Shaina Aragon
Nasa kwarto ako ngayon, umiiyak. Haay. Setbu, ang sakit sakit na ng mga mata ko pero ayaw paring tumigil ng mga luha ko sa pagr-racing. Na-wili na.
Nagulat ako nang biglang may kumatok, hindi ako sumagot, kunwari tulog.
“Alam kong gising ka pa Shaina” sabi ng pamilyar na boses, napasinghap ako, dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa pinto..
Bakit siya nandito?
Binuksan ko na ang pinto, at siya nga..
“Nash? Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya, “Didn’t I tell you that I’ll try to be there whenever you cry? So here I am Shaina..” sabi niya, nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap.
“Umiyak ka lang Shaina.. I can be a shoulder for you to cry on, I can be your knight in shining armor whenever you’re in trouble, I can be your Superman when you find something impossible, I can be your sun when you need energy, I can be your clown when you’re sad, I can be your friend when you need help, I can be your best friend when you need to rant, I can be anything you want me to be.. as long as you’re going to be happy..” litanya niya.
Bwiset na ‘to.. lalo lang niya akong pinaiyak eh!
Niyakap ko rin siya, “Waah!! N-Nash.. T__T” humihikbing sabi ko, hinahaplos-haplos niya ang buhok ko, nakakahiya man kasi tumutulo na ang sipon at uhog ko sa tshirt niya.. pero hindi ko talaga mapigilan ang mga luha kong nagr-racing palabas. Parang LBM, mahirap kimkimin.
Patuloy lang akong umiyak habang yakap-yakap niya ako, naramdaman ko talagang hindi niya ako iiwanan... kahit pa alam kong nakakadiri na ‘yung itsura ko.
Nagising na lang ako dahil sa liwanag na tumama sa mata ko, pagdilat ko ng mga mata ko, bumulaga agad sa’kin ang napaka-gwapong pagmumukha ni Nash.
“KYYAA!!!!!” sigaw ko na akala mo may sunog na, gulat na nagising si Nash, “A-Anong nangyari?!” nag-aalalang tanong niya nang makatayo siya.
“B-B-Bakit ka.. nasa kwarto ko?” nagdududang tanong ko sa kanya habang nakatalukbong ang kumot sa buong katawan ko.
“I was here.. waiting for you to stop crying, unfortunately, you didn’t stop at all.. so I fell asleep” sabi niya na napapa-kamot na lang sa ulo.
“Oh... So.. you were up all night?” tanong ko sa kanya, umiling naman siya, “Nakatulog naman ako..” sabi niya tapos bigla niyang tinignan ‘yung orasan.
“Ng 30 minutes” dugtong niya, nanlaki naman ‘yung mga mata ko, “WHAT?! 30 minutes pa lang ang tulog mo?!” ulit ko.
“Oo nga! Kulit nito! Hahaha” sabi niya sabay gulo sa buhok ko, I shaked his hand off, “Ano ba! Umagang-umaga nanggugulo ka” sabi ko sa kanya.
“Aba! Sino kaya ang nanggulo ‘nung madaling araw?” nakangising sabi niya, inirapan ko na lang siya.
Nakakagulat nga eh.. bakit ganun? Parang kahapon lang, feeling ko mamamatay na ‘ko sa sobrang sakit.. pero bakit ngayon.. parang wala na ‘yung nararamdaman ko kahapon? Anyare?
“Um.. Nash... salamat uli ha” sabi ko sa kanya pero hindi ako nakatingin nang diretso sa mga mata niya, nahihiya ako eh!
“You’re always welcome” nakangiting sabi niya, nagulat ako nang biglang kinuha niya ‘yung paa ko at hinalikan ‘yung ibabaw ng paa ko.
[O//___//O] What the hill?!
“P-p-p-p-p-p-p-p-p-p-p-pap-parap.. papa.. love ko ‘to! I MEAN! PARA SAAN ‘YON?!” sigaw ko sa kanya.
He smiled his sweetest killer smile, ‘yung tipong ngiti na mahihimatay ka na sa kilig, ‘yung tipong mapapa-ibig ka sa isang iglap, ‘yung tipong show stealer. Ganun ang ngiti niya..
“When you kiss a woman’s foot, that means you are her loyal servant.. it means that you put her first before everything else” sabi niya, wow naman. S’an nanaman kaya niya napulot ‘yan?
“Sus, gutom lang ‘yan, tara na nga, kumain na tayo, may pasok pa mamaya” sabi ko sa kanya, ngumiti siya, “Sige” sabi niya tapos naglakad na kami papunta sa dining room.
Nakalimutan ko na 3:30 am pa lang pala at wala pang gising na mga maids, “Hmm.. p’ano ‘yan? Gutom na ‘ko eh” sabi ko nang naka-pout.
“Don’t pout Shaina.. baka magulat ka na lang nahalikan na pala kita” pabirong sabi niya sabay kindat, tapos ‘yung baliw, tumawa! Haay nako! Batukan ko ‘to eh.
“Shut up and cook” sabi ko sa kanya sabay lagay sa kanya ng apron, nanlaki naman ‘yung mga mata niya, “What the—?!” gulat na sabi niya.
“Sshh! Just cook” sabi ko tapos umupo na ako sa isang upuan, “Tss. Bossy” sabi niya, pinukawan ko naman siya ng matalim na tingin, tumawa lang siya at pumunta na sa kalan.
“What’s your order, your highness?” tanong niya, “Um.. Gusto ko ng... um.. bacon!” excited na sagot ko.
“Hmm.. alright” sabi niya tapos binuksan niya ‘yung ref para tignan kung may bacon ba, at nang mahanap na niya ‘yung bacon, kumuha na siya ng kawali at prinito iyon.
After 1 hour, natapos din siyang magluto, nagtimpla siya ng strawberry juice at nagluto naman siya ng bacon, hotdogs and eggs. Tapos nagluto pa siya ng fried rice at gumawa na rin siya ng caesar salad.
Wow! Bongga ang breakfast!
“Naks naman Nash! Hahahaha! Handang-handa ka na mag-asawa ah! Hahahaha” biro ko, ngumisi naman siya sa’kin at tinignan ako nang nakakaloko, “Syempre naman.. I want what’s best for my wife” sabi niya sabay kindat.
Sabi ko nga.. mananahimik na ‘ko. =___=
“O! B’at bigla kang natahimik dyan?” natatawang tanong niya sa’kin, inirapan ko lang siya, “Gigisingin ko na sila mama at nang makakain na tayo” pasimpleng sabi ko sabay walk out. Ay, hindi naman literal na walk out, pero ganun talaga ‘yung gusto kong gawin kasi pinapakilig ako ni Nash de leche.
Pumunta ako sa kwarto nila mama, “Mama? Papa? Gising na po.. pinagluto po tayo ni Nash ng pagkain” sabi ko habang kinakalabit ko silang dalawa.
Nagising naman kaagad si Papa, umupo siya, “Ha? Pinagluto tayo ni Nash?” gulat na tanong niya, tumango ako, tinignan naman niya ‘yung wall clock, “Aba’t madaling araw pa lang ah? Bakit ang aga naman yata nating kakain?” sabi ni papa.
“Eh.. kasi po.. um.. gutom na po ako eh” katwiran ko, tumawa nang mahina si papa at tinapik-tapik ang ulo ko, “Sige na, kayo na lang muna ni Nash ang kumain, antok pa ako eh, mamaya ka na mambulabog” nakangising sabi ni papa sabay higa.
T__T Ang harsh ng ama ko! Mambulabog talaga?! Pero infairnezzes! Closerness na kami ni pader! Hahaha.
Bumaba na ako at pumunta sa dining room, “Huy panget! Tayo na lang daw muna kumain” sabi ko kay Nash, natawa naman siya, “Para ka talagang bata” sabi niya.
Inirapan ko lang siya tapos kinuhanan ko na siya ng plato, kutsara at tinidor tapos inilapag ko sa lamesa, magkatabi lang ang pwesto namin sa hapag.
“Naks, ang sweet naman ng misis ko” nakangiting sabi niya habang nakatingin siya sa’kin, “Misis ka dyan, magtigil ka nga Nash Marquez!” sabi ko sa kanya na tinawanan lang niya.
“Ang highblood mo talaga kahit kailan” tumatawang sabi niya, “Shaddap, kumain na nga lang tayo” sabi ko sa kanya, tumango siya pero tumatawa pa rin.
Umupo na ako sa katabi niyang upuan tapos kumuha na ako ng pagkain, pagkakuha ko ng pagkain, nagsimula na akong lumamon.
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?