Seven Madrigal
“Shaina Aragon..” simula ng professor, shiit! Sana ako, sana ako, sana ako.. I chanted in my head.
“and.. Seven Madrigal” pagtatapos niya, YYYEEEEESSSSSSS!!!!!! Para akong nanalo ng lotto! Pcha!
Tumingin ako kay Shaina, pero nagsisi ako kaagad kasi nakita kong magkayakap sila ni Nash.
I clenched my fist, sinusumpa ko, paghihiwalayin ko kayong dalawa.. mapapasaakin ka, Shaina.. by hook or by crook.
Nang mapalingon ako ay nahuli ko si Kath na nakatingin sa’kin, tinaasan ko siya ng kilay at agad naman siyang tumingin palayo. Damn her, kung hindi dahil sa kanya nasa akin parin ngayon si Shaina eh!
“Okay class, that’s all for today, goodbye” sabi ng professor at lumabas na, nagsitayuan na rin ang mga estudyante at nagsi-lapitan sa mga partner nila.
Ako na mismo ang naunang lumapit kay Shaina kasi alam ko namang ‘di siya lalapit, “Anong kailangan mo?” masungit na tanong niya sa’kin. Sus, pakipot ka pa, eh alam ko namang gusto mo rin ako.
“Ikaw” hirit ko sabay ngisi, nakita ko kung paanong nag-igting ang bagang ni Nash at nakakuyom ang kamao, niyakap naman ito ni Shaina sa braso para pakalmahin and I felt jealous. That should be me! Fucking me!
“Get to the point” madiin na sabi ni Nash na matalim ang tingin sa’kin, I glared back, “I’m not talking to you, asshole” sabi ko naman sa kanya.
“Tsk, well, speaking to my fiancee means speaking to me as well, don’t get too carried off, mother—” pinutol ni Shaina ang sasabihin nito, “Stop swearing, oo na, partner na kita, but, kung gagawa man ng project, I want ALL of us in one room, okay? ALL OF US” sabi niya.
Nanlumo naman ako sa narinig ko, akala ko pa naman maso-solo ko na si Shaina!
“Hah, akala mo siguro hahayaan ka ni Sprinkle na makasama siya na kayo lang no? Tanga ka ba?” sabi ni Nash habang pinagtatawanan ako, tinapakan ko siya sa paa.
Sprinkle? What the fuck, ang panget naman ng tawagan na ‘yan! Pang-bakla! Tsaka, akala ko ba ayaw ni Shaina sa ganun? ‘Yung mga tawagan na ganun? Ano ‘yun?! Exception ‘yang panget na ‘yan?
“Manahimik ka nga” sabi ko, “Alright Shaina, kung ‘yan ang gusto mo, susundin ko” dagdag ko at ipinamulsa ko na ang dalawa kong kamay at naglakad na palayo.
Bago pa ako makapunta sa parking ay hinarangan ako ni Kath, “Oh, good timing! Sabi nga pala ni Shaina sabay-sabay daw tayong gagawa ng project” sabi ko sa kanya at sumimangot siya.
“Bakit mabait ka sa’kin ngayon?” nagtatakang tanong niya, “Kasi.. sabi ni Shaina! Sige Kath, uwi na ako ha, bye!” sabi ko sa kanya tapos sumakay na ako sa kotse at nag-drive pauwi.
Nang makauwi ako ay sinalubong agad ako ng mga maid namin at inasikaso ako, laging ganito sa mansion, bawat kilos ko, sila na ang bahala. Lalo na ngayong ako na ang President ng lahat ng kumpanya.
Pumunta na ako sa kwarto ko, pinindot ko ‘yung intercom at nagpadala ng juice, tapos kinuha ko ‘yung laptop ko at binuksan ko ang FB, Twitter, IG at kung anu-ano pang social sites na meron si Shaina para i-stalk siya.
Ganto ang lagi kong ginagawa pagkauwi na pagkauwi ko, binabantayan ko si Shaina.
I know, I’m creepy and weird. Pero ano ba namang magagawa ko? Ayaw niya akong makasama man lang, ayaw niya rin akong kausapin, then how else can I check up on her, right?
I miss her so much..
Nash Marquez
Kakarating lang namin sa mansion ni Shaina, pinapasok naman kami ni daddy.
“O, hijo! Tara, kain muna tayo” nakangiting bungad sa’kin ng mommy ni Shaina, ngumiti ako pabalik at nagpaubaya na papunta sa hapag.
“Ano na pong balita?” tanong ni Shaina kay daddy, “Not good, dear. The Melaverde group of companies are now bankrupt” sagot ni daddy at nagulat si Shaina.
