shaina, agad akong nahiya sa naging reaksyon ko.
“W-Wala ‘yun Sprinkle, hahaha, pagpasensyahan mo na” sabi ko na lang, she looked at me suspiciously, “May ka-text ka bang babae?” tanong niya.
Agad akong umiling, hala lagot! Hindi niya pwedeng makita ‘yung ti-next ko kay Andrew!
“Weeeh? Patingin nga!” sabi niya at agad na inabot ‘yung cellphone ko pero nilayo ko ito sa kanya, kumunot ang noo niya.
“Ano ba, Cupcake! Sabi mo wala kang ka-text tapos ayaw mo ipatingin sa’kin ‘yang cellphone mo!” naiinis na sabi niya habang pilit pa ring inaabot ang cellphone ko.
Aahhh!! Ayokong magalit si Shaina.... ugh, fine!
“E-E’to” sabi ko tapos dahan-dahan kong inabot sa kanya ‘yung cellphone, agad naman niyang hinablot ito mula sa kamay ko nang nakasimangot.
“Sabi ako lang daw tapos may ka-text naman..” I can hear her mumbling and I can’t help but laugh softly.
Binasa nga niya ang text history ko, at dahil wala naman siyang ibang mababasa ‘dun kundi ang text ng nanay ko, kapatid ko, niya, at ni Andrew, wala akong inaalala. Like I said, loyal na loyal ako sa iisang babaeng mahal na mahal ko.
Binalik na niya sa’kin ‘yung cellphone ko at napansin kong namumula ang kanyang pisngi, damn! She’s just too adorable!
Dumating na ‘yung professor namin at nag-lesson, at dahil napaka-boring naman kung ide-detalye ko pa kung ano ‘yung lesson niya, skip na lang. So ‘yon na nga, tapos na ang lesson at sa wakas, uwian na namin ni Shaina.
Ti-next ko uli si Andrew.
Me:
Andrew, tawagan kita mamaya para mas mapag-usapan natin yung plano para sa panliligaw ko.
Andrew:
Geh. Teka nga, bat kasi di ka pa nanligaw noon? =_=
Me:
Sorry na, nakalimutan ko eh.
Andrew:
Gago. Bawas pogi points yan
Me:
Eh kasi naman, sa dami ng nangyayari, parang kami na.
Andrew:
Tsktsk. Cge na, basta tulungan na lang kta.
Me:
K.
“Tara na, uwi na tayo” nakangiting sabi ko kay Shaina, she smiled and nodded, kinuha ko na ‘yung bag niya at hinawakan ko ang kamay niya tapos naglakad na kami papunta sa kotse ko.
“Sorry nga pala kung nakalimutan ko nang manligaw” I said guiltily, she just smiled and kissed me on the cheek, “’Wag ka mag-alala, naiintindihan ko naman kung bakit mo nakalimutan, kahit ako akala ko tayo na” tumawa siya.
“Thanks for understanding me, Sprinkle. I love you” nakangiting sabi ko, “I love you too” nakangiting sabi niya, maya-maya lang ay humikab ito.
“Sleep, sprinkle. I’ll watch while you sleep” sabi ko sa kanya, “’Wag, baka mabangga tayo” sabi niya sabay tawa na ikinatawa ko rin, “Adik ka talaga, sige na, matulog ka na” sabi ko, ngumiti siya at tumango, maya-maya ay nakita ko na lang na nakapikit na ang magagandang mata niya.
I can’t help but steal glances at her, she looks so serene and angelic lying there and sleeping peacefully. Ang sarap niyang titigan, pero katulad nga ng sabi niya, baka naman mabangga kami e’di hindi ko na siya makikita kahit kailan, kaya mas minabuti ko na lang na ituon ang tingin sa kalsada.
Mga 30 minutes rin mahigit ang lumipas at nasa tapat na kami ng mansion nila kaya dahan-dahan ko siyang ginising, “Sprinkle, gising na” sabi ko sa kanya, agad naman itong dumilat at kinusot ang mata.
“Goodmorning sleeping beauty, we’re here” nakangising sabi ko, bumaba na ako ng kotse para pagbuksan siya.
“Sarap ng tulog ko” nakangiting sabi niya nang makababa na siya ng kotse at nag-inat.
“Buti naman, by the way.. here” sabi ko at inabot sa kanya ang isang maliit na kahon, halatang nagtaka siya sa kung ano ‘yon, “Buksan mo” nakangiting sabi ko sa kanya.
She slowly pulled open the lid, “OH MY GOD! Cupcake! I can’t believe this!” she screamed.
I just bought her the earrings she wanted a while ago. Yes, I want her.
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?