Shaina Aragon
“Grabe Nash! Ang sarap mo palang magluto! *o*” sabi ko sa kanya nang nakangiti.
Nginitian niya din ako, “Syempre, kailangan marunong din ako maluto para hindi ka mahihirapan” sabi niya sabay kindat.
O__O NASSH!! BAKIT KA GANYAN?! ANG BILIS MO KONG PAKILIGIN! >///<
“Umamin ka nga—” pinutol niya ang dapat na sasabihin ko, “Mahal kita” sabi niya, lalo kong naramdaman ang pagpula ng pisngi ko.
“Cheslalou! Magtigil ka nga! Pero seriousness activated, MARUNONG KA BA SA LAHAT NG GAWAING BAHAY?!” tanong ko sa kanya. Inaatake nanaman ako ng kabaklaan hormones ko. Charotness!
“Um.. oo, pagluluto, pagwawalis, paglilinis, paggawa ng mga sirang gamit, paglalaba, pagpaplantsa at kung anu-ano pa, alam ko” sabi niya, napa-literal na nganga naman ako.
BONGGA! Parang siya pa ang babae sa aming dalawa ah! Ni hindi nga ako marunong magplantsa eh!
“So in other words.. ako ang magta-trabaho at ikaw ang house husband?” seryosong tanong ko sa kanya, humagalpak naman siya ng tawa, as in ‘yung tipong umiiyak siya at the same time! Mukha lang talaga siyang tongeks.
Tinawanan ko siya. Baliw na ‘to!
“Pinagsasabi mo?! Hahahahaha! Pero.. pwede rin naman, kung saan ka sasaya” sabi niya sabay kindat, hinampas ko siya sa balikat, “Ang harot mo! Sundutin ko ‘yang kindat nang kindat na mata mong ‘yan eh!” sabi ko sa kanya na ikinatawa lang niya.
Nagulat ako sa sunod na ginawa niya..
O__O Is this like super seriousbells?!
Natulak ko siya palayo, “Oh shiz! Sorry, sorry, sorry! ‘Di ko sinasadya!” sabi niya nang mapagtanto niya ang ginawa niya. Well.. nilagyan lang naman niya ako ng maraming butil ng kanin sa mukha ko. T__T
“Bakit mo naman ginawa ‘yon?! Mygoodness! Para kang ewan!” sabi ko sa kanya, “Eh kasi ang cute mo eh! Hahahaha!” sabi niya kaya nahawa na lang din ako at natawa na rin.
Matapos naming kumain, in-on muna namin ‘yung TV at nanuod kami, nang sumapit na ang 5:30, naligo na ako at nagbihis ng magandang isusuot para sa school, 6:30 na ako natapos, tapos si Nash naman ang naligo.
“E-E’to o, damit, kay kuya ko ‘yan, nasa America siya kaya ‘di niya nagagamit ‘yung mga damit niya dito” sabi ko sa kanya at inabot ‘yung mga damit sa kanya, half-naked siya at naka-balot lang ang towel sa may bewang niya, kaya sa iba ako nakatingin habang inaabot sa kanya ‘yung damit na isusuot niya.
“Thanks” nakangiting sabi niya sabay kuha ‘nung mga damit, tumango na lang ako at lumabas na mula sa kwarto at bumaba na sa salas.
Nag-iinit pa rin ang pisngi ko, goddamn! He was so freaking hot! ‘Yung abs niya!! Anim!! >///< Tapos... mukhang lagi siyang nagwo-workout kasi maganda ang hubog ng muscles niya! Shet!
Nagulat ako nang biglang may humipan sa tenga ko, kaya nilingon ko ito, laking gulat ko nang..
WHAT THE EF?! OHMYGOSH! Hyperventilation activated! >//////<
HE KISSED ME ON THE LIPS!
This revelation caused my heart to beat faster and faster, feeling ko lalabas na siya mula sa dibdib ko. Shiet!
I didn’t know why pero parang.. ang sarap sa feeling! What the hell! Am I a pervert? Pucha! >___< Anong nangyayari! Nash de leche! Nakakasira ka talaga ng sistema!
Nilayo ko na ‘yung mukha ko sa kanya.
Shomainesses! “S-S-Sorry.. S-Shaina..” awkward na sabi ni Nash habang nakatingin siya sa ibang direksyon, “I-It’s.. okay” sabi ko. WAIT WHAT? ANONG OKAY?!
“I-I-I.. mean.. um..” wala na, tuluyan na akong na-speechless. At sa kamalas-malasang taglay ng buhay ko, nadapa ako, I don’t know how, siguro ‘yung rug? Ugh basta. Bwiset.
Pero agad naman ako nasalo ni Nash, okay correction, ‘di niya ako nasalo, instead, he fell with me in the process of catching me.
Nakapatong siya sa’kin, at SOBRANG LAPIT NA NG MGA MUKHA NAMIN NA KONTING PUSH PA EH MAHAHALIKAN NANAMAN NIYA AKO.
‘Wag kayong magulat kung bigla na lang akong matunaw dito, grabe naman kasi diba?! ANG HOT LANG NI NASH. ‘Yung mukha niya semi-wet look pa tapos ‘yung buhok niya! SHEET! Parang ang sarap guluhin! >__< PINAGIISIP KO?! Aissh! Wala na, tuluyan na niyang winasak ang sistema ko!
At e’to pa ang mas nakakawindang.. pi-nush niya. Hinalikan niya ako! >////< I don’t know why I don’t hate it, in fact, parang.. ang sarap niyang ulit-ulitin! Hala! Ginayuma mo ‘ata ako Nash eh!
He was kissing me like there was no tomorrow, chos! Iba ‘yung halik niya eh.. ang hirap i-describe.. ‘yun bang.. parang drugs? Nakakaadik. Parang beer, nakakalasing. Grabe, it’s a kiss I’ve never had once in my life. Ibang klase, his kiss makes me yearn for more. Taray! Yearn talaga?!
I just felt my eyes automatically closing, parang.. ang bigat na ‘nung mga talap ng mata ko.. kusa na lang sumasara.. ohmygod Nash.. ang tindi ng halik mo.
Pero nang lumayo siya, nadismaya ako! What the hell! Ano ba talagang nangyayari sa’kin? ANO AKO? IN HEAT?! Aso lang?!
“Nash..” ‘yun lang ang nasabi ko nang makaupo ako, nakita kong nakaupo rin siya sa sahig at nakatakip ang braso niya sa mga mata niya.
“Sorry” sabi ni Nash sabay labas ng bahay.
--------------
A.N
Sorry guys kung bitin ha? D: This is typed on MS Word, 3 pages to dun. HAHA. Tapos dito 1 page lang. Huhubells. TT__TT. Sarreh talaga. </3
BINABASA MO ANG
Can You Be My Fiancee?
RomanceMayaman siya, mayaman din si boy. Pero katulad ng ibang mayayaman, ipinapakasal sila sa iba. Pero paano kung mahal nila ang isa't isa? Kakayanin kaya ng pag-ibig na sila pa rin hanggang sa dulo?