Chapter 44: Drop (END)

236 6 0
                                    

Seven Madrigal

Biglang bumukas ang pinto kaya napahinto ako mula sa pagk-kwento kay Shaina, isang araw na siyang hindi pa nagigising, at nag-aalala na rin ang mga doktor sa nangyayari.

"Sir, iche-check ko lang po ang BP ng asawa niyo" sabi ng nurse, tumango lamang ako habang hawak ko ang kamay ni Shaina.

Kailan ka ba gigising Shaina? Nami-miss ko na ang boses mo, ang tawa mo, yung mga mata mong nagpapatindig ng balahibo ko..

Umalis kaagad ang nurse pagkatapos niyang i-check ang blood pressure ni Shaina at ang kanyang dextrose, nagpasalamat ako dito bago umalis.

I decided to call Andrew and Ahria, well, mga best friends sila ni Shaina, they deserve to know. Tsaka kailangan ko din ng ibang magbabantay kay Shaina.

Wala pang 15 minutes ay dumating ang dalawa, mas nauna lang si Andrew, "Anong nangyari kay Shaina?" they asked in chorus.

I looked at Shaina's sleeping face, "I woke up and she was screaming in pain, sabi niya ang sakit daw ng ulo niya, the doctors had her checked and..." I paused, hinawakan ni Andrew ang magkabilaang balikat ko, "Ano nangyari? T*ngina, 'wag kang pabebe" sigaw niya sa'kin.

G*go rin 'tong si Andrew eh, "She has brain tumors" I mumbled, natahimik si Andrew at napaupo si Ahria sa sahig.

"M-Maliligtas ba daw siya? Wala naman siyang cancer diba?" halos nanginginig na na tanong ni Ahria, "25% chance daw na maligtas siya.. Benign naman daw 'yung mga bukol, wala siyang cancer. Pero kahit 'yung surgery, maaari siyang mapatay" I said in horror.

Tinignan ni Andrew si Shaina, "Anong balak mo?" tanong niya sa'kin, "...Gusto ko siyang pa-operahan" sabi ko.

"25%? Ang liit lang 'nun! Would you rather lose her immediately than in the long run?" biglang react ni Ahria, I glared at her, "Oo, alam kong maliit lang 'yung 25%! Pero mas gugustuhin ko pang mabilisan kesa mahirapan siya" sabi ko.

Magsasalita pa sana si Ahria ngunit nauna na si Andrew, "Tama si Seven, Ahria.. kahit ako, ayokong makitang nahihirapan ang bestfriend ko sa isang bagay na pwede naman nating gawan ng paraan" sabi niya.

"Tsaka.. alam kong lalaban si Shaina, hindi siya mabilis sumuko" ngiti ko, tumango naman silang dalawa, "...Balak mo bang sabihin kay Nash?" biglang tanong sa'kin ni Andrew, "S-Siya ang dahilan kung bakit nangyayari ito kay Shaina.. hindi ko sasabihin sa kanya.." mahinang sabi ko.

"Seven, alam mong hahanapin din siya ni Shaina" katwiran niya, "Oo, alam ko, pero ayokong makitang malungkot nanaman siya" sagot ko.

Natigilan ako nang naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Shaina, unti-unti niyang binuksan ang mga mata niya.. Salamat po.. Panginoon..

Tumingin siya sa aming tatlo, na parang 'di niya kami kilala, "S-Se..ven?" mahina niyang bigkas, ni hindi ko namalayang pigil na pala ang hininga ko.

Sinubukan niyang umupo pero pinigilan ko siya, "Andrew, patawag 'yung nurse, sabihin mo gising na si Shaina" utos ko at agad namang tumakbo palabas ng kwarto si Andrew.

"'Andito ako baby, kamusta pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?" tanong ko sa kanya habang hinihimas ko ang uluhan niya.

Bahagya siyang umiling, "Hindi naman.. ano bang nangyari?" tanong niya sa'kin, natigilan ako bigla.

"Hindi mo ba naaalala?" tanong ko sa kanya, umiling siya, "Kaya nga kita tinatanong eh" biro niya.

"Nagising ako kahapon kasi sumisigaw ka.. sabi mo masakit ulo mo kaya dinala kita dito" sabi ko na lang sa kanya, pero imposibleng hindi niya maalala 'yon..

Shaina Aragon

Sumakit ang ulo ko? Bakit hindi ko maalala? Sino 'yung babaeng kasama ni Seven?

"Sino ka?" tanong ko sa babaeng kasama ni Seven, nagka-tinginan silang dalawa at agad akong nainis, "Seven? Baka nakakalimutan mong ako lang ang girlfriend mo!" sabi ko.

"S-Shaina.. hindi mo ako naaalala?" naiiyak na tanong sa'kin ng babae, I arched a brow, "Am I supposed to know you?" tanong ko sa kanya.

"A-Ako 'to.. si Ahria.." mahinang sabi niya, "Ahria?" bigkas ko.. Ahria.. Ahria.. sino si Ahri-

"GAAAAAHHHHHHH!!!! AAAHHHH!!!" ANG SAKIT. ANG SAKIT SAKIT.. ANONG NANGYAYARI?

"SINO KA?!!! SINO KAYO?!"

"S-Shaina?! Huminahon ka, please, huminahon ka!" hinawakan 'nung lalaki ang mga balikat ko at nagpumiglas ako.

"BITAWAN MO AKO HINDI KITA KILALA, SINO BA KAYO AT BAKIT KAYO NANDITO?"

"Y-'Yung ulo ko..." napaiyak ako, "GAAAHH! TULUNGAN NIYO KO!! S-SEVE... S-SINO SI SEVEN? SINO KAYO?!!" pasakit nang pasakit ang ulo ko.

May mga pumasok.. hindi ko na alam ang nangyayari..

"Shaina huminahon ka.." narinig kong may nagsabi... pero sino? Wala na akong makita..

"She's losing conciousness.."

"Heartbeat is dropping!!"

"SHAINA!!"


Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon