26 : Inevitable

118 7 0
                                    

Shaina Aragon

“Give her back before I do my plans” kinilabutan ako sa narinig ko, ramdam na ramdam kong seryoso si Seven.

“No” madiin na sabi ni Nash.. ang sama ng kutob ko sa mangyayari.

“Okay” Seven smiled evilly before he turned away and walked, pinisil naman ni Nash ang kamay ko, to reassure me that everything will be fine.

“’Wag mo na masyadong isipin ‘yon, okay? Tara na, hatid na kita” nakangiting sabi sa’kin ni Nash at ngumiti na lang din ako at tumango.

Pumunta na kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya, tapos nag-drive na siya at hinatid niya ako sa bahay.

“Tara, pasok ka na muna” yaya ko sa kanya, “Sige, park ko lang ‘to” sabi niya at hinintay ko siyang makapag-park nang maayos at bumaba.

Sabay kaming naglakad papasok ng bahay, “Hi ma’am, gusto niyo po ba magmerienda?” tanong sa’kin ng maid.

“Sige po ate, juice na lang po tsaka sandwich” nakangiting sagot ko, “Sige po” sabi ‘nung maid sabay alis.

Dumeretso naman kami ni Nash sa living room at umupo sa sofa, nagulat ako nang biglang bumaba si papa ng hagdan na tumatakbo, he was still talking on the phone.

“Yeah, wait! Papunta na ako diyan!” he yelled at the phone in panic, anong nangyayari? Gusto kong tanungin si papa kaso nakaalis na ito.

“E’to po ma’am” sabi ng maid nang dalhin nito ang mga pinakuha ko, “Salamat po ate” sabi ko sa kanya tapos umalis na siya uli at nagsimula na kaming kumain ni Nash.

“Hi hija” nakangiting bungad ni mama habang pababa ng hagdan.

“Hi ma” sabi ko at tumayo ako at sinalubong siya ng yakap, ganun din naman ang ginawa ni Nash, tapos nag-mano kami.

“S’an po pupunta si papa?” tanong ko kay mama nang makaupo na uli kami sa sofa, “Office, mukhang may nangyari ‘ata” sagot ni mama.

Kinabahan ako bigla, paano kung sinisimulan na pala ni Seven ang plano niya?

Pero masyado namang mabilis.. parang kanina lang nag-uusap pa sila ni Nash tapos ngayon may aksyon na siya kaagad?

“What’s wrong, sweetie?” concerned na tanong sa’kin ni mama at umiling ako bilang sagot, “Wala po, may naalala lang” sagot ko.

Nanuod lang kami ng TV habang nagda-daldalan na rin, mga 6:30 na rin umuwi si papa, halatang-halata ang pagod nito nang umuwi.

“Sumuko sa’tin ang mga suppliers” nanlulumong sabi ni papa at nagulat kami, “Paano?! They were our partners for decades!” sabi ni mama.

“How else? It’s the Madrigals” sabi ni papa na puno ng galit, napatingin ako kay Nash.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Nash at agad niyang sinagot iyon, ilang segundo pa lang ang lumilipas ay agad na napalitan ang ekpresyon niya, halatang nagulat ito sa narinig.

“I’ll be there, mom” sabi niya at ibinaba na ang tawag, “Pasensya na po pero kailangan ko nang umuwi, something came up” sabi ni Nash na nagmamadali, “Mag-iingat ka” sabi ni mama at niyakap ko lang siya tapos tumakbo na siya palabas ng bahay.

“Dad, sumuko ang suppliers.. but we can still make this work right?” mahinang sabi ko, umiling si papa, “Hindi, anak. Without our suppliers, we’re branded useless, kahit pa sabihin nating may mga stockholders pa rin tayo, kung walang suppliers, walang sense ang stocks” sabi ni papa.

“No dad, there’s got to be a way” sabi ko, napatingin ako kay mama at ramdam ko ang kaba niya.

Umupo si papa sa tabi ko tapos hinawakan niya ang kamay ko, “It might seem impossible but don’t worry” he paused and looked at mom, “We’ll find a way” pagtatapos niya sabay ngiti.

Tumango ako, “We’ll find a way, kaya natin ‘to” sabi ko, “O sige na, mag-dinner na tayo at alam kong gutom na rin kayo” sabi ni papa tapos tumayo na siya at dumeretso na papunta sa hapag kainan at sumunod lang kami ni mama dito.

Matapos naming kumain ay nagpaalam na ako na pupunta na sa kwarto ko, una kong tinignan ay ‘yung cellphone ko kung nag-text ba si Nash pero wala namang messages ‘dun.

