Ikalabinlimang Biyahe:
Andrew's point of view:
"Oy." Tapik ko sa balikat ni Rixton. Nasa loob kami ng kotse niya habang nakaparada sa tapat ng apartment ko. "Salamat."
Ngumisi naman siya. "Ako nga ang dapat magpasalamat sayo e."
"At bakit naman?" tanong ko. Supposedly, dapat galit ako sa kanya, pero ewan ko ba? Parang okay na ata kami?
"Dahil nag-enjoy ako. Maybe, hindi ito 'yung maituturing na typical date, pero I think, sobrang nag-enjoy ako. Well, hindi naman ito magiging posible kung 'di dahil sayo," seryoso niyang pahayag -- dahilan para makaramdam ako ng ilang. Aware naman ako na may iba sa kanya e.
Since naiilang nga ako, "Gusto mo munang pumasok sa loob? Magkape ka muna."
"Hm? Maganda nga iyan, so tara na?" Tumango ako.
Agad kaming bumaba para pumasok sa loob. May duplicate key naman ako kaya okay lang kahit 'di ako pagbuksan ng pinto ni Alex. Oh wait? Speaking of, nakalimutan ko nga pala siyang i-text kanina. Masyado kasi akong occupied sa mga mangyayari next week. Ugh. Mukhang tulog na ata ang isang iyon. Tahimik kasi ang bahay e.
Ngunit, gayon na lamang ang pagkabigla ko nang maabutan ko ang mesa. May mga nakahandang pagkain at may kandila pa na mukhang kakapatay lang ng sindi.
"O, nasaan 'yung boyfriend mo?" biglang tanong ng kasama ko.
Imbes na sagutin iyon..
"Ah, next time na lang siguro kita yayayain dito? Okay lang ba? Isa pa, gabi na rin e," sagot ko na lang.
Nabigla na lang siya. "Oh. Okay. So, mauna na ako?"
"Yeah, tara. Hatid kita sa labas."
Matapos makapagpaalam ay sinara ko na ang gate pati na rin ang pinto. Sa tingin ko, may kailangan muna akong asikasuhin ngayon bago magpahinga. Mukhang nagtampo e. Pagkatingin ko kasi sa phone ko, nakasampung missed calls siya; idagdag pa ang sunod-sunod niyang mga texts, tulad ng:
Alex: Babe, agahan mong umuwi ah? May sorpresa ako sayo.;)
Alex: Babe? Alas-sais na ng gabi. Nasaan ka na?
Alex: Sunduin na lang kaya kita?
Alex: Hintayin kita kahit ano'ng oras ka pa dumating. Labyu.:)
At marami pang mga texts. Grabe, pakiramdam ko, nakalimutan ko na may kasama na pala ako rito sa bahay. To think na pinag-aalala ko pa. Idagdag pa na may sorpresa pala siya sa akin. Wait, 'di ko naman ito hiningi sa kanya e. Ugh, ano ba 'tong iniisip ko. Agad akong dumiretso sa kwarto niya para i-check kung nandoon siya. Hindi naman ako nagkamali. Nandoon nga siya at nakahiga. Nakatalikod ito sa akin kaya mukhang 'di ako napansin. Sigurado ako, nakita niya ang paghatid sa akin ni Rixton dito at nagtatampo ito. Tsk. Oo nga pala, may deal nga pala kaming dalawa. 'Di ba nga, boyfriend ko siya 'pag nasa harap namin si Rixton? Tapos ako pa ang lumabag? Ugh! Ginawa ko lang naman 'yun para sa reward no'n e. Nothing more, nothing less. Tama. Iyon nga 'yun. Wala nang iba. Agad akong lumapit at naupo sa kama niya. Tinapik ko rin siya sa balikat para alam niya.
BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014