“Ano?! Bakit hindi man lang sinabi sa’kin ‘yon ni Andrew?!” sabi niya, this is bad. Kapag ganyang sinabi niya ang totoong pangalan ni Andrew ay dalawa lamang ang ibig sabihin, sobrang nalulungkot or nagagalit siya. And it could also be both.
“Calm down, honey! Wala tayong makukuha kung papairalin natin ang galit!” sabi naman ni mommy, “P-Pero.. ma.. we need to help them” sabi ni Shaina.
“I know, dear. I know.. pero wala pa tayong magagawa sa ngayon” sabi ng mommy ni Shaina, I held Shaina’s hand. I won’t let go, babe. I won’t.
“Don’t worry, okay? Gagawa tayo ng paraan, malalagpasan din natin ‘to” sabi naman ng daddy niya to cheer her up.
Shaina smiled, pero pilit. “Sige po ma, pa” sabi niya tapos nagsimula na siya uli kumain.
Tahimik lang ako nang bitawan ko ang kamay niya, she had to eat. She had to use that hand. Pero ayoko talaga sana bumitaw eh.
Maya-maya lang din ay natapos kaming mag-dinner, “Salamat po sa dinner, una na po ako” nakangiting sabi ko at niyakap naman ako ni mommy.
“Okay dear, ingat ka ha” sabi ni mommy, “Ingat ka, hijo” sabi naman ni daddy, niyakap naman ako ni Shaina at hinalikan ako sa pisngi.
“Bye, Cupcake! Ingat ka ha, I love you” sabi niya, niyakap ko siya pabalik tapos hinalikan ko siya sa noo, “Syempre magi-ingat ako” sabi ko sa kanya.
Lumabas na ako ng mansion nila at sumakay sa kotse ko, tapos nag-drive na ako pauwi.
Nang makapag-park ako sa garahe namin ay dumeretso na ako papasok ng mansion namin, “Hello, anak! How’s your day?” nakangiting tanong sa’kin ni mama, hinalikan ko siya sa pisngi matapos mag-mano.
“Great, mom” simpleng sagot ko at tuluyan nang pumasok sa loob at umupo sa sofa, “Mukhang ayaw mo magkwento tungkol sa lovelife mo ah” pang-aasar ni mama na tinawanan ko.
“I’m shy about it, mom. ‘Wag mo na akong pilitin” mahinang sabi ko at lalo namang natawa si mama, “You’re so cute, talaga!” nanggigigil na sabi ni mama sabay pisil sa pisngi ko.
“O sya! Umakyat ka na bago ko pa mabanat ‘yang pisngi mo” sabi ni mama sabay tawa, natawa na lang din ako at umakyat na papunta sa kwarto ko.
Pagkabihis ko ng pambahay ay humiga ako tinawagan si Shaina kaso ‘di siya nasagot. Kinabahan naman ako, may nangyari ba sa kanya?
I tried 20 times more pero wala pa rin talagang sagot, sobrang nag-aalala na ako at pupunta na sana ako sa kanya kung hindi lang nag-ring ‘yung cellphone ko na agad ko rin namang sinagot.
“Cupcake!” sabi ni Shaina at nabunutan ako ng tinik, I sighed out of relief, “Akala ko naman kung ano na nangyari sa’yo!” sabi ko.
“Hehe, sorry na! Naliligo kasi ako eh!” sabi naman niya, “Ahh.. kaya pala, ang tagal mo talaga maligo!” tumatawang pang-aasar ko sa kanya.
“Tse! Ang bilis mo kasi maligo kaya ka mabantot eh!” ganti naman niya na ikinatawa ko, “Mabantot daw ako eh ikaw nga ‘tong ‘pag niyayakap ako eh sinisinghot ako” sabi ko at humalakhak ako.
“Aahh! Hindi kaayyaa!! Imbento ka dyan ah!” sabi naman niya at tumawa ako lalo, “Anong hindi?! Ako pa niloko mo, Sprinkle! Sabi ko naman sa’yong kabisado na kita diba?” sabi ko. “Tsk! Whatever!” simpleng sabi na lang niya.
Author's Note
Hi guys! Long time no update~ Hehe. ♥ Sarreh! Busy-busyhan si author, magg-graduate na kasi eh. (Baka grumaduate XD)
Anyway, OMG. 1K READS NA ANG CYMBF! ♥ Salamat sa lahat ng nagbabasa nitong story na ito, sana hanggang sa matapos ko tong story na to eh binabasa niyo pa rin. I love you all so much! ♥
Btw. Ang hirap gamitin ng bagong format ng wattpad, ang hirap mag-UD T__T Huhuhu.
One time big time to, 3 chapters in one day. Hahaha. Baka next year na yung next update? HAHA XD Tagal. XD
Salamat uli mga readers at binabasa niyo tong kalokohan ni author (Author's Note) Hahahaha!
- SH ♥
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?