Mas minabuti ko na lang tawagan siya, he answered after a couple of rings, “Hi Sprinkle, may problema ba?” tanong niya mula sa kabilang linya.

“Sa totoo lang dapat ako ang nagtatanong sa’yo nyan eh” sabi ko sa kanya nang nakangisi at tumawa naman siya, “Sorry for leaving abruplty Sprinkle, nagkaproblema ang kompanya and my dad needed me there” sabi niya.

“Hey, it’s okay. Ano bang nangyari?” tanong ko sa kanya, “’Yung stockholder na may highest percent ay nag-withdraw, kung kailan meron pang importanteng project” sabi niya.

“Hindi ko mapigil na isipin na si Seven may pakana nang mga ‘to” sabi ko, “Eh ‘wag mo nang pigilin kasi siya naman talaga eh” sabi niya.

“So ‘yon pala ang sinasabi niya kanina sa’tin.. e’to pala ang plano niya” sabi ko, “Basta, walang bibitaw sa’ting dalawa Sprinkle ah?” sabi ni Nash at napangiti naman ako.

“Syempre naman, walang bibitiw” sabi ko, “Promise?” tanong niya at nai-imagine ko siyang nakangiti.

“Promise” I said, “Good, kumain ka na ba Sprinkle?” tanong niya sa’kin, “Yup! Eh ikaw?” balik-tanong ko sa kanya.

“Syempre naman! Haha, baka mamaya ‘pag nakalimutan ko kumain pagalitan mo ako eh” natatawang sagot niya.

“Buti nga concerned kesa naman hindi” sabi ko sabay pout, tumawa na lang siya, weird. Laging may comeback ‘yan eh, pero b’at ngayon wala?

“Speak up, Cupcake, may problema ka eh, is the problem that bad?” sabi ko, napatikhim siya, “Natatakot ako, Sprinkle” sabi niya.

“Saan? Kay Seven?” tanong ko sa kanya, “No, natatakot ako sa pwedeng gawin niya sa’yo, ayoko sanang madamay ka dito” sabi niya at na-touch naman daw ako.

“Baliw! Ikaw nga ‘tong nadamay dito eh, kung.. kung hindi ko siguro siya sinipa dati.. baka hindi siya magkakaganito” mahinang sabi ko.

I heard him chuckle, “It’s not your fault, princess. Kahit pa hindi tayo arranged, I would fight for you, I would still find you, I would still love you, these events are inevitable, at kahit ano man ang mangyari, ipaglalaban kita” sabi niya.

“Ang dami mong banat” sabi ko na lang kasi hindi ko na talaga mapigilan ang kilig ko eh!! Ang lakas talaga magpakilig nitong lalaking ‘to!

Tumawa siya, “Sana nasa tabi mo ako ngayon.. gustong-gusto kong pisilin pisngi mo ngayon” sabi niya, “Ewan ko sa’yo! Pinapataba mo naman pisngi ko eh” reklamo ko.

“Ang cuuuttteee talaga! Hahaha, sige na Sprinkle, tulog na tayo, I’m sure you’re tired” sabi niya, napangiti ako, anong oras na ba?

“What the ef?! Alas dose na?!” sabi ko, “Oo, ‘di mo ba alam?” nagtatakang tanong ni Nash, napatango na lang kahit na alam kong hindi naman niya makikita ‘yon.

“Ang bilis naman ng oras, parang nagdadaldalan lang tayo tapos biglang alas dose na pala, sige na nga Cupcake, magkikita pa naman tayo uli mamaya eh, goodnight na!” masayang sabi ko sa kanya.

“I love you Sprinkle, always” sabi niya, “I love you too! Okay!” sabi ko sa kanya at tumawa siya, “Goodnight, hindi ako si Augustus para mamatay” sabi niya at natawa ako nang malakas.

----

Author's Note

Wooooh! Ang hirap na nito i-update. Haha! Ang lalim na kasi ng story, sobra! >__< Tapos minsan masyado kong nafi-feel yung mga dialogue pati ako naapektuhan! Hahaha. Btw guys, hindi po ako nagre-revise ng stories, just so you guys know. Kung ano i-ta-type ko, yun na yun. Pero that doesn't mean type lang ako ng type, habang nagta-type po ako ay ina-analyze ko if magiging maganda ang outcome. :')

"Things might not be going as plan right now, but don't worry because God has plan A-Z"

- SH ♥

Can You Be My Fiancee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon