Chapter 20: Steps

148 7 0
                                    

Shaina Aragon

Naiinis ako kay Nash! Alam niyo bang hindi niya ako pinapansin for ONE WEEK?! THAT’S FREAKING 7 DAYS! Uggh! Naiinis ako sa kanya! How dare he! Akala mo kung sinong gwapo! I mean, gwapo siya pero.. SHAINA DON’T START! YOU’RE SUPPOSED TO BE MAD HERE!

Anyway, b’at ba hindi siya namamansin, ha?! Ano bang problema ‘nung mokong na ‘yon?! May iba na ba siya?! May nanliligaw ba sa kanya?! Sa sobrang hot niya malamang meron! Uggh! I’m so dang frustrated, Nash Emmanuel Marquez!

Pati nga si Android eh! Hindi rin ako sinasamahan, ‘pag nagsusumbong ako tungkol sa ka-ewan-an ni Nash, natawa lang tapos maya-maya aalis na uli! Aba’y bwiset kayong dalawa!

OMG! Don’t tell me.. MAY FLING SILA? AS IN, MY HUSBAND’S LOVER?! I MEAN, MY FIANCEE’S LOVER?! OMG!!!

Sinampal ko sarili ko, pinagiisip ko? Pagdudahan ko daw bang bakla si Nash at Android?! What is wrong with me?!

Kaya heto ako ngayon, basang-basa sa ulan, walang masisilungan..

Okay, I’m not singing, I’m serious, basang-basa talaga ako ng ulan at wala akong masisilungan, aba’y nakakabwiset naman kasi, sino ba namang matinong tao ang bigla ka na lang iiwan? EH SIYA NGA ‘TONG MAY DALANG PAYONG!

Kasama ko kasi kanina si Android, I mean, kani-kanina lang, we were talking about how I’m so mad at Nash, tapos biglang may tumawag sa kanya ‘tas sabi niya importante daw kaya pupuntahan muna niya, kaya heto ako, isang basang sisiw na hindi na alam kung saan pupunta.

Mga bwiset kayong dalawa! Magsama kayo sa teleserye niyo! Bwiset!

Maya-maya lang ay biglang naramdaman kong tumigil na ang mga patak ng ulan sa paglaglag sa’kin, tumingala ako at nakita kong may nakapayong sa’kin.

“Hi miss, may nagpapabigay nga pala o” sabi ‘nung lalaki sa’kin sabay abot ng papel, tinitigan ko siya nang naguguluhan, “Ano ‘to?” tanong ko.

“Basahin mo daw eh, sige ha, alis na ‘ko” sabi niya tapos binigay niya sa’kin ‘yung payong niya at lumusob na sa ulan, tinititigan ko parin ‘yung lalaki dahil nawe-weirduhan ako sa mga nangyayari ngayon.

Tama ba namang payungan mo ‘yung babae tapos magbibigay ka ng papel tapos tatakbo ka palayo tapos iiwanan mo pa ng payong? Ano ‘to? Treasure hunt, genen?

Pero imbes na magtaray at maghasik ng ampalaya sa mundo ay binuksan ko na lang ang papel.

Gym. Now.

What?! Ang lakas namang makautos nito! My goodness! Tse! Asa ka pa kung sino ka man! Hindi ako pupunta sa lecheng gym na ‘yan no! Hahanapin ko pa si Cupcake! Bwiset na ‘yon, nangyayari siguro ‘to kasi wala siya!

Maglalakad na sana ako palayo ‘nung biglang may lumapit sa’kin na dalawang babae, grabe, medyo creepy na ‘tong nangyayari sa’kin ha.

“Ate, s’an po ba ‘yung gym?” tanong ‘nung isa, ‘yung totoo, scripted ba ‘to?

“’Dun o” sabi ko sabay turo ‘dun sa may gym, medyo malayo-layo nang konti kasi malaki ang campus, “Ate, pwede dalhin mo kami ‘dun? Pleeaassee? Transferee kasi kami eh, baka maligaw pa kami eh P.E class na namin” sabi ‘nung isa pa.

Haayyyyy, no choice, tumango na lang ako, “Sundan niyo na lang ako” sabi ko sa kanila tapos ‘yun na nga, sumunod sila sa’kin habang ako naman ay pumupunta na ng gym.

Nakarating din kami sa may harapan ng gym, nagulat nga ako kasi nakasarado ang dalawang malalaking pintuan nito.

“We’re here” sabi ko sabay lingon, nagulat ako kasi wala na ‘dun ‘yung dalawang babae.

Holy crab! Natatakot na talaga ako!!! Leche ka kasi Nash b’at mo ba naisip na isang linggong hindi magparamdam sa’kin!! T__T

Bigla na lang bumukas ‘yung pinto ng gym na lalong nagpa-tindig ng mga balahibo ko, shhhieeet! Nag-sign of the cross ako, Lorrrdd! Help me please!

Madilim ang loob ng gym, pero dahil nacu-curious ako kung anong meron sa loob ay pumasok na lang ako, tutal nandito naman na ako eh, baka mamaya hindi na buhay na babae ang humarang sa’kin, baka mamaya... bangkay na. T__T

Napatid ako.

Yes, I TRIPPED! Kasi naman! Sino ba namang matinong tao ang maglalagay ng ta—

Biglang umilaw sa loob ng gym, may mga roses sa dingding at may mga ribbons tapos may mga balloons pa. Bongga, debu ko na ba?

Pero na-realize ko na hindi ko debu kasi napatingin ako ‘dun sa tarpaulin, Sprinkle! Be my girlfriend, let’s make this right. I love you.

I couldn’t help but smile, simple lang, simpleng-simple lang ang panliligaw niya, but I don’t need extravagant efforts, sapat na sa akin ‘yung basta naiparamdaman mo sa’kin kung gaano mo ako kamahal at kung gaano ako kaimportante sa’yo, it’s more than enough.

Nash, for the times na nandun ka sa tabi ko kahit na kuntodo na akong umiyak nang dahil kay Seven, ‘yung mga oras na sobrang complicated ko at halos isumpa na kita sa sobrang galit ko sa’yo dahil nag-break kami ni Seven..

‘Yung mga oras na hindi ka sumuko sa’kin at patuloy mo lang akong sinasamahan kahit na pinagtatabuyan na kita.

‘Yung mga oras na nandun ka para damayan ako kahit sa mga simpleng reklamo ko sa buhay..

Sa lahat ‘nung oras na pinaramdam mo sa’kin ‘yung suporta mo at kung paanong lahat ay handa mong gawin para sa’kin, kung paanong kaya mong ibigay sa’kin ang lahat nang meron ka nang walang pag-aalinlangan.

Kung paanong handa mo akong ipaglaban kahit pa alam mong wala ka nang laban..

Pero hinanap ko siya sa gym at wala siya ‘dun, siguro naman lalabas din ‘yun diba?

Tumugtog na ang ang Be Your Everything.

Habang tumutugtog ang first verse ay lumingon ako dahil nakakarinig ako ng mga yapak papalapit sa’kin.

He was there, walking towards me, holding a bouquet of flowers, saglit, b’at parang ako ‘yung groom tapos siya ‘yung bride?

Nang tuluyan siyang makalapit ay HINDI NIYA BINIGAY SA’KIN ‘YUNG BOUQUET, “Hey sprinkle, don’t pout” nakangising sabi niya, nakita kong pinatong niya ‘yung bouquet ‘dun sa may lamesa sa tabi ko. Meron pala ‘dun? Kailan pa?

Bigla siyang lumuhod sa harap ko at kinuha ang kamay ko,

I'll be your shelter, I'll be your storm, I'll make you shiver, I'll keep you warm, whatever weather, baby I'm yours

Be your forever, be your fling

Baby I will be your everything

“Will you be my only girl starting today, Shaina Crystal Angeles Aragon?” nakangiting tanong niya sa’kin, a ring on his palm.

“Ah, sorry, let me rephrase that..” biglang sabi niya, “Will you be my wife, Shaina Crystal Aragon-Marquez?” nakangisi na siya ngayon at hindi ko na napigilang umiyak.

“I’m crazy so.. yes” I whispered softly as tears fell down from his eyes.

----

Author's Note

I'm loving these two characters. Haha, although they're a product of my imaginations and desires (charot!) Hahaha, well, sino ba naman kasi ang hindi nangarap na magkaron ng sariling Nash Marquez dibuh? Hahaha, yung tipong prinsesang prinsesa ka dahil sa treatment niya sayo tapos.. mas gusto niyang masaktan basta okay ka? Mygghhaad! >///< Parang ako naiinlove dito kay Nash eh. XD Maisingit ko nga sarili ko sa story ko minsan tapos kami ni Nash magkakatuluyan! BWAHAHAHA. Charot uli! HAHAHA XD Ang baliw ko guys! Surreeh! XD

- SH ♥

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon