Chapter 15: Patunayan mo

198 10 0
                                    

Shaina Aragon

Katulad nga ng sinabi ni Nash kanina ay dumating siya sa bahay namin within 2 hours.

“Bye po ma, pa, I love you po” sabi ko sabay kiss sa kanilang dalawa sa cheeks tapos sumama na ako kay Nash, as usual, being the gentleman that he is, siya uli ang may buhat ng bag ko.

Sumakay na kami sa kotse niya, “O b’at parang tahimik ka ‘ata?” tanong ko sa kanya habang nasa byahe kami, weird eh. Minsan lang kaya tahimik ‘to.

“Ha? Ah.. wala, haha. Napagod lang siguro” sabi niya na halatang pilit lang ang ngiti, tinitigan ko muna siya nang ilang sandali bago ko ibinalik ang tingin ko sa kalsada.

Hindi na rin ako umimik, kung ayaw niyang sabihin sa’kin kung may problema siya e’di ‘wag, ‘di naman ako namimilit eh.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa university, nang makapag-park ay agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan, nginitian ko lang siya tapos ako na ang nagbuhat ng bag ko at dumeretso na ako para makapasok sa university.

“Shainaa!!” bati sa’kin ni Android nang makita niya ako, kinawayan ko siya tapos sinugod ko siya ng yakap, “Musta na?” natatawang tanong niya sa’kin.

“Ayos lang” sabi ko tapos lumingon ako sa likod at.. what the F? Wala si Nash?!

“Android? Nakita mo ba si Nash?” tanong ko sa kanya, agad siyang umiling, “Diba lagi kayong magkasama?” balik-tanong niya.

“’Yun na nga ‘yung problema eh, kasama ko nga pero nasa galaxy naman ‘yung pag-iisip e’di parang wala rin” reklamo ko sa kanya.

Tumawa siya sabay tapik sa ulo ko.

“Ano ba kasi nangyari?” tanong niya, “Eh kasi.. sabi niya ‘wag ko daw sabihin sa kanya na mahal ko siya kasi daw hindi pa daw, crush pa lang daw ‘yung sa kanya, si Seven pa rin daw mahal ko..” sabi ko.

“Eh ‘yon naman pala eh, malamang masasaktan ‘yon kasi paasa ‘yung sinabi mo na mahal mo na siya tapos ang ipaparamdam mo sa kanya parang si Seven pa rin ang mahal mo, pero ‘yung totoo, sino na ba talaga?” sabi naman sa’kin ni Android.

“Si Nash naman na talaga, ‘nung isang time kasi na may klase tapos kaklase ko si Seven, nagkatitigan kami pero wala na akong nararamdaman habang nakatitig ako sa mata niya” sagot ko sa kanya.

“Eh ‘yun naman pala eh! Kung ganun, b’at naman naiisip ni Nash na hindi mo pa rin siya gusto?” tanong uli ni Android.

“Kasi.. ‘nung nag-I love you siya sa call, ‘di ko agad masagot ng I love you too, eh kasi eh! Syempre, nasanay ako kay Seven ko sinasabi ‘yon tsaka.. medyo hindi pa ako sanay na magsabi ‘nun sa iba kaya ganun pero totoo na ‘yung nararamdaman ko para kay Nash” sabi ko.

“’Yun pala eh! E’di patunayan mo sa kanya na siya talaga, iparamdam mo sa kanya, ‘wag mong sabihin, kasi mas naiintindihan ng puso ang ginagawa kesa sa sinasabi” nakangiting sabi sa’kin ni Android sabay kurot sa pisngi ko.

“Sige na, male-late na ako sa first subject ko eh” tumatawang sabi niya sabay takbo, sinimangutan ko lang siya and then I mouthed “Lagot ka sa’kin”

“Shaina” tawag sa’kin ni Seven, nilingon ko siya, “Bakit?” nakangiting tanong ko sa kanya.

“Yess! Nakita lang ako napangiti na” pang-aasar niya na inirapan ko, “Lakas makahangin nito! Hindi ba pwedeng nagiging friendly lang?” sabi ko naman.

“Friendly, sus! Eh may gusto ka pa kaya sa’kin” confident na confident na sabi niya, “Yeaahhh right~ Anyway, nakita mo si Nash?” tanong ko sa kanya na dahilan ng pagsimangot niya.

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon